BUTTERFLIES - 004

34 1 0
                                    

Disclaimer: This 4th story was inspired/based on one of the episodes of Detective Conan.

Lahat ng makikita niyo dito sa maikling istorya na ito ay pawang imahinasyon ko lamang kung anong tumatakbo sa utak ng mga biktima at suspek sa isang kabanata ng Detective Conan.

Happy reading :)

---

BUTTERFLIES - 004

NAG MAMANEHO ako ngayon patungo sa isa sa mga kaibigan ko dahil nag kaya-yaan kaming mag inuman nang biglang may tumawag sa cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa dash board.

"Bakit 'pre? Nag mamaneho ako eh." Salubong ko agad kay Fred.

"Tagal mo naman! Sobrang layo ba talaga ng nilipatan mo ngayon para abutin ka ng isang oras sa daan ha?!" Reklamo niya pa.

"Oo na tangina ka 'pre malapit-lapit na din ako sige na! Ibaba ko na 'to."

"Gago ingat ka na lang."

Napapailing akong binaba ang tawag at inihagis sa shot gun seat ang cellphone ko.

Papalabas na sana ako sa isang underpass bridge ng biglang may nakita akong mga paru-paro na nakaagaw ng atensyon ko.

Sobrang dami nila at nakakamanghang tignan ilan sa mga yun ay ang Red admiral o Vanessa Atalanta, Appias phoebe, Lime butterfly o Papilio demoleus at marami pang iba.

Isa akong lepidopterist, taong nag aaral patungkol sa mga paru-paro at nangongolekta nito.

Binalik ko na din sa daan ang atensyon ko at huli na para maka preno pa ay bigla na lang akong bumangga sa isang lalaking tumatawid.

'Tangina ka Denver! Nakabangga ka!'

Hindi na ako nakakapag isip ng tama dahil sa sobrang takot at kaba sa kung anong pwedeng mangyari saakin at imbes na tulungan sila ay agad kong minaniobra ang sasakyan ko at tinakasan sila. 

-----

Walong taon na din ang nakalipas mula ng mangyari ang isa sa pinaka madilim kong sikreto at patuloy pa din akong kinakain ng konsensiya ko.

Kahit mga kaibigan ko ay hindi alam ang tungkol sa pag kakabangga ko doon sa lalaki, hindi ko din alam kung napatay ko ba yung lalaki o hindi. Himala na lang na hindi pa ako nakukulong o napapatay ngayon.

Natigil lang ako sa pag titimpla ng kape ng biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Hello." Bati ni Miss Flyn ang assistant ng dentista ko.

"Ay Miss Flyn ikaw pala yan. Pasok ka po."

Agad siyang pumasok sa unit ko at pinaupo ko muna siya sa sofa ko.

"Tamang tama yung dating niyo Miss Flyn. Nag papainit po ako ng tubig, baka po gusto niyo ng kape o ng tsaa?"

"Tsaa na lang, Salamat. Ayusin ko na yung mga gagamitin ko ha."

"Sige po."

Agad ko ng pinag timpla ng tsaa si Miss Flyn at nag kwentuhan pa kami ng kaunti bago simulan ang check up ko. Napag alaman kong inutusan pala siya ni Doctor Devera ang dentista ko na pumunta dito para check up-an ako dahil may mahalaga daw na lakad si Doc.

"Sige tingala ka muna para maayos kong makita yung mga ngipin mo, say ahh."

Agad akong sumunod at napapikit dahil bigla akong nasilaw ngunit agad din akong napadilat ng biglang may pinasok siyang kung ano sa bibig ko at bigla ko na lang narinig ang isang putok saka nag dilim ang lahat.

--------

DELETED SCENE:

SOBRA-SOBRA ang pagkamuhi ko sakaniya. Unang kita ko pa lang sakaniya noong nag punta siya sa dito sa clinic ay naramdaman ko agad ang ka-gustuhan kong pumatay.

'Siya lang naman yung gagong bumangga sa asawa ko. Antayin mo lang, malapit na ang oras mo.'

Kaya agad kong pinlano kung paano ko siya mapapatay ng walang nakakaalam. Ngunit mukhang wala nga talagang sikreto ang hindi mabubunyag, dahil agad din naman akong nahuli at nakulong noong mismong araw na 'yun.

Ito lang ang masasabi ko. Wala akong pinag sisisihan sa ginawa ko.

'Minsan kung alin pa yung ilan sa pinaka magandang bagay dito sa mundo, iyon pa ang magiging dahilan kung bakit ka makakapatay.'

-----------

Beauty of SufferingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon