LOST CAN'T FIND - 003

39 1 0
                                    

LOST CAN'T FIND - 003

I'm already in 4th year high school, there are many times that I attempted to confess my feelings for him pero palagi na lang nau-udlot!

At oo, isa ako sa mga malalakas ang loob na nag co-confess sa crush nila at willing mag take ng risks kasi malay niyo di'ba? Gusto din pala ako ng crush ko, so go na!

Nandito ako ngayon sa canteen humahanap ng tamang tiyempo para umamin sa crush kong si Ronnie.

"Besty!!!"

Napalingon kaming lahat, pag sinabi kong lahat as in lahat! Kasama yung crush ko!

'Hmp! Dapat sakin lang naka-focus ang baby ko. Ehe.'

"Besty!!!" Nang makalapit siya saakin ay agad ko siyang hinila paupo at sinalaksakan ng cake sa malaki niyang bunganga at sinimangutan.

"Ack! B-Be, T-Tubig! Ack!"

Hinampas ko siya ng malakas sa likod at tinakpan ang bibig niya para hindi niya mailuwa yung cake niya at pilit iyon pinakain sakaniya saka inabutan ng tubig.

"Bwisit ka talaga kahit kailan Adele! Baka literal na mag hello from the other side na lang ako sa'yo!"

"Oo, at alam mo ba kung saan ka mapupunta? Sa impyerno 'te!"

Ngumuso pa siya. "Sama naman ng ugali mo."

"Hmp! Ikaw kasi eh, agaw pansin pag pasok mo dito sa canteen pati tuloy si Baby Ronnie ko napansin ka! Hmp!" Tampu-tampuhan ko pa, baka sakaling malibre niya ako hehe.

Actually okay lang naman sakin na mapansin siya nung crush ko, 'di naman big deal... Medyo masakit lang kasi yung best friend ko napapansin niya pero ako hindi.

"Huy 'be! Malala na 'yang tama mo kay Ronnie! Ngumingiti ka na lang bigla! Nakakatakot ka ng kasama!"

Hinawakan ko yung mukha ko at kinapa kung talagang nakangiti na ba talaga ako.

'Oo nga 'no? Mukhang hindi lang 'to happy crush o pang landi na crush ha? Takteng 'yan. Na-fall na talaga pala ako.'

Pero wapakels, mas better yun. Atleast mapapatunayan ko sakaniya na seryoso ako at magiging kami, tapos mag tatagal kami, magiging mag asawa kami tapos mag kaka-ana–

Bigla akong binatukan ng kaibigan kong si Sam.

"'Be! Ano ba?! Kailangan ko na bang mag patawag ng albularyo, letse ka 'be! Nakakatakot kang kasama!"

Kinamot ko ang batok ko baka sakaling mawala ang sakit. "Ito naman! Nakabatok agad! Sakit ampucha."

"Pero huy! Ano na? Nakaamin ka na?"

"Hindi pa nga 'eh nahihiya ako."

"Wow? Uso pala sa'yo yun?"

Inambahan ko siyang susuntukin at agad siyang tumawa ng sobrang lakas.

"Parang binibiro lang! Kaloka ka naman!"

May kinuha siya sa bag niya at napag alaman kong cellphone niya pala yun. May kinalkal siya sa phone niya at bigla iyun na itinutok saakin.

"G na 'be!" Pinagtulakan pa ako ng gaga. Mukhang vini-videohan ako.

"Kailangan pa ba yan? Huy gaga ka bakla! Baka mamaya i-post mo yan!"

"Wow, may pa-hiya effect ka d'yan? Dali na! Dami mong pasakalye eh!"

Dahan-dahan akong tumayo sa upuan ko para kinakabahan kunwari.

"Letse ka 'be! Tagal ampota! Pa-suspense ka pa! Dali!"

"Demanding mo gaga, audience ka na nga lang eh. Ito na nga!"

Beauty of SufferingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon