Simula

10 2 0
                                    

"Are you ready Kiarra? the party is about to start, you must be prepare by now. Nandirito ngayon ang mga partner ng Dad mo sa negosyo. Hindi ka pwedeng mawala dahil ikaw ang kaisa-isang anak namin ng daddy mo" si Mommy habang aligaga sa pagtatakid ng mga alahas niya sa kanyang pangangatawan. May gaganaping party ngayon dito sa bahay. Isang sikat na kilalang Business man si Dad, kaya buong San Francisco ay alam ang tungkol sa gaganaping party'ng nito. Ikaw ba naman ang marami nang narating sa buhay sa edad na bente tres hanggang sa magtuloy tuloy na.


"Mommy, pwede bang mamaya na lang ako bumaba? Hindi naman talaga ako kakailanganin don eh, at isa pa kailangan ko pang pag-aralan ang mga dapat gawin sa kompanya para mas malaman ko ang pamamalakad doon" pagmamaktol ko kay Mommy. After all years, ngayon lang ako nakapag pahayag ng nararamdaman ko sa kanila. Dati rati kasi ay sinasarili ko lang ang mga bagay bagay hanggang sa hindi na lang malaman ang hinanaing ko. I was an introvert since then. Natutunan ko lang humarap sa maraming tao simula ang mangyari ang lahat ng iyon sa buhay ko. Stop this nonsense Kiarra! Dalawang taon na ang nakalipas di ka parin nakaka move on!


"Kiarra naman, hindi pwede na ganiyan ka nalang palagi. Makipag socialize ka naman anak. Kailangan mo rin naman iyon para na rin sa sarili mo. At isa pa, makakatulong din itong ginagawa namin sayo ng Daddy mo para alam mo na ganito ang ginagawa ng mga negosyante. Tama na ang dalawang taong pagpapraktis mo kung paano mo mapapalakad ang kompanya, your Dad and I are still here to guide you kaya huwag ka ng mag-alala, okay?" hindi nalang ako nakatanggi kay Mommy, siguro naman sapat na rin ang apat na taon na pag aaral ko at dalawang taong pamamahinga. Oras na siguro para tulungan ko na rin sina Daddy sa kompanya. Ayaw ko silang biguin dahil tanging ako lang ang maaasahan nila sa ganitong bagay dahil ako ang magmamana. Bakit kasi ako lang ang anak nila! Hindi ba pwedeng gumawa muna sila ng lalaki tapos ako?  Only child is so fucking sucks!


Hindi na kami nagtagal ni Mommy sa kwarto. Nagsabay na kami pababa at nadatnan namin na marami na ang taong nagsasaya at umiinom. Nakita naman agad ni Mommy si Daddy na may matandang kausap. Kitang kita ang saya sa mga labi ni Daddy habang kausap niya ang matanda. Siguro matagal na silang magkakilala. Agad naman akong hinila ni Mommy at dumako sa lugar nina Daddy.


"Oh they are here! Mr. Guecillo, this is my beautiful wife and my lovely one and only daughter". Pagpapakilala sa amin ni Daddy.


"Oh Hi Mr. Guecillo!" Mom greet, at binati ko rin pabalik ang matanda.


"Good evening Mr." simpleng pagbati ko at nginitian siya.


"Talagang iisa lang ang ginawa niyong anak Frank ah? Hindi niyo manlang naisipan na sundan to?" pagbibiro ng matanda sa mga magulang ko. Napatawa naman ang dalawa sa sinabi ni Mr. Guecillo.


"Nako Mr. Guecillo kung alam mo lang kung gaano kami nahirapan ng asawa ko makabuo. Kiarra is a blessing for us kaya nagpapasalamat pa rin kami kahit na iisa lang ang binigay sa amin ng Diyos. Hilingin man namin na makaisa pa, hindi na talaga kaya, but at least we're happy." sabay akbay niya sa akin at hinalikan sa buhok.


"It's good thing. At napakagandang bata rin. Ilang taon na ba ito?"


"She's turning 22 this coming May" simpleng sagot naman ni Mommy.


"Oh I have a grandson, he's 24 now. Siguradong magkakasundo sila nitong anak mo. Knowing my apo, mga ganitong tipo ang hanap niyon" halata ang pagbibiro sa tinig ng matanda. "He's coming back tomorrow here in Philippines, sa California na nag stay simula noong makatapos ng College. Maybe you know him hija? Dito rin siya nagaral sa San Francisco."


"Ahmm siguro po familiar lang sa akin, lalo na po kung magka iba ang kurso namin at edad" magalang kong sagot.


"Nako siguradong kilala mo si Argel, kilala bilang babaero ng San Francisco College ang apo kong iyon eh. Hindi ko nga alam kung kailan ba nagseryoso ang isang iyon sa buong buhay ng pagkakolehiyo niya." Naiiling na sambit niya. Tila nawalan ng pag-asa dahil sa kaniyang apo.


Still Into Him (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon