*****
--Someone's POV--
Guilting-guilty ako at naaawa na sa panonood kay Ma'am Lisa habang patuloy na pinapalo siya ni Mr. G. Wala akong magawa, maraming tauhan na gaya ko ang nakapalibot sa loob ng kwartong ito.
"Boss! Wala na po siyang malay" sabi ng isa sa mga kasamahan ko nang tangkaing pigilan niya si Mr. G ngunit bigla siyang pinalo dahilan para mawalan ito ng malay.
"How many times do i have to tell you na don't bother me with my business!" Madiin niyang wika sabay inisa-isa kameng tinitignan. Napayuko naman ako when his eyes meet mine "And you?!" biglang angat ko sa aking mukha nang mapagtantong ako ang kanyang tinutukoy
"Ye-yes boss?" takot kong tanong at lumapit ako sa kanya, pilit na tinatago ang kaba at panginginig dahil sa takot.
"Ilibing mo na yang walang kwentang Manoban na yan!" utos niya sakin at daling tumango ako nang paulit-ulit bilang sagot "Kayo!? Maghanda kayo dahil anumang oras ay pinaghahanap na ng mga police ang Manoban na yan!!" utos niya sa mga kasamahan ko. Ako naman ay nagka idea ako kung paano ko matutulungan ang dating boss ko na si Maam Lisa.
Tinitignan ko ang walang malay na si Maam Lisa. Awa at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Kailangang matulungan ko siya. Mabait siya sakin noong nagta-trabaho pa ako sa kanya kaya susuklian ko iyon kahit pa delikado.
"Huyyy ikaw?! Ano pang hinihintay mo? Alisin mo na ang walang silbing Lisa na yan sa harap ko!!" bulyaw ni Mr. G sakin
"O-opo boss" utal kong wika at madali ko nang kinalasan ang pagkakatali sa kanyang likuran at binuhat ko ito like a sack.
"Make sure na ilibing mo sa lugar kong saan hindi na mahahanap ang kanyang bangkay!!" muling utos niya sakin
"Okay boss!" Wika ko at naglakad na ako buhat-buhat siya, pababa na ako ng hagdan at iniisip ko kung paano ko ito ibabalita kay Sir Bam at Ma'am Jisoo ang nangyare sa kanya, ngayong tingin nila sakin ay isang trydor sa kanilang kompanya.
"Ma'am Lisa? Kapit ka lang po. Ililigtas po kita." madali na nga akong bumaba ng hagdan
Palingon-lingon ako sa paligid ng bakanteng building na ito, nakapalibot na ngayon ang iba kong kasamahan.
Nang malapit na ako sa car kung saan yun ang gagamitin ko pero isa sa mga tauhan ang pumigil sakin kaya nakaramdam ako ng takot at kaba.
"Hoyy!! Sandali!!" Pigil niya sakin at dahan dahan akong tumalikod para harapin siya.
"B-bakit ho?" Medyo kabado kong tanong ngunit hindi ako nagpahalata, isa sa mga pinakamataas sa grupo na ito ang pumigil sa akin "Sabi ni Boss! Balik ka daw kaagad dito pag nailibing mo na siya!" utos niya "O-okay po. Walang problema" tugon ko
"Magsama ka ng tauhan kahit isa lang para hindi ka mahirapan!" Dagdag pa niya. Sasabihin ko sanang huwag na pero baka makahalata at ayaw na ayaw nila sa grupong ito ang hindi sumang ayon kaya wala akong nagawa.
"Huyy!! Taehyung?! Samahan mo si Jungkook na ilibing ang babaeng 'to!!" Tawag niya sa lalakeng naglilinis ng baril at taranta naman na lumapit sa amin.
"Sige na umalis na kayo!!" Tumalikod na ang lalakeng nag utos sa amin at ako naman ay tumingin ako kay Taehyung "Tara na!" Wala sa emosyon kong wika at tumango lang siya.
YOU ARE READING
About Last Night(BOOK2) Under Revisions
FanfictionA Family that full of Fun, laughter and of course there is also sadness sometimes. But one day that happiness and laughter will suddenly disappear due to misunderstanding, struggling to fight some problems and sometimes, you can't control your emot...