Chapter 38: Complicated

1.4K 33 16
                                    

Chapter 38:  Complicated

DANA’s POV

“Couz sorry nga pala.” sabi ko kay Tristan nang magkasalubong kami. Tumango lang siya. Hindi lang ako nagsosorry dahil sa ginawa ni Ian, nagsosorry din ako dahil marami akong tinatago sa kanya na sana ay dapat niyang malaman.

“Pare! Bilisan mo!” sigaw ng mga barkada niya.

“Cge Dan, Happy Valentine’s Day nga pala.”

Alam kong malungkot siya at disappointed ngayon. Nagprepare siya ng limang heart-shaped balloons para kay pinsan at nagplanong magdidinner sila mamaya. Sabi ng kaibigan kong violinists na nagtatrabaho sa Grand Hotel, sila daw sana ang tutugtog ng kantang “Forevermore” as requested by Tristan para haranahin si Lara during their dinner date.

I just wish malaman ni pinsanang lahat ng ‘to. Kahit may pagkabitter yun, she still loves surprises.

Ian and I knew na nasa Cebu nanaman si pinsan. Hindi lang namin alam kung bakit hindi siya nagpaalam na pupunta siya doon. We called Tito Lans last night and he confirmed it. I felt guilty nga dahil ang pinalabas naming reason, napilitan si Lara na magattend sa isang business meeting. Alam kong maraming tanong si Tristan pero sabi niya, si Lara nalang daw ang tatanungin niya pagbalik nito. When Ian assured him na hindi mapapahamak si Lara, sapat na daw yun para sa kanya.

LARA’s POV

“I’m not hungry! Itapon mo yan!” sigaw ko sa katulong na nagdadala ng pagkain.

“Pero ma’am, kailangan niyo pong kumain. Pagagalitan na po talaga ako kapag nalaman nilang sinusunod ko ang gusto niyo.” takot na sabi ng katulong.

“Edi problema mo na yun! Alis!”

Umalis nga ang walang kwentang katulong sa kwarto ko. The truth is, kumakain naman talaga ako eh. Gusto ko lang maubos ang pasensya nila sa akin. Bumangon ako at kinain ang nakahandang pagkain na iniwan ng katulong. Ang swerte nila kapag magpapakagutom ako, diba? Matapos kong kumain, binasag ko ang mga plato sa sink.

Hindi naman ako kailangang magpakabait dito eh. Kahit gaano pa ako kasama, tuloy rin naman ang wedding kaya ba’t pa ako magpapaimpress?

Dalawang araw na ako dito sa Terez Beach Resort. Nakagrills ang bintana ng room ko, nakalock ang pinto sa labas at wala na akong phone or any means of communication. Para akong si Rapunzel diba? Kaso hindi tower ‘to at hindi mahaba ang buhok ko. Pwede lang akong lumabas kapag kasama ko si Kevin.

Sabi nila, huwag na raw akong magalala sa issues sa UAR dahil they have made some arrangements. They also told me na alam na nina Ian na okay ako dito kaya hindi ko na kailangan tawagan pa sila. They forced me to come here dahil matigas daw ang ulo ko at naiinis na ang kapatid ni Mr. Terez maghintay. Anyway, I’ll be back to UAR by Monday kaya konting tiis nalang.

Hindi naman ako nasaktan nung isang araw when they took me, I didn’t even get bruises gaya ng sa movies. Nasasaktan lang ako kapag naiisip kong pumayag si Daddy na mangyari ‘to. I felt like my own father betrayed me.  He gave them the right to ruin my life. He even gave them permission to lock me up in this four-cornered room with no embellishment but a flower vase. Gross!

Lonely na nga ako dahil ako lang mag-isa, napakabare pa ng kwarto. Sino ba naman ang hindi mawawala sa sarili nito? Anyway, I’m wondering kung ano na ang ginagawa ni Tristan ngayon.

“Happy Valentine’s Day. Babe.” bulong ko sa hangin habang nakamasid sa labas ng window where I can only see the blue skies at  mga dahon ng niyog.

Sana kahit wala ako sa tabi niya, maaalala niya pa rin ako. If only my hugs and kisses travel through northern winds, binabagyo na sana ang kinauupuan niya ngayon. If only I could be there beside him, I could have made this day memorable for both of us.

Miss PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon