"I'd like to introduce myself -- my name is Christian Louie Posadas. Halos lahat naman na dito kilala ako, meron bang hindi? And for the benefit ng mga bago nating kaklase, tawagin niyo na lang akong Ichan. Hindi ko alam kung bakit natin kailangan sabihin kung sino mga magulang natin." pabiro kong sinabi. "Pero kung hindi niyo maitatanong anak ako ng dalawang nagmamay-ari ng kilalang kompanya sa buong mundo." patapos kong sinabi.
"Next?"
At hanggang sa natapos na rin ang pagpapakilala ng bawat isa sa amin. Hindi ba nakakapagod 'tong araw na 'to? Ang dami masyadong nangyari, ang daming plot twist - dinaig talaga yung mga showbiz chikka minute tuwing 24 Oras. Diniscuss na sa amin yung mga Mission, Vision at kung anu-ano pang kinalaman sa school namin. Akala mo naman mga freshmen kami? Hindi no. Mga Juniors na kami, kung makapagpakilala kasi, paulit-ulit na lang.
At natapos din ang araw. "Sabay na tayong umuwi." sabay kalabit sa akin ni Kent habang inaayos ko yung mga gamit ko.
"May choice pa ba ako?" sagot ko.
"Grabe ka naman, eh 'di sabayan mo yung ex mo." patawa niyang sinabi.
"Bakit hindi na lang ikaw? Ex na nga 'di ba? Hindi na dapat binabalikan pa."
"Ako ba yung pinag-uusapan niyo?" singit ni Clarisse.
"Speaking of the devil."
"Grabe ka ah, hindi pa rin makamove-on? Ganoon ba ako sobrang nakaapekto sa'yo? Ganoon ko ba nabago yung buhay mo?" tanong niyang parang wala lang sa kanya ang lahat.
"Miss. Kung ikaw hindi mo ko minahal ng totoo, ako sobrang gago ko sa'yo. Halos ibigay ko nga buhay ko sa'yo eh. Buti na lang hindi tanga para mawala sa mundo dahil sa'yo." medyo galit kong sinabi.
Nakamove-on naman na ako, sadyang hindi ko lang maiwasan hindi maalala yung mga sinabi niyang dahilan sa akin kung bakit kami nagkahiwalay.
"Huy, Ichan. Sumobra ka." singit ni Chloe.
"Sorry?" sabi ko.
"No, it's okay. I guess he has the right to say that since ako naman talaga yung may kasalanan ng lahat." paawang sinabi ni Clarisse. "Anyway, I'll take my leave now."
Sabay tumingin sa akin sila Kent at Chloe na para talagang may sinabi akong sobrang sama, na para bang nakapatay ako ng tao sa mga titig nila.
"Oh bakit kayo ganyan makatingin? Oo na! Oo na! Ang sama ko, okay na kayo? Nasabi ko lang naman yun kasi -- siguro naging impulsive lang. Sorry. Tao lang naman." dahilan ko.
"Hindi ka sa amin dapat magsorry, sa kanya." sabi ni Kent sabay turo sa paalis na si Clarisse.
"Ngayon na?"
"Ngayon na."
"Clarisse!" sigaw ko habang hinahabol siya sa hallway. "Sorry kanina, hindi ko naman nais ipahiya ka or what sa sinabi ko. Sorry kasi sumobra ako. Sorry." paawa kong sinabi sa kanya.
"Okay lang, I understand you naman. And besides, kasalanan ko naman talaga. Kung hindi ko na lang din sana tinuloy yung pustahan noon edi sana baka maayos tayo ngayon. Super sakit mo kasi sa ulo para sa lahat eh, ayan tuloy nachallenge akong baguhin ka." tila ba parang totoo lahat ng mga sinasabi niya, yung tipong parang reasonable kahit hindi naman. "And I know naman, nagbago ka. After nung nangyari, and sorry to say this, but I'm satisfied na hindi ka na tulad ng dati." dahilan niya.
"Thanks." hindi ko alam kung bakit yun yung sinabi ko, pero yun lang yung kaya kong sabihin nung mga oras na 'yon.
Bumalik na ako sa classroom, at tinawag si Kent para makauwi na kami. Sobrang nakakapagod ng araw na 'to talaga. May pahabol pang naganap sa pagitan naming dalawa ni Clarisse. Siguro nga it's really time to forgive and forget. "Daan muna tayo ng sa starbucks!" pag-aya ko kay Kent.
BINABASA MO ANG
Dream High
FanfictionWala itong kinalaman sa Dream High na palabas. Ito ay ukol sa isang binatang lalaki na gustong sumikat at makilala ng buong mundo.