DARK ERA - 005
In the year 1942 under the era of Holocaust there's this young woman who was escaping the soldiers because she's a jew. Lahat ng miyembro ng kanyang pamilya ay nahuli na at pinaslang sa pamamagitan ng gassing. Kung saan lahat ng biktima ay pinatay sa loob ng isang gas chamber na may mga diesel engines.
Tumatakbo siya sa isang kalye mahigit isa o dalawang oras na at hindi siya puwedeng huminto dahil mahuhuli siya ng mga sundalong sumusunod pa din sakaniya. Ilang beses na niyang sinubukang iligaw ang mga ito ngunit hindi pa din siya nag tatagumpay. Ramdam niyang unti-unti ng bumibigay ang katawan niya dahil sa matagalang pag takbo kaya sinubukan niya na ulit iligaw ang mga ito.
Lumiko siya pakaliwa at nag tago sa isang malaking drum. All she can hear is her rapid heart beating and extravagant breathing. She tried to cover her mouth to suppress her sobs while remembering what happened to her family earlier.
"Tumakas ka na anak!" Pag papaalis sakaniya ng kaniyang ama.
"Louie! I-sama mo na ang kapatid mo! Umalis na kayo!" Sabi ng kaniyang ina at kitang-kita niya kung paano ito ngumiti ng tipid ng mabaril at mawalan ng buhay.
"P-Pilitin 'mong m-mabuhay. M-Mahal n-na mahal...k-ka n-ni kuya."
Ilang minuto pa siyang nag pahinga at nag tago sa likod ng drum na iyon habang inaalala ang mga panahong kasama niya ang kaniyang pamilya hanggang sa masalimuot na nangyari sakanila kanina. At ng alam niyang ligtas na kahit papaano ay agad siyang lumabas sa pinag tataguan niya at nag lakad ng mabilis patungo sa kung saan.
'Na gugutom na ako.' Sa isip-isip pa niya. Ng lakad na lang siya ng mabagal at inisip kung bakit pa ba siya tumakas kanina, kung iisipin ay pwede na din naman siyang mag pahuli na lang para makasama na ang kaniyang pamilya. Pero naalala niya ulit ang pangako niya sakaniyang ama na mabubuhay siya kahit anong mangyari kaya agad niyang ipinilig ang ulo para mawala ang masasamang iniisip niya.
Nang mag angat siya ng tingin ay may nakabangga siya. Nakita niya ang isang matandang lalaki na napa-upo dahil sakanilang pag banggaan at animong natakot din ang mukha nito. "Hala! Paumanhin, hindi ko sinasadya. Ayos lang po ba kayo?" Agad niyang tinulungan ang matanda na makatayo at pinulot ang mga dala nito.
"Ayos lang ako hija, salamat." Ngumiti ng bahagya ang matandang lalaki sakaniya. "Pa-saan po kayo? I-hatid ko na po kayo."
"Sa kabilang kanto lang hija. Hindi ba dapat sa mga oras na ito ay nag tatago ka na?"
Ngumiti ng mapait ang dalaga ng maalala ang sinapit niya at ng kaniyang pamilya. "Malabo pong makabalik ako sa tinitirahan ko dahil halos nawasak na po ang bahay namin. Na-huli po kami ng mga Nazi."
"Gusto mo ba na saamin ka na muna? Isa kang hudyo hindi ba?"
Imbes na sagutin ang unang tanong ng matanda ay sinagot niya ang pangalawa saka nag tanong. "Oho, isa akong hudyo. Kayo po ba?"
"Isa akong Soviet hija, 'wag kang mag alala may mga makakasama ka namang hudyo doon sa tinitirahan ko." Naka ngiti ng bahagya ang matanda at naging dahilan iyon para mangilid ng kaunti ang kaniyang mga luha.
'Hindi ko alam na may mga tao pa palang handang tumulong kahit na walang wala din sila.'
"Bakit? May problema ba?" Tanong ng matanda ng mapansin niyang nangilid ang luha ng dalaga. Tanging iling lang ang isinagot ni Louisin at pinasalamatan ang matanda. Sa gitna ng pag lalakad ay nag tanong ang dalaga sa matanda.
"Ano po ang iyong 'ngalan? May iba pa po ba kayong ka-pamilya?"
"Ako si Jonas Luka, sesenta y tres. Na-huli nila ang asawa ko at pinatay. Hindi rin kami biniyayaan ng anak kaya ako na lang talaga ang natira." Rinig niya ang pag buntong hininga ng matanda at hindi nakaligtas sa paningin niya ang malungkot na pag ngiti ng matanda.

BINABASA MO ANG
Beauty of Sufferings
RandomWARNING: MATURE CONTENT This story may contain violence, graphic sex, foul words, etc. COMPILATION OF ONE SHOTS. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination...