"Nayyyyyyy!"
Isang nakahihindig na panaginip ang gumising sa akin ngayong umagang ito. Ang panaginip na hinding hindi ko malilimutan dahil ito ang sumira sa masaya at makulay na buhay ko. Matindi na ang pagkalumbay ko sa aruga aking mga magulang. Hanggang ngayon ay nag-aalab pa rin sa aking puso ang paghihiganti sa mga nilalang na walang awang pumaslang sa kanila.
Nagdesisyon akong lumabas muna ng aking munting tirahang bulaklak upang damhin ang presensya ng mga taong paru-paro dito sa aming komunidad na pinaniniraharan ng mga alipin sa kaharian. Ang tawag sa amin ay Kampensina, kami ang pinakamababang uri ng mga taong paru-paro o mga Fairouah sa aming kaharian na tinatawag na Lepidoria. Ang bawat isang antas sa lipunan ay tunay na may katang-tanging pagkakakilanlan, kaming mga Kampensina ay may asul na pakpak na siyang namumukod tangi sa iba.
"Morphie!?" masayang bungad sa akin ni Kelly. Napansin ko na may dala dala na siyang mga kagamitan dahil magsasaayos kami ngayong araw ng halaman sa hardin ng palasyo. Kami ang naatasang gumawa noon dahil may sapat kaming kaalaman pagdating sa mga ganoong uri ng gawain.
"Handang-handa ka na ngayon ah!?" nakangiting saad ko dito.
Wala nang tao sa paligid at nakakasigurado ako na ang lahat ay nagtungo na sa palasyo kung saan na ninirahan ang reyna upang gawin ang kanilang kinamulatang trabaho.
"Para saan pa ba!? Halikana't magmumog ka muna ng iyong bibig gamit ang tubig sa dahon ng mansanas bago tayo tuluyang tumungo sa palasyo," utos nito sa akin.
Marahil ay naamoy niya ang hindi kaaya-ayang hangin na nagmumula sa aking hininga.
Binuka ko ang dalawa kong asul na pakpak at lumipad papunta sa puno ng mansanas upang kumuha ng kaunting tubig upang ipanglinis sa aking bibig. Iniwanan ko muna si Kelly sa kinalalagyan niya upang ayusin muna sandali ang gamit na dala-dala nito.
Nang makarating ako sa puno ay agad kong tinutok ang aking bibig sa mga butil ng tubig na tumutulo mula sa puno ng mansanas. Minumog ko ito at matapos ay iniluwa sa aking tabi. Paalis na sana ako ngunit may biglang nagsalita sa gilid ko. Maliit ang boses niya at sobra pa ang pagkamalat nito.
"Ang fresh mo ngayon baklang taong paruparo!" nagulat ako sa nagsalita na isang kulay puting Langgam sa harapan ko.
"Shhhh!" pagpapatahimik ko. Baka kasi may makarinig sa kanya. Hindi nga ako masyadong showy dahil hindi tinatangkilik sa kaharian namin ang pagiging isang bakla. Hindi ko alam ang sapat na dahilan kung bakit mahigpit na ipinagbabawal ang ganoong kasarian ngunit lubos ang aking pananalig na balang araw ay lahat ng kasarian na mayroon sa aming mundo ay magkakaroon ng pagkapantay-pantay.
"Malalaman din nila iyan soon, waititit ka lang diyan!" huling salita nito sa akin at umalis na.
Ay grabe siya! Dapat ba akong kabahan sa tinuran niyang iyon?
"Mophie, tara na! Hinahangin na naman ang isip mo, kausap mo na naman iyang mga baging," pang-aaya sa akin ni Kelly.
"Gaga!" sagot ko sa kanya at lumapit sa kinalalagyan nito.
Binuka namin ang mga asul naming pakpak at nagsimula nang lumipad patungo sa aming dakilang Palasyo.
Ibang pakiramdam talaga ang naidudulot ng preskong simoy ng hangin sa himpapawid. Kahit wala pa akong almusal ay busog na ako sa mga magaganda at maliliit na insektong nakikisabay sa aming paglipad. Ang kakaibang tanawin dito sa kaharian ng Lepidoria ay tila isang paraiso kung susumahin.
"Morphie!? Kailan mo ba ako liligawan? Nais ko na ding magkaroon ng mga munting supling katulad ng mga ibong maya," biglang ani ni Kelly sa akin habang nakatingin sa bandang kaliwa niya kung saan masayang lumilipad ang isang pamilya ng mga ibong tinatawag na Maya.
BINABASA MO ANG
The Insectia War
FantasiLong before, the land of Insectia was united and had no divided kingdoms that separate the kind of Butterfly and Moth Humanoids until the greediness of power arises. The two-winged humanoid specifies formed two kingdoms with each has one God to wors...
