KABANATA THREE

886 120 10
                                    

Maagang nagising si Kogure para pumasok. "Apo ito na ang baon mo. Mag iingat ka lage apo mahal na mahal kita." sabe ng lola ni Kogure.

"Salamat lola mahal na mahal ko rin po kayo maaga po akong uuwi para ipag luto kayo."

"Apo wala kabang nagugustuhan sa school nyo college kana pero wala kang pinapakilala kay lola na babae." tanong ng lola nya at napangiti naman si Kogure.

"Lola wala pa po hayaan nyo kapag ako may nagustuhan sasabihin ko po agad yun sa inyo. Sige la papasok na po ako baka malate pa ako." pagpapaalam ni Kogure saka humalik sa lola nya.

Hindi naman nakatulog si Akagi kakaisip kung makakapasok ba sila ni Kogure sa team. "Kuya good morning." bati ni Haruko.

"Bakit hindi mo ko ginising?" tanong ni Akagi sa kapatid.

"Hindi kana man nagpagising sakin. Alam mo kuya ang saya ng birthday party ni Nikay nandun sila lahat kayo lang ni Kogure ang wala." kwento ni Haruko.

"Wala si Kogure?" takang tanong ni Akagi.

"Oo kuya hay naku mag bestfriend nga kayo ni Kogure kapag wala ka wala rin sya." napapangiting turan ni Haruko.

Hindi na sumagot si Akagi at nagmadali na itong kumain at mag ayos.

Naka abang naman si Kiko sa gate dahil hinihintay nya ang pag dating ni Akagi. "Ang tagal naman ni fafa Akagi." naiinip na sambit ni Kiko.

"Good morning." bati ni Kogure kay Kiko.

"Hindi kayo sabay ni Akagi? Papasok ba sya?" tanong nito kay Kogure.

"Oo papasok sya Kiko hintayin mo na lang." sagot ni Kogure saka iniwan si Kiko..

Pag dating ni Akagi nagulat sya ng makita si Kiko na may dalang bulaklak. "Hay ito nanaman nawala nga si Sakuragi sa buhay ko ito naman ang pumalit." bulong ni Akagi.

"Fafa Akagi bakit ngayon ka lang? flowers for you nag breakfast kana ba? sabay na tayo kumain treat ko." pagpapacute ni Kiko sabay hawak sa braso ni Akagi.

"Busog ako papasok na ako." naiinis na sagot ni Akagi saka tinanggal ang pagkakahawak ni Kiko sa braso nya.

"Fafa Akagi bakit ang hard mo sakin ni hindi mo manlang tinanggap ang flowers na binigay ko para sayo." pagtatampo ni Kiko.

Dahil ayaw ni Akagi ng eskandalo kinuha na lang nya ang bulaklak kay Kiko at umalis na. "Aanuhin ko naman to." inis na bulong ni Akagi habang nakatingin sa bulaklak.

Nakita nya si Misha na naglalakad kaya naisip nya na ibigay nalang sa dalaga ang bulaklak kesa naman itapon. "Para sayo miss." sabe ni Akagi at nagulat naman si Misha.

"Sakin? Thank you hah." ngiting pasasalamat ni Misha.

Hindi na nagsalita si Akagi at nag lakad na ito. "Sandali lang." pagtawag ni Misha.

Huminto naman si Akagi at tumingin kay Misha. "Bakit mo ko binibigyan ng bulaklak taga hanga ba kita?" tanong ni Misha.

"Kailangan ba ng rason kapag mag bibigay ka ng bulaklak sa isang tao?" tanong ni Akagi.

"Hindi naman ahhm thank you ulit hah ako nga pala si Misha Zenzenin." pagpapakilala nito.

"Takenori Akagi sige maiwan na kita." seryosong sagot ni Akagi saka iniwan si Misha.

Ngumiti na lang si Misha habang nakatingin sa papalayong si Akagi. "Ang sweet naman pala nya kaya lang hindi sya marunong ngumiti." sabe ni Misha saka nag lakad na rin para pumunta sa klase nya.

"Akagi." pagtawag ni Kogure.

"Pumunta ako sa gym bad news hindi daw pwede si coach Mehiko dahil may emergency daw. Ano itutuloy paba natin?" tanong ni Kogure.

"Oo." tipid na sagot ni Akagi.

"Nga pala nakita mo naba si Kiko?" ngiting tanong ni Kogure.

Hindi na lang sumagot si Akagi dahil alam nyang aasarin lang sya ni Kogure. "Alam mo mag girlfriend kana ng hindi kana sinusundan ni Kiko patay na patay sayo yun hehehe."

"Wala sa plano ko yan Kogure ang goal ko makatapos at makapag laro ulit." sagot ni Akagi.

"Goal ko rin yun pero di mo ba naisip Akagi na di na tayo pabata. Ang lola ko tinatanong na ako kung bakit wala pa raw akong babaeng pinapakilala sa kanya." kwento ni Kogure at tinignan sya ni Akagi.

"Ni minsan ba sumagi sa isip mo na magmamahal ka?" tanong ni Akagi.

"Oo naman gusto ko rin maranasang magmahal."

"Hindi ko nakikita ang sarili ko na ikakasal ako. Walang magmamahal sa isang katulad ko at kung meron man gusto ko yung tanggap ako." seryosong sabe Akagi.

"Si Kiko tanggap ka." pang aasar ni Kogure.

"Loko loko."

Nakangiti naman ng pumasok sa classroom si Misha kaya napansin yun ni Cye. "Aba ang ganda ng ngiti mo hah at kanino galing yang bulaklak mo sa mga taga hanga mo?" tanong ni Cye.

"Wag ka maingay kay Akagi to galing." sagot ni Misha.

"OMG wag mo sabihin na gusto ka rin nya ikaw na talaga gurl ang haba ng buhok mo."

"Hindi naman nya sinabe na gusto nya ako pero natutuwa ako kasi binigyan nya ako ng bulaklak." kwento ni Misha.

"Ano kaba kapag binigyan ka ng isang lalaki ng bulaklak it means mahal ka nya o crush ka nya." sabe ni Cye at kinilig naman si Misha.

𝐘𝐎𝐔 𝐀𝐑𝐄 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon