Second Stage

28 1 1
                                    

"Uy tol ! Sino yung babaeng yun?" sabi ko sabay turo sa babaeng kakapasok lang sa classroom.

"Ahh. Siya ba? Si Chloe yan." sagot ni Kent.

"Chloe. Wow, sino siya?" nagtataka kong sinabi.

"Hindi mo siya kilala? Eh halos lahat ng lalaki patay na patay diyan eh." sabi niya.

"Pati ikaw?" napalingon ako sa kanya.

"Hindi noh!" deny niya. "Focus muna ako sa pag-aaral para matalo na kita." pabiro niyang sinabi.

"Lolo mo! Hindi mo ko matatalo noh. Since nursery na magkasama tayo ako laging ang first honor." sabay dila sa kanya.

"Yabang neto!" dagdag niya. "HAHAHAHAHA." sabay naming pagtawa. "Magkaibigan nga tayo." dagdag namin.

Si Kent Steven Villafuerte ang kaibigan ko since nursery. Kami ang laging magkasama. Kung ano ang ugali niya ang kinabaliktaran ng ugali ko. Kung siya mabait, ako bad boy. Siya pala-aral, ako happy-go-lucky lang. Kung siya masipag, ako tamad. Kahit ganoon magkasundung-sundo kami. Hindi kami nag-aaway kahit naglalaitan kami kasi ganoon ang tunay na pagkakaibigan.

Ewan ko ba, kahit mas masipag at pala-aral siya, ako parin ang nagfifirst honor. Second honor lang siya lagi. Magkaibigan rin ang mga magulang naming, magkatrabaho, magkatropa gaya namin.

Sa lahat ng kaibigan ko, siya lang ang masasabi kong tunay sa akin. Yung iba ko kasing kaibigan parang walang kakwenta-kwenta. Masaya naman silang kasama pero.. basta.. ewan.. Walang akong kamalay-malay ng biglang –

"Uhmm, may nakaupo na ba dito?" tila isang boses ng anghel ang aking narinig.

"Uhmm, wala eh." sabi ko sabay lingon kung sino man yun.

"IKAW!?" sabay kaming napasigaw.

"Ms. Delos Santos and Mr. Posadas, anong meron at kailangan niyo pang gumawa ng eksena sa loob ng classroom?" pasigaw na sermon sa amin ni Sir Aquino, adviser namin.

"Wala po. Sorry po Sir." sabay naming sinabi.

"Pwede ba akong umupo dito?" tanong niya.

"Oo naman, wala pa namang nakaupo dyan eh." may pagkapilosopo kong sagot.

"Sabi ko nga. Thanks nga pala ulit kanina ah?" sabi niya.

"Ahh. Yun ba? Wala yun, sorry nga pala ulit ah?" sabi ko naman.

Wala nang ibang salita ang lumabas sa kanyang mapulang mga labi. Isang ngiting mala-anghel lang ang tanging sagot niya sa sinabi ko. Ang sobrang ganda niya. Naalala ko yung sinabi kanina ni Kent na lahat ng lalaki patay na patay sa kanya tapos dito pa siya sa tabi ko umupo, sobrang swerte naman ng araw na to para sa akin.

"Ichan, siya ba yung girlfriend mo? Ano pong name niya?" sabi ng isang kong tagahanga.

"Opo. Her name si Chloe." I replied with a smile.

"Kakainggit naman. Sana po tumagal kayo." dagdag niya. "Thanks." sabi ko.

Nag-iba yung boses niya at tinanong ako ng:

"WHAT IS NEWSTON's THREE LAW OF MOTION? MR.POSADAS!" pasigaw na tanong ni Sir Aquino na may kasamang binagsak na mga libro. "And define each law." dagdag niya.

Dream HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon