Kabado akong palinga linga habang umaandar na ang sasakyan namin papuntang school. All my life, I just wanted to be alone in our home. Since I started studying, my Mom and Dad decided for having a tutor to guide me. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko. Takot akong humarap sa maraming tao. Ni hindi ko man lang nasubukang makisalamuha sa kahit na kanino maliban lamang sa mga pamilya ko at malalapit sakin. This is my start of my life. Hindi pwedeng nakakulong lang ako sa bahay at tanging personal tutor lamang ang laging nakakasama. Kaya napagdesisyunan nina daddy na pag aralin ako sa isang paaralan na sikat dito sa San Francisco.
"Kiarra huwang kang mag-alala, hindi ka naman kakainin ng mga tao diyan sa paaralan. Kailangan mo lamang talagang masanay na". si Manong habang patuloy pa rin sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang school mula sa bahay. Sina Mommy kasi ang nag asikaso ng mga papeles ko na kakailangan ng paaralan sa akin.
"Eh Manong baka po kasi may manggulo lang sakin diyan at ibully ako" nahihiya kong tugon.
"Ano ka ba naman Kiarra, huwag kang mag isip ng mga negatibong bagay. Sinasabi ko sayo, masayang mag aral dahil malaya ka sa mga kinikilos mo. Basta kung sakaling may mga taong sinasaktan ka mapa pisikal man ito o hindi, magsumbong ka kaagad sa nakakataas para masolusyunan agad ang nangyari. At kung hindi naman malala, hayaan mo na lang sila dahil sila din naman ang mapapagod sa ginagawa nila" napatango nalang din naman ako sa sinabi niya.
"Maghanda kana at malapit na tayo sa eskwelahan mo."
Inayos kona ang bag na dala dala ko. Nakasuot narin ako ng uniform dahil nagpatahi narin agad sina Mommy at pinaghandaan ang mga bagay na kakailanganin ko sa pag aaral.
"Halika na Kiarra" si manong habang pinagbubuksan ako. "Mag iingat ka, tumawag ka agad sa akin pagkatapos ng klase mo. Pero may schedule naman ako kung kailan ang uwian mo pero tumawag ka rin sa akin upang makasigurado ako. Maliwanag ba? Ang mga habilin ko ah, huwang mong kakalimutan. Tumawag ka rin sa mga magulang mo para alam nila na nandidito kana". napatango na lang naman ako sa kanya.
Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. As a first timer, parang hindi ko kayang tumingin sa paligid dahil feeling ko sa akin sila nakatingin. Nilakasan ko nalang ang loob ko at nagderetso sa paghahanap ng room na kinabibilangan ko. At sa wakas ay nahanap ko rin ang room na papasukan ko. Sinilip ko muna kung may mga estudyante na at tama nga ako, may teacher na rin na nagsasalita sa harapan. Hindi ko alam kung papasok ba ako o tatawagan ko nalang sina Mommy dahil nahuli na ako sa klase, ngunit hindi ko pa nagagawa ang mga naiisip ko ay napalingon at napangiti sa akin ang teacher doon.
"Hi, ikaw ba ang bagong transferee? Yung anak nina Mr. Bacalando?" Mukhang mabait naman siya kaya nahiya akong tumango sa kanya.
"Oh! come in. We're about to start the class pero hindi ka pa naman late, pinag bilin kana samin ng mga magulang mo kaya you don't have to worry. Come in" inilahad naman niya sa akin ang daan at dali dali niya akong pinakilala sa mga estudyante. Nahihiya parin at nakatungo lang akong nakikinig sa sinasabi ng teacher.
BINABASA MO ANG
Still Into Him (ON-GOING)
RomansaKiarra Joycel Luna Bacalando is a very simple and soft person. Her family is one of the richest in their town. She was a loner, she always wants to be alone. Her parents spoiled her for everything. She is almost perfect. But Argel Ries Mejecito Sant...