Chapter 4: Play Better

2.9K 62 13
                                    

Chapter 4:  Play Better

CYBIL's POV

"Baby? Can you be my girlfriend again?" biglang tanong ko kay Lara pagpasok niya sa kotse.

"I already am.." sagot niya and gave me a sweet smile. Nakakainis! Naiinlove ako lalo. Marami akong girlfriends kaya lang iba si Lara. She's not inlove with me unlike sa iba na halos magkandarapa.

"I want you back!" malakas na sabi ko sakanya at hinalikan siya. Yung kiss na minsan ko lang binibigay sa babae. Tinulak niya ako. Foul talaga! Kung ibang babae 'to halos yakap-yakap na ako.

"Baby please? Be mine again.." I pleaded.

"You sound freaking serious! Pwede ba! Sheeze!"

Bullshit! Ang hirap sa mga playgirl, di na nila alam kung ano ang panloloko at totoo.

Courting Lara was just a bet noon. Nasa bar kami ng mga barkada ko at nagiinuman. We talked about girls at napasama ang isang Lara Eunice sa topic.

Sabi nila, ligawan ko daw at paglaruan. Kung mapaiyak ko, ako na ang cassanova king at maglilibre sila ng isang gabing inuman. I accepted the deal nung gabing yun.

Hindi ko na namalayang parang ako na pala ang nilalaruan niya after a week. Doon ko nalamang she was a certified playgirl.

"Bye baby!" sabi niya nang nakarating kami sa dorm nila.

"Wala ba akong goodbye kiss?"

"Sheeze!" inis niyang sabi habang sinara balik ang pinto ng kotse at humarap sa akin. The kiss went for a minute hanggang bumitaw na siya sa leeg ko.

She smiled at lumabas ng kotse. She looks pretty as always. Natawa ako nang maalala ko ang binulong ng pinsan ko sa party kanina when he met Lara.

"Bro, if you'll just play her, buti pa bigay mo nalang siya sakin.."

Kung girlfriend ko man si Lara, talagang hindi ko lalaruan. Kung paglaruan ko man, talagang hindi ko ibibigay sa kanya. Paglalaruan ko ba si Lara? Parang di ko magawa yun. She always play better than me.

LARA's POV

"Yan ang problema sayo couz eh! Lahat ng lalaki pinapareho mo kay Ian na yun! Stop saying na sasaktan ako ni Troy!" sigaw ni Dana sa loob ng kwarto ko.

I just told her na sasaktan lang siya at naging ganito na agad ang reaksyon niya. I was shocked but I managed to contain my anger.

"Hindi na ako bata para protektahan mo couz! Pareho lang tayo ng edad pero experience lang ang lamang mo sakin. Mahal ko ang taong yun at hinding-hindi ko siya iwan!"

"Really? Then love him at your own risk!" and I rolled my eyes. Kontrabida na ang kinalabasan ko kahit concered cousin lang sana.

Lumabas si Dana na humihikbi. Bakit siya ang iiyak? Diba ako dapat? Ako kaya ang sinigawan niya. Well, hindi lang kasi talaga siya sanay sa confrontations and girl fights.

Bakit ganito? Ako na nga ang nag-aalala, ako pa ang masama. I knew all about Dana's boyfriend. I knew everything about him.

I was about to take my shower because my class will start at 10 nang tumunog ang tab ko.

It's just Pebrero, saying that sweetpea's smoke test is done at papunta na siya dito. Ang saya ko dahil akala ko matatagalan pa.

Palabas na ako sa building after our class when I saw Pebrero with my chevrolet spark. Sweeetpea is here! Yehey!

Dahil demanding ang pamangkin ko, here we are sa Del Rio. He ordered beef spare ribs, steak at isang lemon juice. I just ordered salad.

"Saan nga ba si Tita Dana?"

"I'm not her keeper.." mataray kong sagot.

Natahimik naman si Pebrero. He's witty kaya alam niyang there's something going on between me and Dana. After eating, hinatid ko si Pebrero sa terminal.

Kahit ganito ka nakakainis ang pamangkin ko at kahit masungit akong tita for him, I'm still thankful that he knows how to deal with me.

Alam kong ayaw niyang magcommute pauwi pero he drove sweetpea papunta dito just to make me smile. Compensated rin naman ang effort niya dahil nakagamit ako ng credit card sa mahal ng orders niya kanina.

"Bye tita!" sabi niya at lumabas ng kotse.

"Pebs!..." pagpigil ko sa kanya.

"Thanks nga pala and catch!" at tinapon ko ang paper bag with his new iPhone 5S inside.

"Thanks tita! Kahit ang harsh mong magbigay ng gift mahal parin kita!" pageemote ng pamangkin kong napaka awkward. Harsh ba yun?

"Che! Advance Happy Birthday!" at ginulo ko ang buhok niya like I do noong bata pa siya. I won't be there on his birthday kaya napaadvance ang gift.

Pauwi na ako ng University when I saw Red's car parked sa isang cheap Motel. I think I smelled fun and trouble! Red and I dated since monday if I'm not mistaken. He is my latest playmate who happened to be playing me.

Pinaglalaruan ako ng taong 'to? Well, Red Austin baby? I still play better.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

|7-19-14|

Miss PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon