Hindi makatiis si Akagi na iwan si Misha kaya binalikan nya ito kahit na masama ang loob nya sa dalaga. "Saan ang bahay mo? ihahatid na kita." tanong ni Akagi.
"I'm sorry hayaan mo hindi na mauulit yun Akagi sobra akong nahihiya sayo." hinging paumanhin ni Misha.
"Okay lang. Ituro mo na lang ang bahay mo dahil gusto ko narin umuwi....
"Wag muna akong ihatid umuwi kana kaya ko naman ang sarili ko pasensya kana kung naistorbo kita."
"Pasensya kana sa nasabe ko." hinging paumanhin din Akagi saka nilabas ang soda na galing kay Misha. "Salamat dito." dagdag pa nya at ngumiti naman si Misha.
"Congrats nga pala sa inyo ni Kogure....
"Thank you." tipid na sagot ni Akagi saka ininom ang soda.
"Akagi may kapatid kaba? pasensya na kung nagtanong ako okay lang kung di mo sagutin."
"Meron akong kapatid ikaw?" tanong ni Akagi.
"Wala....
"Bakit mo naisip pumasok sa modeling?" tanong ni Akagi.
"Pangarap ko kasi maging fashion model. Akala ko nga madali lang hindi pala kasi may mga bagay na akong hindi nagagawa." kwento ni Misha.
"Tulad ng?" tanong ni Akagi.
"Tulad ng hindi ako makalabas kasama ang mga kaibigan ko limit lang din ang pwede kong samahan kumbaga sa artista para akong ganun. Minsan naisip ko tama ba tong pinasukan ko pero ito kasi yung gusto ko kaya kahit hindi madali okay na din kasi mahal ko yung ginagawa ko."
"May boyfriend kaba?" tanong ni Akagi.
"Wala akong boyfriend bakit mo natanong?...
"Wala naman." sagot ni Akagi at ngumiti naman si Misha.
"Ikaw ba may girlfriend?" tanong ni Misha.
"Wala." tipid na sagot ni Akagi.
Hindi na nagsalita si Misha dahil nahihiya na syang mag tanong kay Akagi. "Misha...
Niyakap ni Akagi si Misha dahil muntik na itong mahagip ng truck. "Pasensya na muntik kana." sabe nito saka bumitaw sa pagkakayakap.
"Ayos lang...
Halos lumakas ang pintig ng puso ni Misha ng titigan sya ni Akagi. "Bakit ganito ang nararamdaman ko bakit parang natutuwa pa ako na niyakap nya ako." sabe ni Misha sa isip nya.
"Okay ka lang?" tanong ni Akagi.
"Oo ayos lang....
"Para sayo hindi kapa kumakain di ba? Kapatid ko gumawa nyan." sabe ni Akagi at binigay ang cookies kay Misha..
"Thank you pero hindi kapa rin kumakain di ba?...
"Busog na ako sa soda na bigay mo." sagot ni Akagi.
Ngumiti na lang si Misha at kinain ang cookies na bigay ni Akagi. "Ang sarap. Siguro magaling mag bake kapatid mo."
"Hindi naman sakto lang....
Nagulat pa si Akagi ng subuan sya ni Misha. "Sige na kumain ka rin."
Nahihiya man si Akagi pero wala syang magawa kaya kinain na lang nya. "Thank you."
"Ang cute mo pala ngumiti pero nakakatakot ka pag masungit....
"Wag mo ko bolahin kumain kana lang." seryosong sabe ni Akagi at tumawa naman si Misha.
"Mam Misha. Pasensya na po late ako." bungad ng driver ni Misha.
"Sige Akagi uuwi na ako maraming salamat sa time mo pasensya kana rin hayaan mo hinding hindi na mauulit ang nangyare kanina iiwas na ako sayo." sabe ni Misha at sumakay na.
Naglakad mag isa si Akagi habang iniisip ang huling sinabe ni Misha. "Nasaktan ko ba sya? Bakit nya kailangan umiwas sakin." napapaisip na tanong ni Akagi..
KINABUKASAN maaga nagpunta si Kogure at Akagi sa gym pero nagtaka sya ng hindi nya makita dun si Misha. "Sino hinahanap mo?" tanong ni Kogure.
"Wala." sagot ni Akagi saka nag tungo sa locker room at sumunod naman si Kogure.
"Kawawa naman si Misha nagkasakit...
"Oo nga eh may sakit daw sya kaya wala....
"May sakit si Misha?" tanong ni Akagi.
"Oo ang sabe kagabi pa daw mataas ang lagnat nya pero sana okay na sya ngayon." sagot ni Bruto saka lumabas ng locker room.
"Si Misha pala hinahanap mo hah." ngiting pang aasar ni Kogure kay Akagi.
"Sya kasi ang manager natin di ba kaya nag aalala rin ako para sa kanya." sagot ni Akagi.
"Yun lang ba talaga? Hindi kaya naiinlove kana kay Misha? sabagay maganda si Misha halos lahat ata ng lalaki crush yun."
"Pwede ba Kogure hindi ito ang oras para sabihin mo yan sige na magpalit na tayo." inis na turan ni Akagi at ngumiti na lang si Kogure.
Natapos ang practice game at sabay sabay na lumabas ng gym si Akagi kasama ang buong team. "Gusto nyo dalawin natin si Misha?" tanong ni Lem..
"Oo nga dalawin natin si Misha dalan narin natin ng prutas." sabe naman ni Mack.
"Sama kayo Akagi at Kogure?" tanong ni Trig.
"Sige sama ako." sagot ni Kogure.
"Ikaw Akagi?" tanong ni Lem.
"Oo sasama ako." tipid na sagot naman ni Akagi.
Pag dating nila sa bahay ni Misha halos mamangha si Akagi at Kogure sa laki ng bahay nito. "Ang ganda ng bahay ni Misha." bulong ni Kogure kay Akagi.
Nakita nila si Misha na natutulog sa sofa at napangiti si Akagi ng makita na hawak hawak ni Misha ang cookies na bigay nya kagabe. "Hindi nya pa inubos." bulong ni Akagi.
"Ang ganda talaga ni Misha kahit tulog." sabe ni Mack.
"Ganda kahit san tignan." sabat naman ni Lem.
"Babaero kayo kaya ayaw sa inyo ni Misha eh." natatawang singit ni Trig.
"Wala naman boyfriend yan si Misha kaya may pag asa parin." ngiting sabe ni Mack.
Pag gising ni Misha nakita nya ang team at si Akagi. "Anong ginagawa nyo rito?"
"Dinadalaw ka hehehe. Misha para sayo nga pala binili ni Akagi yan para sayo wala kasi kaming pera kaya si Akagi na lang sumagot." sabe ni Mack at binigay ang prutas kay Misha.
"Thank you."
"Kamusta kana Misha okay naba ang pakiramdam mo? Hindi ako ginaganahan dahil wala ka." pagpapacute ni Lem saka ito tumabi kay Misha.
"Napaka babaero talaga." bulong ni Trig.
"Crush ba ni Lem si Misha?" tanong ni Kogure.
"Lahat naman ng babae na maganda pinapatos nyan yun nga lang si Misha di sya gusto." sagot ni Bruto.
Hindi na nag tagal ang team dahil lumalakas na ang ulan kaya nagpaalam na sila kay Misha. Tinawag naman nito si Akagi para kausapin. "Akagi thank you sa pag dalaw sakin."
"Wala yun mag pahinga kana para may lakas ka bukas...
"Pwede bang samahan mo muna ako wala kasi dito si Mommy at Daddy takot ako sa kulog." pakiusap Misha..
Sinamahan nga ni Akagi si Misha para bantayan ang dalaga. "Maganda nga sya kahit sang anggulo tignan." sabe ni Akagi habang nakatitig kay Misha.
"Bakit may dumi ba sa mukha ko?" tanong ni Misha.
"Wala naman sige na magpahinga kana dito lang ako." sagot ni Akagi at pumikit naman si Misha.
Inilapit ni Akagi ang upuan nya para matitigan ng husto ang mukha ng dalaga. "Ngayon lang ako nagandahan sa babae. Napaka ganda mo pala talaga Misha lalo na pag malapitan." bulong ni Akagi at hinawi ang buhok ni Misha.
"Hindi ko alam bakit gusto kita makita bakit ako nag aalala sayo. Hindi naman ako ganito sa mga babae pero bakit sayo ganito ako ano bang ginawa mo sakin Misha ano bang meron ka." napapaisip ni Akagi habang titig na titig sa dalaga...
BINABASA MO ANG
𝐘𝐎𝐔 𝐀𝐑𝐄 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓
FanfictionMaraming humahanga sa taglay na ganda ni Misha pero kahit gaano sya kaganda hindi naman mapansin yun ni Akagi. Marunong nga bang magmahal ang isang Takenori Akagi? This is just a Fanfiction I don't own any characters from SLAMDUNK. Credit to Mr. Ta...