YELLOW - 006
After we had dinner, I immediately went up to my room to rest but now I'm planning to stay up all night cause there is no classes tomorrow since it's weekends.
I walked towards my bed and get my laptop on the top of my bedside table to watch a movie that my friend Lea recommend me.
Sa kalagitnaan ko ng panonood ng movie ay tumawag ang tropa ko at agad ko itong sinagot ng hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop ko.
"Kailangan mo? Walang assignment ge." Akmang ibababa ko na sana ang tawag pero narinig kong nag salita agad siya.
"Gago mo naman Paxton! Porket napatawag lang may kailangan agad ako sayo? Wag ganon pre! You're hurting my feelings pare."
Napakamot na lang ako sa ulo ko at pinause muna ang movie dahil hindi ako makapanood ng maayos dahil sa tukmol na 'to!
"Tsk? Ano ba yon?"
"Yayain lang naman kita mag COD!"
Nag buntong hininga muna ako "Pass, Netflix & Chill."
"Ganon? Sayang naman."
"Oo na sige na, nonood na ako."
"Teka lang naman pre! Atat na atat ka namang ibaba yung tawag parang ayaw mo akong kausap!" Pag papaawa niya pa.
"Nanonood kasi ako!" Inis kong sagot sakaniya.
"May tanong muna ako hehe."
"Ano 'yon?"
"Kamusta na yung status niyo ni Lea mo?" Nang marinig ko na naman ang pangalan ng babaeng iyon ay agad na bumilis ang pag tibok ng puso ko.
"Fuck you, I'm the only one who can call her Lea."
"Oh! Haha chill bro! Di ko naman akalain na ganyan ka ka-possessive!"
Hindi ako nag salita kaya nag patuloy siya sa pag sasalita.
"Wala pa ngang kayo ganyan ka na maka-akto? Ano? Tinamaan ni kupido?"
"Gago, 'di pa siya saakin pero distansiya lang."
Narinig kong tumawa siya mula sa kabilang linya at nag salita ulit. "Oo na! Wala naman akong interes sa babae mo, saka isa pa may nagugustuhan na ako."
"Naniniguro lang."
"Oh eh? Ano na ngang status niyo ni Aileen? Ayan ha, hindi na Lea."
"Tss. 'Di pa ako umaamin."
"Torpe!" Pang aasar pa niya.
"Gago ikaw din naman!"
Ilang minuto pa kami nag usap at maya-maya lang ay binaba na din namin ang tawag at pinag patuloy ko na ulit ang panonood.
Pangatlong pelikula na itong nakasalang at pinaypayan ko pa ang sarili ko gamit ang damit na suot ko.
"Ang init sa pinas takte!" Reklamo ko at tumayo para kumuha ng towel, panloob at ng sweat pants dahil balak kong maligo sa kalagitnaan ng gabi.
Tinignan ko muna ang orasan bago pumasok ng kwarto at napag alaman kong mag a-alauna na ng madaling araw.
Nang makapasok sa banyo ay agad ko ng hinubad lahat ng damit ko at binuksan ang shower, agad na binalot ng lamig ang katawan ko at hinayaan lang na tumulo ang tubig mula sa ulo ko pababa sa katawan ko.
Ilang oras pa akong nag babad sa shower bago ko maisipang lumabas at nakita kong ala-una y medya na ng madaling araw.
Napag pasyahan kong wag ng kumuha ng damit pang itaas sa closet at hayaan na lang na nakahubad ako. Habang nag papatuyo ako ng buhok ay pinlay ko na ulit ang pangatlong movie na pinapanood ko kanina.

BINABASA MO ANG
Beauty of Sufferings
AcakWARNING: MATURE CONTENT This story may contain violence, graphic sex, foul words, etc. COMPILATION OF ONE SHOTS. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination...