"Ichan's POV"
Magiging sikat din ako balang-araw, magiging kagaya rin ako nila Sam Lee, ng grupong Chicser, ni Ian Inoy, Harry Arellano, Takehumi Galarion, Kimpoy Feliciano, Christian Sy, at ni Kurt Kaizer Ong.
Hindi ko na kailangang hintayin yung araw na iyon, dahil ang araw na iyon ay dumating na.
Wala akong marinig bukod sa tilian at sigawan.
Ang sarap sa pakiramdam na may sumisigaw na "I LOVE YOU ICHAN!" kahit na paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang yun nakakataba sa puso. Hindi na bago sa akin yun. Sa araw-araw na pag-uwi ko sa bahay galing GTG, EB o kaya naman Mall Show, ang daming regalo. Siyempre maraming fans, lahat sila gustong mapansin.
Habang kumakanta ako sa stage sigawan parin sila ng sigawan. Halos hindi na marinig yung boses ko pero yung makita ko silang nagkakandarapa at masaya, nakakatuwa. Yung tipo bang masaya narin ako basta masaya sila.
Sa tuwing pupunta ako ng mga Mall Show ko marami naglalakihang tarpaulin ang sumasalubong sa akin. Bungad na bungad yung pagmumukha ko sa harap ng Mall.
Isang araw ng papasok na ako sa Mall, biglang may lumapit sa akin at niyugyog ako nang niyugyog, ng walang anu-ano'y --------
"Wui ! Gising na. First day of school diba?" pasigaw na bulong sa aking tainga na may kasamang yugyog.
"Ano ba naman iyan. Ang ganda-ganda na ng panaginip ko eh." nakakainis gisingin daw ba ako ng Kuya ko sa napakaganda kong panaginip kaasar lang dba?
"Sorry ah? Maligo ka na daw sabi ni Mama, malalate ka na eh." tila wala akong narinig, napahiga na lamang ako ulit at natulog.
"Uy ! Ano meron at ngiting-ngiti ka dyan?" tanong ng aking Kuya.
"Epal ka nanaman." pasigaw kong sinabi. "Alam ko namang alam mo kung bakit, dba?"
"Ah, nangangarap – ay este nananaginp ka nanaman ba na magiging sikat ka?" sagot niya.
"Oo, bakit may angal? Lagi mo na lang akong ginugulo. Ang ganda na eh." sabi ko.
"Malalate ka na at baka iyan pa ang makasira sa career mo." patawa niyang sagot.
"Oo na lang, kapag ako naging sikat, WHO YOU ka sa akin."
Isa iyan sa mga araw-araw na pag-uusap naming ng nakatatanda kong kapatid. Ewan ko ba palagi na lang kasi akong nangangarap na baling araw sisikat rin ako. Gusto ko kasing makatulad sa mga idolo ko sa mga social networking site, gusto kong maramdaman kung ano yung pakiramdam na magkaroon ka ng maraming regalo, subscribers, followers, friends, at mga fans. Masarap siguro sa pakiramdam. Kaso naiisip ko rin naman yung mga negative na pwedeng mangyari. Kapag ako naging sikat dapat hindi ako snob, kailangang pansinin ang mga fans, mawawalan na ako ng privacy, at dapat updated.
Aynako! Andami ko na masyadong sinasabi hindi pa man din ako nagpapakilala. Ako nga pala si Christian Louie Posadas. Mas kilala sa pangalang Ichan. Isang simpleng binata na maraming pangarap sa buhay, maraming kaibigan, may masayang pamilya, matalino, happy-go-lucky, at ambisyoso.
Pagkatapos kong maligo ay kumain narin ako agad. Siyempre bago pumasok magbubukas muna ako ng facebook at twitter para makapag-update. Siyempre nagreready narin ako para hindi na ako manibago pag sumikat na ako.
"Beep – Beep –"
"Ichan, bumaba ka na dito malalate ka na." sigaw ng Mama ko. "Opo, bababa na po." sabi ko. Siyempre last tweet muna bago pumasok. "Off to school."
Unang araw ng pasukan. Hindi mawawala yung paulit-ulit na pagpapakilala sa isa't isa kahit kilalang-kilala niyo na ang isa't isa. Hindi rin siyempre mawawala yung napaingay na environment kasi ngayon lang ulit nagkita-kita. Yung tipo bang parang nakawala sa hawla. Hindi rin mawawala yung botohan para sa Class Officers, yung pagkainis dahil natapat sa unang araw ng pasukan ang araw kung kalian kayo maglilinis ng Class Monitors pero siyempre unang pasukan maraming matututunan, maraming new experience, maraming kaibigan, at marami pang ibang pwedeng mangyari.
On the way na papuntang school nang bigla kaming kinausap ni Dad.
"Mag-aral ng mabuti ah? Para balang-araw makamit niyo mga pangarap niyo."
"Opo, alam naman po namin sa pag-aaral po ng mabuti kami makakabawi po sa inyo ni Mom." sabi ng Kuya ko sabay siko sa akin. "Di ba bunso?"
"Tss. Wag mo nga akong tawaging bunso, nakakasuka!" sabi ko.
"Bunso, mag-aral ka ng mabuti ah?" singit ni Dad. "Opo." sagot ko.
A/N
Hope you like it, sana po i-support niyo ito. Thanks. I'll try to update as soon as I can.
BINABASA MO ANG
Dream High
FanfictionWala itong kinalaman sa Dream High na palabas. Ito ay ukol sa isang binatang lalaki na gustong sumikat at makilala ng buong mundo.