KABANATA TWELVE

715 113 10
                                    

Nahihiya si Akagi ng makitang maraming bisita. "Wag ka mahiya Akagi papakilala kita kay Trixie sya yung may birthday." sabe ni Misha at hinawakan ang kamay ni Akagi.

"Sino ba yang kasama ni Misha ang panget...

"OMG Misha sino yan?...

"Ano ba yan Misha pati kargador sa inyo dinala mo dito....

"Wag mo nalang sila pansinin Akagi." bulong ni Misha saka nagpatuloy sa paglalakad para puntahan ang kaibigang si Trixie.

Ngumiti lang si Akagi pero masakit para sa kanya ang laitin ng ibang tao pero wala syang magawa kundi hayaan na lang. "Trixie." pagtawag ni Misha at lumapit naman ang kaibigan.

"Akala ko hindi kana pupunta Misha I'm so happy na makita ka ulit. Oh my god sino sya don't tell me kaibigan mo sya Misha ang panget hah." maarteng bulong ni Trixie habang nakatingin kay Akagi.

"Lalabas na lang ako Misha pasensya na." nagmamadaling lumabas si Akagi dahil hindi nya maiwasan masaktan.

"Hoy baklita hindi porket birthday mo hindi kita papatulan. Ang sama ng ugali mo kung anong kinaganda ng mukha ganun naman kapanget ang ugali mo." pagtataray ni Kiko kay Trixie.

"At sino ka naman hindi ka naman invited sa birthday party ko. Alam mo nagsasabe lang ako ng totoo hindi naman sya gwapo at ang panget nya." pang iinsulto ni Tixie kaya naman nainis si Misha.

"Hindi ko akalain na ganyan ka pala Trixie. Tama si Kiko kung gaano ka kaganda ganun naman kapanget ang ugali mo. Happy birthday na lang." sabe ni Misha saka umalis.

Samantala nakita naman ng isang guests si Akagi na nasa labas kaya nilapitan nya ito. "Hi bakit mag isa ka?" tanong ng babae kay Akagi.

"Natatakot sila sakin panget kasi ako." sagot ni Akagi at tumawa lang ang babae.

"Ikaw panget parang di naman kung nakakatakot ka edi sana hindi kita nilapitan by the way I'm Kyline anong name mo?" tanong nito.

"Akagi." tipid na sagot nya.

"Nice name Akagi. Alam mo bang napilitan lang ako pumunta sa birthday party na to sa totoo lang ang boring ng party ni Trixie." sabe ni Kyline saka lumagok ng wine.

"Kaibigan mo yung Trixie?" tanong ni Akagi.

"Hindi noh. Alam ko naman kasing plastic sya yung babaeng yun kilala ka lang kapag may pakikinabangan sya kapag wala na di kana nya kaibigan. Isa pa laitera yun akala mo naman sobrang ganda aircon lang ang bahay kaya maputi pero nunka di naman sya kagandahan para sakin." ani ni Kyline.

"Laitera ka din." sabe ni Akagi at natawa naman si Kyline.

"Hindi naman. May girlfriend kana ba?" tanong nito.

"Wala." sagot ni Akagi.

"Pwedeng mag apply?" seryosong tanong ni Kyline.

Hindi nakasagot si Akagi at tumawa ng malakas si Kyline. "Biro lang hehehe. Ang seryoso mo kasi."

"Alam ko naman biro yun dahil wala naman magkakagusto sa isang katulad ko." sagot ni Akagi...

"Wag mo maliitin ang sarili mo at wag mong pakikinggan ang sinasabe ng iba kasi kapag pinakinggan mo sila lage kang masasaktan. Maniniwala kabang panget ako dati nag ayos lang ako dahil sa isang taong binully ako well ayoko ng maalala yun." kwento ni Kyline habang iniisip ang mga pambubully ni Fukuda sa kanya dati.

"Nasaan na yung nambully sayo?" tanong ni Akagi.

"Bakit aawayin mo ba?" ngiting tanong ni Kyline.

"Hindi." tipid na sagot ni Akagi.

𝐘𝐎𝐔 𝐀𝐑𝐄 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon