04

0 1 0
                                    

                 C H A P T E R 4:

      "that mysterious woman..."



Paulit-ulit na napabalikwas ako sa kama, unable to sleep dahil sa mga kung ano-anong tumatakbo sa isip ko ngayon.

So that girl from the forest, was the birthday celebrant.
Sabihin na natin na hindi ko nakita 'yung mukha niya, pero sa boses saka sa damit niya. Sigurado akong siya talaga at 'yung babaeng 'yun ay iisa.

Pagka pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana o.

Ngayon alam ko na kung bakit umaakto siyang wirdo noon. May problema siya sa pag-iisip dahil sa trauma.

Bumalikwas na naman ako ng higa at humarap pakaliwa habang nakatingin sa kawalan.

Aaminin ko.

Maganda siya. The bow on her head makes her look like a living doll. Tapos kulay brown pa ang mata niya, heart shape lips tapos naka white dress- teka nga, why am I describing her?

I shook my head, at muling nagpalit ng mas komportableng p'westo. Ipinaalala sa sarili na kailangan ko ring matulog.







***


"Anyare insan?" patuloy lang sa paglamon ng pagkain na parang wala ng bukas si Benidict.

"Ewan ko sa'yo, wala namang masama dun sa kanila. Ganda nga ng ambiance e."

"E, bakit parang hindi ambiance ang maganda sa paningin mo? Para kang nag i-imagine ng chicks e."

"Tigilan mo nga ako," napasimangot na lang ako ng mapansing naubos na naman ang pagkain na inorder para dapat sa'kin.

"Hindi ba sabi mo, birthday ng anak ni Ma'am Laura? Ilan taon na? Saka, babae o lalaki?"

Napatingin ako sa paligid dahil sa lakas ng boses niya, baka mamaya nandito lang pala sa malapit si Ma'am Laura nakakahiya.

"Dami mong tanong daig mo pa tsismosa."

Tumayo na ako para kumuha ng panibagong order dahil hindi naman ako nabusog sa pinaggagagawa ng pinsan ko.

"Hindi nga, baka chicks 'yan ha."

"Bata, bata lang na may ribbon sa ulo at nakasuot ng puting dress masaya ka na?"

Nagkamot lang siya sa
ulo at naiiritang tumingin sa'kin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tsk, dami daming babae dito kung saan saan pa naghahanap.

"Sige una na'ko, salamat na lang sa lahat."

Binatukan ko siya ng malakas bago pa makalayo, at ang loko mas lalo lang humagalpak ng tawa. Napapailing na umalis ako sa canteen habang nakapamulsa iniisip kung ano nga ba talagang nangyari sa Merideth Forest.
Bakit kaya sila na lang ang natitirang nakatira sa village na 'yun? Kaya siguro takot na takot ang mga tao sa kanila.

"Class as your project, i want y'all to search about the history of Merideth Forest, the place we held our field trip and our camp site. It's era, how old is the forest and the mystery behind it. That will be pass on, June 25. Class dismissed."

Mistulang dininig ng tadhana ang mga gumugulo sa isip ko at naging topic pa namin ito.

'so destiny, what are you implying?'

The bubble of my thoughts vanished when someone from behind me appear and tapped my shoulder.

"Tatang Raize lalim iniisip na'tin diyan a. Ml ba 'yan o 'yung magandang ambiance ng nasa isip mo kanina?"

Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit ko.

Sinukbit ko na ang bag ko at nag umpisa ng maglakad dahil paniguradong magtatanong ng magtatanong lang ng kung ano-ano si Benidict.

Sinilip ko ang hallway na dinadaanan ng mapansing parang may kakaiba. Parang wala ng tao ngayon sa dinadaanan ko at sobrang tahimik ng paligid. I just shrugged it off at nagpatuloy sa paglalakad. Ganito din naman minsan pag talagang konti na lang ang natitirang students. Tumingin pa ako sa mga classrooms na wala ng tao.

The hush sound and fall of the leaves didn't make the seen peaceful bagkus ay mas lalo lang naging eere ang pakiramdam ko.

Dahil sa kakaibang presensya ay tumalikod na ako para sundan si Benidicto. Mas gugustuhin ko pang marinig ang ingay niya kesa maramdaman ang kakaibang ingay na'to.

I took a step.

Again.

Pero parang may kakaiba talaga e.

Parang may kasabay din ako sa pagyabag ng paa.

"Ben-dammit!"

Napatakip ako ng bibig ng makita si Ma'am Laura sa likuran ko.

"A, Ma'am pasensya na ho, hindi ko ho kayo minumura nagulat lang po ako."

E kasi naman nakatalikod ako tapos ang tahimik ng paligid tapos biglang may humawak sa likod ko. Man! Gan'tong- gan'to 'yung mga napapanood ko sa mga horror film e.

"'Nak, p'wedeng mag request sa'yo?"

"Oo naman po, ano ba iyon?"

"Si Rhein, 'yung anak ko, naaalala mo?"

Marahan at naguguluhan naman akong napatango.

"Ano kasi, therapist suggested na kailangan niya daw ng kaibigan bukod sa'kin. Kailangan niya din ng ibang nakakausap na ka edad niya. Ikaw na lang talaga malalapitan ko Raize."

'what on the world is ma'am suggesting?'

"Alam ko nasa isip mo, Oo lalaki ka, pero 'nak saiyo lang ako may tiwala. Hindi kita pinipilit ayokong maging burden sa'yo, it is really okay to refuse. Pero 'pag tinaggap mo ang offer ko, tatanawin ko 'tong isang malaking utang na loob Raize. Kung papayag ka, you can visit my house anytime you're welcome there," she said that while smiling and tapping my shoulder.

Tinalikuran na ako ni Ma'am at nagsimula na siyang maglakad. Weird pero after that unti-unting bumalik ang ingay sa paligid. From the chitchats of the students onti-onting dumadami ang dumadaan sa hallway at corridors. At nawala ang kakaibang presence na naramdaman ko kanina.

Tumingin pa'ko sa paligid and saw that everything went back to normal.

Hanggang sa narinig ko na sinisigaw ni Benedict ang pangalan ko mula sa malayo at kumakaway, napapailing na umiwas na lang ako sa paningin ng mga estudyante na nakakakita sa pinag- gagawa ni Benidicto.

"Ikaw ha, baka nililigawan mo na si Ma'am Laura ng hindi ko nalalaman," sabi niya habang sinu- sundot sundot ang tagiliran ko.

"Lokong 'to, hindi may importanteng sinabi lang."

"Sige, maniniwala na'ko. Libre mo ko sa daan ha. Nagugutom na naman ako."

"Ewan ko sayo palagi ka na lang gutom, ako na talaga kakausap kila Tita."

"Bahala ka na nga, salamat na lang sa lahat."

Napangisi na lang ako sa kagaguhan ng pinsan ko. Uulitin ko, mas gusto ko na 'yung maingay 'to kesa muling maramdaman 'yung kakaibang katahimikan kanina.

Merideth Forest, what's the mystery behind you?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Under the Rain (R A I N S E R I E S 1)Where stories live. Discover now