Chapter 25: The Anxiety

1.7K 39 4
                                    

Chapter 25:  The Anxiety

LARA’s POV

I woke up with his hands hugging me from behind. It’s still dawn and the sun’s rays just appeared through my peach-curtained window.

“Gising ka na?” I heard him mumble huskily.

Bakit nga ba ang aga kong nagising? Hindi naman ako ganito lalong lalo na kapag weekends. Hindi rin ako ganito ka aga magising when I’m in his room. Bakit kaya?

Ito na ba ang sinasabi nila na Reality is better than Dreams?

“Babe?” he whispered and buried his nose to smell my hair.

Hindi ko siya pinansin. I don’t want him to know that I’m awake. I still want him to cuddle me while sharing the blanket. I still want to feel his breaths from behind while the coldness of the morning subsides.

“Ang hirap gisingin ng gising.” sabi niya at bumangon.

Sheeze! Hindi ba niya alam na gusto ko pang magpayakap? Why can’t guys understand girls?

I pouted at umupo. Binalot ko ng kumot ang katawan ko habang pinagmasdan si Tristan. Kahit madilim-dilim pa, alam kong bumubihis siya at halatang aalis na.

“Babe, babalik lang ako. Pinapatawag kami ni coach ngayon eh.” pagpapaalam niya at sinuot ang jacket.

I gave him a blank stare saka humiga ulit and this time, pati ulo ko, binalot ko na ng kumot. I don’t want to see him leave. Kahit alam kong babalik siya, ayaw ko pa rin siya makitang lumabas sa kwarto. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito and I don’t know why.

“To naman oh… Babe! Galit ka ba?”

“Cge na babe! Bye!” I said habang inayos ang kumot na nakabalot.

“Magdedate naman tayo mamaya eh, Pakiss nga bago ako umalis.”

Kahit nakatago ako sa kumot, I smiled nang marinig yun. Sheeze! Why do I act so childish these days? Naiinis nga rin ako sa sarili ko bakit napakaisip-bata ko but I can’t help it.

“Babe!” tawag niya.

“Tulog na ako at hindi kita naririnig.”

“Babe!”

“Shhhh! Don’t disturb!”

“Ayaw mo talaga ha?”

“Whaaa!” napasigaw ako dahil he started tickling me and the worst is, sa ribs ko pa!

“Whaa! Babe! Stop it! Hahahaha! Aray!” sigaw ko while stopping his hands. Gumapang ito hanggang sa leeg ko.

“Babe! Tama na! Whaaaaa!”

“Pakiss nga!”

“Ayaw!”

“Talaga ha?”

“Whaaaa! I can’t help it! Babe! Tama na! Hahaha! Hindi na ako makahinga!”

Then he stopped and looked at me straight in the eyes bago ako niyakap. I hugged him back even though I’m still catching my breath. Hinawakan niya ang mukha ko at binigyan ako ng sweet and slow smack. When his lips touched mine, it seems like I just got my first kiss. It always feels the first time all the time.

DANA’s POV

“Tol, natagalan ka ata!” sigaw ng isang varsity player. Pinagmasdan kong mabuti ang taong approaching, it’s really Tristan. Buti at dumating na siya dahil may napakahalagang bagay akong sasabihin sa kanya.

“Napaaga lang kayo eh!” he said habang sinalo ang bolang ipinasa sa kanya.

“Ganyan na ba kapag may hot girlfriend?”

“Tangina niya tol!” medyo galit na sabi niya.

“Tol! May violation na si Tristan oh! Piso! Piso! Bawal ang bad words! Pagsabihan niyo nga!” sabi ng isang kaibigan niyang afro ang buhok.

“Dapat isang daan kapag nagviolate ang team captain!” sabi ng isa na nakabungisngis.

“Edi bibitaw ako.” Simpleng sagot niya.

“Biro lang ho!” sinigawan siya malapit sa tenga ng isang kasama niya. Bakit ba ganito kasakit sila magbiro? Ganyan na ba ang uso ngayon?

Nakita kong bumayad nga si Tristan. Okay rin ang rules ng varsity no? Saludo ako! Mula sa tinataguan ko, lumapit ako sa kanila.

“Excuse me? Pwede makausap si Tristan sandali?” tanong ko at naghiyawan ang mga kasamahan niya pero hindi ako nailang.

“Tol, pakisabi kay coach may kausap pa ako!” sigaw niya sa mga players na pumasok na sa loob locker room.

“Hi Couz! Kamusta?” bati ko sa kanya.

“Ayos lang, ikaw? Ba’t ganyan ang mukha mo?”

“May sasabihin sana ako sayo…”

He crossed his arms na parang handa nang making sa sasabihin ko.

“Next month, pupunta sa Cebu sina pinsan at ang boyfriend ko na step brother niya. Kung ayaw mong mawala si pinsan sayo, pigilan mo siya.”

“Ha? Bakit? Anong meron? ” nalilitong tanong niya.

“Boyfriend ko lang sana ang pinapapunta para sa business meeting pero dahil gusto ni Tito na maging kasosyo sa negosyo ang mga ito, ipapakilala niya si pinsan para ipagkasundo sa pangalawang anak ng mga Terez.”

“Ipagkasundo?”

“Kapag nangyari yun, baka walang magawa ang girlfriend mo kundi ang sundin ang daddy niya.”

“Alam kong hindi papayag si Lara dun.”

“Walang magawa si pinsan kapag si Tito Lans na ang kalaban.”

“Hindi pwede yun!”

“Huwag mo rin sasabihin ‘to kay pinsan dahil kapag nalaman niya at susumbatan niya si Tito, mas malaki ang gulo. Pilitin mong huwag siya sumama. Hindi kami pwedeng pumigil sa kanya dahil kami ang malalagot kay Tito.”

Hindi nagsalita si Tristan pero halatang namomroblema ito.

“Tol, pinapapasok ka na ni coach!” tawag sa kanya.

“Alis na ako…” nagmamadali kong pagpaalam.

“Teka lang couz!”

Umalis na ako bago pa niya ako pigilan. Paglabas ko sa gym, nakita kong naghihintay si Ian sa loob ng sasakyan. Nang pumasok ako, may kinakausap siya kaya tumahimik muna ako. Matapos yun, kumunot na ang noo niya at hinampas ang steering wheel.

“Oh sungit? Bakit?”

“Gagawa daw ako ng paraan para sumama si Eunice.”

Nang marinig ko yun, lalong bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko kayang isiping ikakasal si pinsan sa taong hindi niya mahal.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
|1-22-15|

Miss PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon