Prologue

7 1 0
                                    

“Kuya Brielle!” I tried to get my brother’s attention from the crowd of people who wants to witness the grand opening of Salvatore Mall here in Baguio City. Flashes of cameras are everywhere. I smiled widely as I watched my brother enjoying the congratulatory from the elite people who attended this event. Halos dumugin din siya ng tanong mula sa mga reporter na nagnanais na makakuha ng panayam mula sa Head Engineer ng naturang mall. The construction of this huge Mall will not be possible without Mendez Construction Company and my brother being the head engineer. I can say that this is actually one of the biggest projects of kuya Brielle, magmula ng ipinamahala sa kanya ni Dad ang aming construction company.

“My sweet heaven!” mukhang kinuhang pagkakataon ni kuya ang aking presensiya upang pansamantalang makawala sa mga reporter.

“Happy 19th Birthday our sweet heaven!” nagagalak na bati niya bago ako ikinulong sa isang mahigpit na yakap. I even saw some girls looking so disappointed with his gesture. Akala siguro nila girlfriend ako ni Kuya.

“Thank you, kuya! Kahit mukhang mas inuna mo pa ang event na ito kaysa mag-celebrate ng birthday ko.” Kunway nagtatampong bulong ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagakbay niya sa akin kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

“Of course not! Maari ba naman nating palagpasin ang birthday mo na hindi nag-cecelebrate? Later, I have a surprise for you.” Marahan niyang wika ngunit sa halip na matuwa ay napasibangot pa ako dahil habang sinasabi niya iyon ay hindi naman siya saakin nakatingin. Nakasimangot kong sinundan ang tinitignan niya.

I frowned when I saw a beautiful woman who’s happily greeting back those people who approached her, she’s wearing a formal nude color long dress showing her perfect curves and honestly I like her style. She looks so elegant and Oh my God her eyes! Those are oceans blue orbs. That woman’s eyes are so beautiful like I’ve just seen an oasis in the middle of the desert.

I looked at my brother’s face, kulang nalang yata ay maghugis puso ang kanyang mga mata. I’ve never seen my brother being captivated by a certain woman not until I saw his reaction right now.

“You like her.” I stated the obvious, mukhang doon ko lang nakuha ang atensiyon ng aking kapatid.

“She’s a Salvatore. My sweet Heaven.” Napaarko ang aking kilay sa naging sagot niya saakin.

“Ano naman kung Salvatore siya kuya? Hindi naman siguro nagkakalayo ang Net worth ng mga Salvatore sa ating mga Mendez.” Giit ko pa.

“Samantha’s brother is my friend, business partner and a client. So yeah, she’s fcking off limits.” Halos marinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. Bro code ba iyong ibig sabihin ni kuya? Well I think when you really love someone you’re willing to sometimes break a certain rule. Wala akong karanasan tungkol sa mga bagay tungkol sa pagibig pero nasisigurado ko na ganun ang gagawin ng mga taong totoong nagmamahal, and of course marami rin naman akong bagay na naririnig at natutunan tungkol sa pagibig mula sa aking kaibigan nasi Curline.

“Ow and here she comes.” Bahagya kong siniko ang aking kapatid and I even felt him stiffed beside me na ikinangiti ko ng malapad.

“Brielle, Congratulations! This place is so magnificent!” She happily greeted my brother nang tuluyan na siyang nakalapit saamin. I think I like her for my brother. They will make a good couple, siya na nga yata ang pupuno sa boring na buhay ng aking kapatid. My brother is only 28 years old, ngunit magmula ng pinamahala sa kanya ni Dad ang aming construction company right after na makapasa siya sa Board exam nawalan na yata siya ng social life. Masyadong seryoso sa buhay at nangangailangan na nga talaga ng girlfriend na magpapaalala sa kanya na hindi lamang trabaho ang bubuo sa kanyang pagkatao.

“Thank you Samantha and Congratulations also to your family.” Magiliw siyang ngumiti, napaka-pino ng kanyang mga galaw at masasabi kong mukhang mas bagay sa kanya ang pangalan ko, siguro mas mabibigyan niya iyon ng hustisya kaysa saakin na minsan ay napaka-reckless sa ilang mga bagay.

Memories Beyond YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon