Chapter 4

1.3K 37 2
                                    

"Tharn!" nanlaki ang mata ko ng mapagbuksan ko si Tharn.. Ang tagal ng huli kami magkita.
Dali dali ako lumapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit, diko din napigilan ang mga luha ko.
Miss na miss ko siya.

"Kumusta kana Natt?" masuyo nitong tanong habang hinahagud ang likod ko.

Tiningnan ko siya, ang laki na ng pinagbago nito, kung hindi ko lang alam na gay ito, iisipin kung mas matipuno pa ito kay Mew, ang ganda ng mga mata nito.
Niyakap ko siya ulit at hinalikan sa pisnge.
"miss na miss kita" sabi ko dito.
"I miss you too babe!" tugon nito.
Babe kasi ang tawagan namin nuon pa.
Hinila ko siya papasok ng bahay at dun kami nagkwentuhan.

" Ok ka lang ba dito? Bakit ang payat muna?" tanong nito.
Ngumiti ako sa kanya, " oo naman, masaya ako dito"

"ganun ba?" tumingin ito sakin, "anong nangyari sa leeg mo? Bakit namumula?" lumapit ito sakin at tiningnan ang leeg ko, agad ko naman sinapo yun at umusog palayo dito. Ayaw ko malaman nitong sinasaktan ako ng kuya niya.
" wala to, nangangati lang  dahil sa damit na sinuot ko kanina" pagdadahilan ko.

Hindi ito nagsalita pero nakikita kong hindi ito kumbinsido sa dahilan ko.

" tara punta tayo sa garden ipapakita ko sayo ang mga halaman natin dati, dinala ko dito at pinarami ko sila" yaya ko sa kanyan ng mapansin kung mataman parin niya ako tinititigan.

"Wow! Ang ganda!!" bulalas nito. Alam ko nuon pa na gustong gusto  nito ang mga bulaklak kaya naisipan ko itanim dito sa garden ng bahay namin  ni Mew ang mga halaman na binigay ni Tharn sakin nuong hindi pa ito nangibang bansa.

" Inalagaan mo talaga sila!? " parang hindi makapaniwala ito.

"oo naman, galing sayo yan e" sabi ko dito.

Tiningnan niya ako bago binalik ang ang tingin sa mga halaman.
Hindi ko namamalayan ang oras ng bigla dumating si Mew. Tinatawag ako.

"Nattarin! Nattarine! San ka bang babae ka?" sigaw nito.
Nagkatinginan kami ni Tharn.

Dali dali ako pumasok sa bahay. " Nandyan kana pala"

"Bakit bawal ako umuwi sa bahay ko?" Hiniwakan niya ang braso ko,
Napangiwi ako ng lakasan niya ang kapit duon, halos bumaon ang kuko nito.

" Kuya!"

Nakasunod pala si Tharn sakin.

Dali ako binitawan ni Mew at binaling ang tingin sa kapatid .

" anong ginagawa mo dito? " tanong ni mew dito?

" bakit bawal ko na ba dalawin ang kapatid ko at ang kaibigan ko?" balik tanong ni Tharn. Tumingin ito sakin bago sa braso ko. Namumula na ito at  paniguradong magpapasa na ito bukas.

" Ganyan pala ang salubong mo sa asawa mo Kuya!?" nang uuyam na tanong ni Tharn.

" Wala kang alam" sagot ni Mew.

"Anyway, aalis na din ako" tumingin si Tharn sakin at ngumiti.
"lagyan mo ng ice pack yan bago magkapasa tatawagan kita bukas" sabi nito bago tumungo sa pintuan.
"Sa susunod na malalaman ko ang lahat ng nangyari, babawiin ko ang lahat kuya." baling ni tharn kay mew bago ito tulayan lumabas na.

😁😁😁
Update ako ngaun baka kasi bukas maging abala ako. 🤧
Comment naman kayo.
👇👇👇

The Battered Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon