Third Stage

24 1 1
                                    

"Hi Ichan.." sabi ng kanyang matamis na boses. "Musta na? Still remember me?"

"Ikaw pala! Ah – Ano nga ba ulit name mo?" sabi ko.

"Nakalimutan mo nga ba o ayaw mo lang alalahanin?" patawa niyang sinabi.

"Actually, naaalala ko pa talaga. Ayoko lang banggitin. Nasusuka ako."

"Ang bitter naman neto!" sabi niya. "Why not forget the past d'ba? Be better don't be bitter." dagdag niya.

"Kinalimutan ko na ang past. At doon sa past na iyon, kasama ka."

"Okaaaaay – Sorry na. Bati na tayo?" may pagkangiti niyang sinabi.

"Akala mo ba maloloko mo ulit ako sa mga ngiti mong iyan." sabi ko. "Hindi na noh!" dagdag ko.

"Ito naman. Gusto lang naman niyang makipagbati sa iyo." sabat ni Chloe.

"Oo nga." dagdag naman ni Kent. "Pati ba naman kayo?" sigaw ko sabay walkout.

*ICHAN'S POV*

Nakakainis! Bakit naman kasi andito iyan. First day na first day nakakabanard trip! Hindi ba pwedeng bukas na lang? Sa susunod sa buwan o sa susunod na dalawang taon? Bakit naman ngayon pa. Ano ba iyan. Sana man lang ipinagtanggol ako ng dalawang ungas na iyon. Nakakairita. Feel ko napahiya ako.

"Shit ! Aray." napasigaw ako sa sobrang sakit ng pagkabunggo ko. "Ok lang po ba kayo?" dagdag ko.

"Ahh – Oo – O – o – kay lang ka – mi." sabi ng isang babae na may kasamang bading na nabunggo ko.

"Ahh. Good. Sorry ah? Wala ako sa sarili ko. Let me help you." sabi ko sabay pulot ng mga gamit niya.

"PAK! Kalerkey. Bongga! GM ! GM !!" sigaw nung bading. "My namelalu is Mavie. And she's Angel. Oh d'ba taray ng lola mo." pakilala niya.

"Ahh – GM ?" pagtataka ko.

"Tumpak! GM ! GM ! Az in ! GM ! Gwapo na Mabait pa." sabi niya.

"Ahh - ? Hehe."

"What's your namelalu?" tanong niya.

"Christian, you can call me Ichan." sabi ko with a smile on my face.

"Ahh – Ahh – I – chan." sabi ni Angel.

"Ano po iyon?" tanong ko.

"Sa – sa – an po di – di – di – to yu – yung Room 4 – A?"

"Ahh – So magkaklase pala tayo. WOW! Andami talagang bagong classmate ah? Tara samahan ko kayo. Pabalik narin naman ako." aya ko.

"Wowlalu naman. Guardian Angel lang ang peg?" sabat ni Mavie

Habang nasa hallway kami nagbubulungan si Angel at Mavie. Tama ba pagkakarinig ko mula sa sinabi ni Angel? "Iyan si Ichan di'ba? Yung pinakamatalinong tao dito sa school, scholar siya, top at nasa cream section. Swerte na lang tayo kasi napunta tayo sa section nila. Ang gwapo niya at balita ko mayaman pa. Sa pagkakaalam ko casanova iyan. Nagkaroon siya ng isang girlfriend na ayun pala pinagpustahan lang siya." Wow naman! Daig pa niya ang Wikipedia, ang daming alam pero paano naman niya nalaman ang lahat ng iyon? Meron bang hidden camera sa bahagi ng mga katawan ko. Hala! Baka alam rin niyang Carter ang tatak ng underwear ko. Alam rin kaya niya na Vans ang tatak ng sapatos ko? Alam rin ba niya kung saan ako nagmamall. Hala! Isa ba siyang stalker? Okay. Ang certified O.A. ko na. Afterall baka naman fan ko siya. Hahahaha. Kung nagkataon siya ang number one fan ko. Assuming nanaman ako.

Dream HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon