Chapter 13

1K 24 4
                                    

Nagising ako na kumakalam ang sikmura ko. Tiningnan ko ang katabi kung side table kung nasaan ang orasan ko. 3pm na pala.

Agad ako bumangon para pumunta sa kusina, gutom na tlga ako. Ano ba nangyari at nakatulog ako.?
Kakamot kamot ako ng ulo bago lumabas, walang tao sa sala at kusina kaya dali dali ako lumapit sa ref at binuksan.

Nakita ko ang adobong manok sa may container, kinuha ko ito at pinasok sa oven. Habang hinihintay  uminit ang adobo nagsandok narin ako ng kanin.

Ilan minuto  bago tumunog ang oven, agad ko binuksa at kinuha ang ulam.. Sa subrang pagmamadali ko muntik pa ako mapaso.
"oh my god! Gutom na tlga ako!" naibulalas ko habang puno ang bibig ko.

"pansin ko nga!" muntik kuna maibugan ang kanin sa bibig ko ng may bigla magsalita sa likod ko.
Nasamid ako sa gulat.
Tumatawang  Tharn ang nalingunan ko.

"dahan dahan lang kasi, di naman tatakbo yan." nakatawa nitong sabi.. Namula ako sa hiya.

"pasinsiya kana, gutom na talaga ako e!" paumanhin ko dito. Nakakahiya na para ako nagnanakaw sa ginagawa ko.

"ok lang, buong araw ka walang kain kaya malamang magugutom ka tlga."
Nagsandok din ito ng kanin at tumabi sakin, kumuha siya ng ulam at nagsimula na din kumain.
Nakatingin lang ako dito.

"kumain kana bago pa lumamig ang pagkain mo!" sita nito sakin.

"di kapa ba kumain?" tanong ko sa kanya.

"kumain, pero gusto kita sabayan para may kasama ka" sagot nito habang ngumunguya, kumindat pa sakin ang hudyo.

Habang kumakain kami, nagkukwentuhan kami sa mga bagay bagay na nangyari nung nasa America ito. Nang  matapus kami kumain nagkukwetuhan padin kami hanggang sa  bigla sumagi sa isip ko ang nangyari bago ako  mawalan ng ulirat.

"tharn, kaninang umaga, ano nagyari bakit bigla ako nawalan ng malay?diko kasi matandaan e" tanong ko dito.

Bigla ito tumingin sakin na parang di makapaniwala.

"dimo natatandaan na nag seizure ka kanina?"

Umiling ako. "hindi, maging yung ibang nangyari sakin before malabo na sa isip ko."

Nakatingin  ito sakin,"ganun ba, sabi kasi ng doctor, normal lang yan kasi stress ka." sabi nito. Bigla ito umiwas ng tingin sakin.

"ai si mew nasaan? Bakit wala siya dito?"

"nasa bahay niyo, may inaasikaso lang." aniya.

"gusto ko sana umuwi kay mew, pwedi ko ba makausap ang parents mo? Dun muna ako kay mew. Ok naman ako!" sabi ko dito.

Bigla nagdilim ang mukha nito pero sandali lang at ngumiti agad.

"kakausapin ko sila daddy, magpahinga ka muna para lumakas ka, ako na ang bahala"

Tumango lang ako, saka tumayo na. Iniwan ko na ito sa mesa at umakyat na sa kwarto.

Sa kwarto lang ako buong maghapon nakatunganga.

Ilang araw naba ako dito sa bahay ng magulang ni Mew? Isang linggo? Dalawa? O baka isang buwan na? Hindi ko alam.!

Kinabukasan agad ako bumaba. Hinanap ko si manang sa baba at niyaya kumain. Nang makita ko ito agad naman ako ipinaghanda ng agahan.

Nasa kalagitnaan palang ako ng pagkain ng bigla may yumakap sakin sa likod.

Naamoy ko ang pabango nito kaya agad ako humarap,

"Mew!!" gulat na gulat ako. Agad ako tumayo at ni yakap ito ng mahigpit.

"i miss you!" bulong nito sakin.

The Battered Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon