Hindi makatulog si Akagi kakaisip kay Misha. "Ano ba tong nangyayare sakin." inis na tumayo si Akagi para kumuha ng malamig na tubig..
"Kuya bakit gising kapa?" tanong ni Haruko ng makita ang kuya nya.
"Ikaw bakit gising kapa matulog kana."
"Sige kuya goodnight."
"Alam kong wala lang to pero bakit napakalakas ng tibok ng puso ko sa tuwing makikita ko sya? Hindi kami bagay ni Misha at kahit kailan malabong magustuhan nya ako." sabe ni Akagi...
"Hindi malabo yun anak." bungad ng Papa nya.
"Bakit hindi pa po kayo natutulog?" tanong ni Akagi.
"Tulad mo hindi rin ako makatulog. Anak may babae kabang nagugustuhan? kaya hindi ka makatulog. Alam mo ganyan na ganyan din ako sayo hindi makatulog kakaisip sa babaeng gusto ko." kwento ng Papa nya.
"Hindi naman po yun ang dahilan ko kung bakit di ako makatulog. Malapit na po kasi ang laro namin." pagsisinungaling ni Akagi at ngumiti naman ang papa nya.
"Sabe nga sa kanta kapag tumibok ang puso wala kanang magagawa. O sya anak goodnight galingan mo sa laban nyo at galingan mo rin sa panliligaw." biro ng papa nya sa kanya.
"Hindi naman ako nanliligaw."
Dumating ang sabado at sinundo ni Akagi si Misha.....
Nakasuot si Akagi ng tuxedo dahil sya ang partner ni Misha sa birthday party ng kaibigan nito. "Wow you look great Akagi." puri ni Misha ng makita ito.
"Thank you."
"Tara na daan muna tayo sa photo shoot ko okay lang ba?" tanong ni Misha.
"Okay lang." sagot naman ni Akagi.
Hindi nya maiwasan na tignan si Misha dahil sa taglay nitong ganda kahit walang make up. "Ano ba tong nangyayare sakin." naiinis na bulong ni Akagi.
"Okay ka lang ba Akagi? Wag ka mag alala konti lang naman tao sa photo shoot tsaka gusto rin kita ipakilala kanila kate."
"Okay." tipid na sagot nalang Akagi.
Pag dating nila sinalubong agad sila ni Kate at Kiko. "Fafa Akagi nandito ka. Ang gwapo mo talaga fafa Akagi." pagpapacute ni Kiko ng makita si Akagi..
"Sya ba si Takenori Akagi yung kinukwento mo?" bulong ni Kate kay Misha.
"Oo. Ang gwapo nya noh." sagot ni Misha habang nakatingin kay Akagi na kausap si Kiko.
"Okay lang." sagot na lang ni Kate na parang di sang ayon sa sinabe ni Misha.
Hinintay nga ni Akagi na matapos ang photo shoot ni Misha. Hindi naman sya nainip dahil kausap nito si Kiko. "Alam mo fafa Akagi bagay kayo ni Misha." sabe ni Kiko.
Halos maibuga ni Akagi ang iniinom nya ng sabihin ni Kiko sa kanya yun. "Bakit mo naman nasabe yan. Maganda si Misha hindi kami bagay."
"Bakit ano ba tingin mo sa sarili mo panget? Gwapo ka kaya di ba nga nagustuhan kita well hindi naman lahat ng babae sa looks nakatingin. Mas gusto ng ibang babae yung macho yung kaya kaming ipaglaban kapag naaapi kami mga ganun pak na pak yun." sabe ni Kiko at napangiti na lang si Akagi.
"Alam mo kasi yang si Misha NBSB yan. Pag aaral lang kasi at modelling lang ang inaatupag nya kaya nga kapag nagka boyfriend sya magpapa party ako sa barangay namin." natatawang kwento ni Kiko.
"Bakit sa barangay nyo lang?" tanong ni Akagi.
"Gusto mo ba sa barangay nyo hehehe. Ikaw Fafa Akagi palabiro ka rin pala kaya love kita." ngiting sabe ni Kiko saka humawak sa braso ni Akagi.
"Tigilan mo ko sasamain ka sakin." inis na turan ni Akagi saka tinanggal ang kamay sa pagkakahawak sa braso nya..
"Kundi man maging tayo Fafa Akagi sana kayo na lang ni Misha bagay kayo. Gusto ko kasi mapunta sya sa lalaking hindi sya sasaktan yung kaya syang panindigan bihira na lang kasi sa isang lalaki na hindi magloloko."
"Bakit sapalagay mo ba hindi ko sya kayang lokohin?" tanong ni Akagi.
"Oo ikaw yung taong may prinsipyo yung bang may isang salita at kayang panindigan ang sinabe at alam kong di mo magagawang magloko ng babae. Hindi ba tinapat muna ako nun na kahit masakit tinanggap ko ikaw ba naman irealtalk di ka masasaktan....
"Sorry hindi ko naman gustong sabihin sayo yun kaya lang mas masasaktan ka kapag umasa ka lang sa wala. Straight ako at di tayo pwede I'm sorry Kiko." seryosong sabe ni Akagi at ngumiti naman si Kiko.
"Ano kaba okay lang I understand naman fafa Akagi kaya nga si Misha na lang di ba atleast yung pag mamahal na di mo mabibigay sakin pwede mong ibigay sa kanya kasi straight ka di ba hehehe."
Natapos ang photo shoot ni Misha at nakita nyang nagkakasiyahan sila Kiko kasama rin ang kaibigan nyang si Kate.
"Okay ka lang?" untag ng make up artist ni Misha.
"Oo." tipid na sagot ni Misha..
Lumapit naman si Misha at ngumiti kay Akagi. "Tapos na photo shoot mo?" tanong ni Akagi.
"Alam mo Misha ang sarap kausap ni Akagi akala ko nakakatakot sya hindi pala. Ano Akagi sama ka samin ni Kiko bukas?" tanong ni Kate.
"Sige wala naman akong gagawin ng sunday." sagot ni Akagi.
"Ano Misha okay lang ba sayo sama namin si Fafa Akagi baka kasi magselos ka dyan." biro ni Kiko.
"Hah hindi hah." namumulang sagot ni Misha
"Sama ka kung wala kang gagawin ng sunday." sabe nito kay Misha at kinilig naman si Kiko ganun din si Kate.
"Sige." ngiting sagot naman ni Misha.
"Hindi naman chocolate kinakain ko pero nilalanggam ako." kantiyaw nila Kiko.
"Bakla bakit ikaw ang nilalanggam di ba dapat si Misha. Grabe bagay din pala sila." bulong ni Kate kay Kiko.
"Pasabunot friend kinikilig ako." sabe ni Kiko saka hinampas at sinabunutan si Kate.
"Sabunot lang usapan bakit may hampas na kasama." inis na tanong ni Kate.
"Pasensya kana sa mga kaibigan ko." sabe ni Misha kay Akagi.
"Okay lang nag enjoy naman akong kausap sila. Aalis na ba tayo?" tanong ni Akagi.
"Oo. Ahm Akagi ayusin ko lang yung necktie mo." sabe ni Misha.
"Ang ganda mo." sabe ni Akagi.
"Ano?" tanong ni Misha.
"Wala sabe ko salamat." sagot ni Akagi saka lumayo.
"Sabe nya maganda ka daw wag kang bungol friend." sabat ni Kiko at natawa naman si Kate.
"Ahm alis na tayo ako na magdadala nyan para di ka mahirapan." sabe ni Akagi at kinuha ang mga gamit ni Misha.
"Napaka gentleman naman talaga." bulong ni Kate.
"Bakit pag ako maraming dala ayaw ako tulungan ni fafa Akagi pag kay Misha to the rescue so unfair." pagtatampo ni Kiko at ngumiti naman si Misha at Kate.
BINABASA MO ANG
𝐘𝐎𝐔 𝐀𝐑𝐄 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓
Fiksi PenggemarMaraming humahanga sa taglay na ganda ni Misha pero kahit gaano sya kaganda hindi naman mapansin yun ni Akagi. Marunong nga bang magmahal ang isang Takenori Akagi? This is just a Fanfiction I don't own any characters from SLAMDUNK. Credit to Mr. Ta...