Chapter 1

3.4K 54 7
                                    

"Nattarine! Nattarine.! Nasaan ka bang babae ka?" sigaw ni Mew.

  Nagmamadali kong isubo ang natitirang pagkain ko para puntahan siya. Pero nakita na niya ako.

  "Kanina pa ako tawag ng tawag bakit dika sumasagot?" hinila niya ang buhok ko saka kinaladkad papasok ng kwarto.

"Diba sinabi ko pag tinawag kita, sumagot ka agad?" sinampal niya ako dahilan para mailuwa ko ang kanin  sa bibig ko.

   "K-kumakain kasi ako, h-hindi lang kita agad narinig" sagot ko.

"Hindi narinig o nagbibingi bingihan kana ngayun?" sigaw nito sakin.

"Saka ang lakas ng loob mo kumain ng dimo sinasabi sakin?" hinila na naman niya ang buhok ko paitaas para mapatingama ako sa kanya.

  " Nagugutom na kasi ako, kagabi pa ako hindi kumakain" dahilan ko.

"Anong pakialam ko kung nagugutom ka, pera ko lahat  ang binibili dito sa bahay kaya wala kang karapatan galawin ang mga yun ng hindi ko alam, naiintindihan mo?" sigaw nito sakin.

" O-oo hindi na mauulit"

  Binitawan nito ang buhok ko pero isinubsob naman niya ako sa sahig.

"Dapat lang dahil wala kang kwenta" asik nito sakin.

Umalis ito at pabalang niya sinarado ang pintuan. Napaigta ako sa lakas niyun.

Wala ako nagawa kundi umiyak at tiisin ang pananakit ng anit ko dahil sa pagkakasabunot niya sakin.

Dipa ako nakakaalis sa kinatatayuan ko ng bumalik ito.

"mag ayos ka may pupuntahan tayo" singhal nito sakin.

Nagmadali ako pumasok sa cr namin para dun mag ayos.
Nagsuot nalang ako ng maluwang na damit at isang pantalon, nananakit kasi ang mga pasa ko pag nahahapit sa damit. pinarisan kuna lang ito ng doll shoes ko saka lumabas na.

Hindi niya ako tiningnan, kusa na ito nagpatiuna pumunta sa sasakyan.

Wala kaming imikan hanggang sa tumapat kami sa isang gusali.

" Ayusin mo ang sarili mo at baka masapak kita" sita nito sakin.

Hindi na ako umimik dahil baka pagmalupitan na naman niya ako kahit sa maraming tao.

  Pag pasok namin sinalubong kami ng dalawang matandang babae at lalaki.

" oh hijo kumusta kana?" bumaling ang tingin ng babae sakin. "ito naba ang asawa mo? Pagkaganda namang bata" puri nito sakin at hinagod ang buhok ko.

Gusto ko lumuha, dahil sa tagal ng panahon may gumawa sakin nun.

" Magandang hapun po" bati ko sa kanila.

Ngumiti ito sakin at niyakap ako.
"Magandang hapun din hija." sabay halik sa pisnge ko.

Sinulyapan ko ang asawa ko pero kausap na nito ang matandang lalaki.

"Halika hija, umupo tayo" giniya niya ako paupo sa may sala.

Nag usap lang kami at nagkumustahan, nalaman ko din na pinsan ng lola ni Mew ang matandang babae. Natuwa ako at may nagpakita sakin ng malasakit simula ng maikasal ako kay Mew.

"Alis na po kami lola, bibisita po kami ulit pag may free time kami ng asawa ko" paalam ni Mew sabay hapit sakin sa bewang.

Tiningnan niya ako at sabay pisil sa bewang ko.

"opo lola, babalik po kami ulit" sabi ko dito dahil ayaw nito na uuwi din kami mag asawa. Gusto nito manatili muna kami dun kahit isang gabi lang.

  " O siya. Wala naman ako magagawa basta pangako niyo bisitahin niyo ako ulit dito." masuyo nitong sabi sabay haplos sa buhok ko.

Bigla pumatak ang luha ko.
Dali dali ko to pinunasan ng bigla kumunot ang nuo ng matandang babae.

" bakit ka umiiyak hija?" sinapo nito ang mukha ko.

" masaya lang po na nakilala ko kayo" dahilan ko.

"ganun ba,? Masaya din kami ng lolo niyo dahil nakilala ka  namin." sabay tingin sa asawa nito.

Tumango ang matandang lalaki at ngumiti.

Sapat na yun para lalo mag unahan ang mga luha ko.

"oh siya lo, la alis na po kami, pagod lang tong asawa ko kaya napaka emotional" hinaplos ng asawa ko ang buhok ko dahilan para bumalik ang takot na naramdaman ko.

" mag iingat kayo mga apo" sigaw ng matandang babae ng nasa saksakyan na kami.

Kumaway lang ako dito bago pinausad ng asawa ko ang sasakyan namin.

&&&&&&&

Gusto ko lang malaman niyo po na second language ko lang ang tagalog, kung may mali mali kayong mabasa,pwedi niyo po ako itama.. Salamat. 😘

The Battered Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon