Kyla's POV"Nasaan si Kylie!?" Hysterical na saad ni Mama sa akin.
Natahimik ako sa sarili habang nakaupo sa gilid. I thought she won't noticed but I was wrong. She knew that I wasn't Kylie, and yes, I am Kyla! Ina ko nga naman siya.
She gave birth to us, so she will be the first to notice who's Kylie and Kyla!
"What are you planning, Kyla? Nasaan ang kakambal mo at bakit mo pinakawalan? Anong klaseng kapatid ka? Did you messed up everything again!? Alam ko naman na gusto mo si Enzo noon pa. Pero hindi siya para sa 'yo kung 'di para sa kapatid mo! Hindi mo ba nakikita iyon, Kyla! Hindi kayo bagay ni Enzo!"
Lumabas na 'ata ang lahat ng tutuli sa tainga ko dahil sa sigaw niya.
I tried to act unaffected but the heck! Kung ganito lang din palagi ay mas gustuhin ko pang bumalik na lang sa Paris at doon na maniharan mag-isa!
"Nasaan ang kapatid mo, Kyla!?"
Napatitig agad ako sa malaking mata ng ina ko. Napalunok ako sa sarili at pilit na inaayos ang boses ko.
"Ahm, she was suppose to be back yesterday, Mama, p-pero hindi ko alam kung bakit wala pa siya." Yuko ko.
"What?!" Padabog na tugon niya.
"At sino raw ang kasama niya? Sino!? Dios santisima kayo! At ikaw!" Turo nang hintuturo niya sa akin.
"Umalis ka na rito! You're not suppose to show up here in the island, Kyla! Dapat sana hindi ka sumama rito! Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na hindi ka kailangan dito! O, ano ngayon? Kasalanan mo ito!"
Sinapak na ni Mama ang ulo ko at napasandal ako sa dingding ng kwarto. Tumayo na ako at agad na kinuha ang maleta ko sa gilid. My heart is crumbling inside me.
Wala na ba talaga akong halaga para sa kanya? Ina ko siya, at kahit papaano ay anak niya rin ako. Hindi ba pwedeng kahit awa man lang ay maipakita niya? Hindi iyong nakamamatay na salita!
Mabilis kong pinunasan ang luha ko. Mabilis ko rin na nilagay sa loob ng maleta ang lahat ng gamit ko rito.
"Get out of here and I don't care! Hindi kita anak! Wala akong anak na traydor at ahas! Huwag mong agawin ang para sa kapatid mo, Kyla! You are coveting your twin's husband!" Lakas na sigaw ni Mama at natulala ko.
Parang ingay ng kampana ang dumagundong sa tainga ko.
Coveting? Am I coveting Kylie's husband? Kabit ba ako?
Nilingon ko agad si Mama at pilit na tinatagan ang sarili ko. Durog na durog na ang puso sa mga sandaling ito at panay na ang patak ng luha ko sa harap niya.
"Hindi ako kabit, Mama. . ." paos na boses ko at pahid nang luha sa pisngi.
"I'm not coveting someone's belongings—Hindi ako 'yon. I am just a substitute, Mama. . ." garalgal na boses ko.
Nanlaki lang din ang mga mata niya at mas namaywang nang tinitigan ako.
My tears are constantly flowing like there will be no more tomorrow for me. For all my life, I have never experience a mother's love from her. Uhaw ako sa pagmamahal na galing sa kanya. Uhaw ako sa atensyon at pag-aaruga niya. I never complain and I just obeyed her. Inisip ko kasi na balang araw ay mapapansin niya rin ako. Na balang araw ay mapapansin niya na may anak pa siyang isa maliban kay Kylie.
Noong nilayo nila ako at pinatira sa Sorrento ay parang gumuho ang mundo ko. Kylie started her career at that time in showbiz. She became famous and I was forgotten. . .
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Substitute Bride(MBBC#5) ✅
RomanceMatured content Under the Mondragon Billionaire's Boys Club This is MBBC #5 Is your wedding day supposed to be the happiest day of your life? Well, not if you happen to be the substitute bride! On her twin sister's wedding day, Kyla Eva Fuentabella...