Maagang pumunta sa gym sila Akagi at Kogure para puntahan ang team ng SHOHOKU. "Aba Kogure ayos sa pormahan hah." sabe ni Miyagi ng makita si Kogure na naka formal.
"Kinakabahan ako baka mabusted ako."
"Ano kaba naman labo hindi ka mababusted nyan akong bahala." sabe ni Sakuragi.
Sabay sabay na umalis ang team para pumunta sa school nila Akagi. Pagdating nila halos pag tingin sila Rukawa, Sakuragi at Mitsui. "Grabe ang gwapo naman nila." bulong ng mga babae ng makita si Rukawa at Mitsui.
"Ang tangkad at ang gwapo...
"Ano kayang pangalan nila...
Hindi pinansin nila Sakuragi Mitsui at Rukawa ang mga babaeng nagpapacute sa kanila. "Pwede bang pumunta muna tayo sa gym magpapakita lang kami kay coach." sabe ni Kogure at pumayag naman sila Sakuragi.
Pagdating sa gym laking gulat ni Lem ng makita si Mitsui. "Si Mitsui ba yun?" tanong ni Lem kay Bruto.
"Ito pala ang gym nila malaki hah." sabe ni Miyagi.
"Maliit ka lang kaya mukhang malaki." pang aasar ni Mitsui.
"Hello...
Nagtaka naman si Mitsui ng may lumapit sa kanyang lalaki. "Hindi ako nakikipag kaibigan." pagsusungit ni Mitsui kay Lem.
"Alam ko. Ako nga pala si Lem pwede ba tayong maglaro." paghahamon ni Lem at napatingin si Sakuragi at Rukawa.
"Sino kaba para pumayag ako." naiinis na turan ni Mitsui.
"Teka nga Mitchi wala naman masama kung makikipag laro ka sa kanya. Basketball player ka rin ba pogi?" tanong ni Sakuragi at napangiti naman si Lem.
"Oo." sagot ni Lem.
"Kung ganun maglaro tayo team mo vs team ko pero wag nyo na isama si Gori wahahaha." sabe ni Sakuragi sabay tawa.
"Ano nanaman kayang kalokohan ang gagawin nito." bulong ni Rukawa habang nakatingin kay Sakuragi.
"OMG nandito sila." tili ni Kiko ng makita sila Rukawa.
"Naku naman." sambit ni Miyagi sabay tago kay Mitsui.
"Hello anong ginagawa nyo rito?" tanong ni Misha kay Rukawa.
"Hindi ko alam." sagot ni Rukawa.
"Hi Rukawa ang gwapo mo." pagpapacute ni Kiko.
"Thanks." tipid na sagot ni Rukawa.
"Kumain kana ba? Alam mo Rukawa break na kami ng boyfriend ko." maiyak iyak na kwento ni Kiko.
"Condolence." sagot ni Rukawa..
Hindi maiwasan ni Misha na matawa kay Rukawa. Samantalang si Sakuragi naman nakipag kwentuhan na sa palyer nila Lem. "Ano ba Miyagi wag kang magtago sakin." sabe ni Mitsui.
"Umuwi na tayo wala naman atang Liezel dito." bulong ni Miyagi.
"Hinahanap mo ko?" bungad ni Liezel sabay ngiti kay Ryota.
"Ang ganda." bulong ng dalawa ng makita si Liezel.
"Hello. Hinahanap nyo ko?" ulit na tanong ni Liezel.
"Ah ano kasi hindi. May gusto sana sabihin sayo si Kogure." nauutal na sagot ni Mitsui.
"Talaga tungkol saan?" tanong naman ni Liezel.
"Crush ka ni Kogure." sabat ni Rukawa.
"Rukawa naman bakit dineretso mo. Pag nagalit satin si Kogure nyan." sabe ni Miyagi at hindi napigilan ni Liezel na matawa.
"Wala naman masama sa sinabe ko." sagot ni Rukawa.
Nagulat si Miyagi maging si Mitsui at Misha ng dumakdak ng bola si Sakuragi. "Ang taas tumalon." sabe ni Lem.
"Oh sabe ko sa inyo ako ang hari ng rebound ng SHOHOKU eh." pagyayabang ni Sakuragi sabay tawa.
"Sino yan?" tanong ni coach Mehiko ng makita si Sakuragi na nakalambitin sa ring.
"Hay naku naman." buntong hininga na lang ni Akagi.
"Coach pasensya na po mga kaibigan po namin sila." sagot ni Kogure.
"Coach okay lang ba maglaro kami na kasama sila?" tanong ni Lem sabay tingin kay Sakuragi at Mitsui.
"Hinahamon mo ko hah." bulong ni Mitsui na masama ang tingin kay Lem.
"Anong pangalan mo?" tanong ng coach kay Sakuragi.
"Ako ba ako lang naman ang henyo sa basketball na si Hanamichi Sakuragi." mayabang na sagot ni Sakuragi at inumbagan sya ni Akagi.
"Pasensya na po kayo." hinging paumanhin ni Akagi.
"Sige maglaro nga kayo. Gusto kong makita kung gaano kagaling ang henyo sa basketball." ngiting sabe ni coach Mehiko dahil natutuwa sya kay Sakuragi.
"Narinig mo Gori gusto nya makita ang laro ko. Tara na Mitchi Rukawa at kulot ipakita natin sa mga to na kahit high school tayo kaya natin sila." seryosong sabe ni Sakuragi at natuwa sila Lem at Trig.
"Gusto ko sya." ngiting bulong ni Trig.
"Ang yabang nya." sambit naman ni Bruto.
Inis na inis si Akagi pero natutuwa naman si Kogure na makitang maglalaro ang team ng SHOHOKU laban kanila Lem. "Laro na mga kolokoy." sigaw ni Sakuragi.
"Ayos sa tawag hah." napapangiting sabe ni Lem at pumusisyon para bantayan si Mitsui.
BINABASA MO ANG
𝐘𝐎𝐔 𝐀𝐑𝐄 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓
FanfictionMaraming humahanga sa taglay na ganda ni Misha pero kahit gaano sya kaganda hindi naman mapansin yun ni Akagi. Marunong nga bang magmahal ang isang Takenori Akagi? This is just a Fanfiction I don't own any characters from SLAMDUNK. Credit to Mr. Ta...