"Ichan, teddy bear for you." sabi ng isa kong tagahanga. "Thanks" sagot ko.
"Ichan, chocolate for you" dagdag ng isa pa. "Thanks" sabi ko ng may kasamang ngiti.
"Ichan, pwede po papicture?" sabi nama nung isa. "Sure." sabi ko.
"Oops. Excuse po, paraan kami." sabi ng isang guard. "Sir, may tawag po kayo."
"Ahh. Hello? – "
"Uy ! Nananaginip ka nanaman ba?" sigaw ng Kuya.
"Ano ba yan! Ang ganda na eh, ikaw lang pala." sagot ko.
"Bakit? Sino ba inaasahan mo? Mga fans mo!?" patawa niyang sagot.
"HAHA. Sige tawa ka lang dyan. Kakaasar ha."
Galing ako sa isang mayaman at kilalang pamilya. Ewan ko ba kahit na sa akin na ang lahat hindi parin ako masaya, kahit nakukuha ko ang lahat ng gusto ko may kulang parin, kahit binibigay sa akin ng mga magulang ko ang mga gusto ko may gusto parin akong makuha na kahit kalian hindi nila ito maibibigay.
Sa University of Santo Tomas High School (USTHS) ako nag-aaral. Halos mayayamang tao ang nag-aaral doon. Doon rin halos nag-aaral ang mga sikat na tao. Minsan sumagi sa isip ko na parang gusto kong mag-aral sa isang ordinaryong paaralan na may punung-puno ng tambay at basag-ulong mga mag-aaral. Wala lang, experience rin yun noh! Gusto kong magkaroon ng kaklaseng sira ulo at bokels. Masaya siguro silang kasama –
"Shit ! Ano ba yun?" habang kinakamot ko ang aking ulo.
"Okay lang ba kayo?" pag-aalalang tanong ng daddy ko.
"Opo, okay lang po ako. Ikaw ba bunso?" sagot ng kuya ko sa Dad namin sabay tingin sa akin.
"Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng bunso." sabay dinilaan ko siya. "Opo, okay lang rin po ako, ikaw po ba Dad?" bait talaga ni Dad kami parin ni Kuya ang unang niyang inisip bago siya.
"Oo, okay lang din ako may bigla kasing huminto dito sa harap natin eh." sagot niya.
"Uhmm, excuse me." sabi ng isang lalaki habang kumakatok sa bintana.
"I want to apologize for what happened. Okay lang po ba kayo?" dagdag niya.
"It's alright, okay lang naman kami, mag-ingat na lang kayo sa susunod." sabi ng Dad ko sabay sara ng bintana.
Unang araw pa naman ng pasukan ganito agad ang tumambad sa amin. Nasa school na pala kami. Ang bilis hindi ko namalayan o baka naman kasi busy lang ako kakaday-dream.
"Andito na tayo. Uy bunso ! Tara na baka malate pa tayo." sigaw ng Kuya na may kasamang hampas.
"Shit ! Pwede ba? Dad oh, si Kuya!" sabay bumawi ng hampas.
"Tumigil na nga kayo dyan. Sige na baka malate narin ako. Ingat kayo ah. Alis na ako."
"Ingat rin po." magkasabay na sigaw namin ni Kuya.
"Late ka na!" asar ni Kuya na may dila sabay alis.
Tumakbo na ako papuntang classroom, "Shit ! Late na ako." bulong ko sa aking isipan.
Nang biglang.. "Shit ! Ang sakit ! Ok ka lang po miss?" sabi ko nabunggo kong babae habang tinatayo ko siya. "I'm sorry nagmamadali kasi ako." dagdag ko habang pinupulot ang mga gamit niya.
"Okay lang ako. Sorry rin nagmamadali rin kasi ako. By the way, thanks."
The time I looked at her napanganga ako. Grabeh! Ang ganda niya at ang bait pa.
"Uhmm, ikaw okay ka lang? Mauna na ako ah? Thanks ulit." sabi niya then she gave me a kiss on my cheeks.
"Ahh! No problem, sorry ulit ah?" sabi ko ng may ngiti sa aking mukha. Walang anu-ano'y biglang pumasok sa isip ko na late na nga pala ako. Tumakbo na talaga ako ng mabilis. As I entered my room.
"Uy tol ! Buti nakaabot ka pa." pabirong sinabi sa akin ni Kent.
"Ha? – Gra – be! – Bu – ti – na – ka – a – bot – pa – a – ko." hingal na hingal kong sagot.
"Uy hinga muna ng malalim." concern niya.
"Daig ko pa ang sumali sa Olympics. Kapagod." sabay upo ng biglang dumating na ang adviser namin.
Habang nililibang ko ang aking paningin sa loob ng classroom. "Teka.. Parang kilala ko yung babaeng yun ah." bulong ko sa aking isipan. "Hindi ba siya yung – "
A/N
Sana po patuloy niyo parin pong suportahan ang story na ito. Thanks. I'll try to update as soon as I can.
BINABASA MO ANG
Dream High
FanfictionWala itong kinalaman sa Dream High na palabas. Ito ay ukol sa isang binatang lalaki na gustong sumikat at makilala ng buong mundo.