Chapter 2: The Gift

6 1 0
                                    

Morphie's POV

Hindi pa man din sumisikat ang araw ay maagang nagsibangon ang taong nahihiran dito sa kaharian ng Lepidoria ang dahilan nito ay magkakaroon ng engrandeng kaganapan sa palasyo dahil ngayon ang araw nang muling paglabas ng Reyna sa kanyang silid upang magpakilala sa lahat ng Fairouah.

Ang lahat ay may kanya kanyang ginagawa sa oras na ito at naghahanda ng mga iaalay para sa reyna. Ako ay humanap kagabi ng mga kakaibang prutas upang gawing alay ngunit hindi ako mismo ang magdadala nito sa altar kung hindi si Kelly dahil mga babae lamang ang nararapat na magbigay ng alay.

Iba't-ibang mga prutas ang aking nakuha at lubos ang aking pagkatiyak na ito ay magugustuhan ng reyna. Habang nakaupo ako dito sa labas ng aking munting tuluyang bulaklak ay napadako ang aking paningin sa mga Chrysalis na nakasabit sa mga halaman, malapit na silang maging isang taong paru-paro. Sila ang isa sa pag-asa ng aming kaharian kung kaya't dapat lamang na sila ay pagkaingatan.

"Iyan ba ang ilalay mo sa mahal na reyna, iho?" salita ng isang ale sa gilid ko. Nilingon ko siya at nakita kong si ate Indang ito. Ang isa sa matatandang Fairouah sa Village namin.

Nginitian ko siya at sumagot, "Opo."

Umupo naman siya sa kabilang kahoy at humarap sa akin.

"Kakaiba ka talaga sa mga binatang Fairouah dito sa village natin. Ikaw ay halos gawaing pambabae ang iyong nakahiligang gawin, samantalang ang mga ka-edad mo naman ay nandoon sa gubat, sumasalok ng tubig at nagtatanim ng mga prutas at gulay," mahabang wika nito sa akin.

Hindi naman sila bulag upang hindi mapansin ang kakaibang gawain ko kaya hindi ko sila masisisi. Hindi naman nila alam na bakla ako kaya ayos lang iyon.

"Hehe. Ganoon po talaga, Nay. Magkakaiba po talaga ang nais gawin ng mga pa-edad na Fairouah," nakangiting sagot ko dito. Matapos ay pinagmamasdan lamang ako ni ate Indang sa aking ginagawa. Ibinuhol ko ang laso sa basket at tinabi iyon sa gilid.

"Kitang kita ko sa mga kilos mo ang yumao mong inay," biglang wika nito habang pinagmamasdan ng kanyang singkit na mata ang bawat pagkilos ko. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaunting kirot sa tinuran niya pero ayokong lamunin pa ako ng lungkot.

"Opo."

"Hanga nga ako sa iyong bata ka dahil napakabait at ang tatag mo pa, " wika niya. Nakakahiya naman, pinupuri na ako ni Ate Indang nito.

"Kailangan po iyon, Nay. Alam niyo po na nag-iisa nalang ako sa buhay. Kailangang tumayo sa sariling paa," nakangiting sagot ko.

"Oh siya, nobya mo na ba ang dalagitang si Kelly? Parati ko kasi kayong nakikita na magkasama," usisa nito sa akin.

Hindi ko inaasahan na itatanong niya sa akin iyan. Nakakaloka! Gusto kong masamid ngunit wala namang laman ang aking bibig. Hehe!

"Hala, hindi po. Magkaibigan lang po kami ni Kelly. May iba pong natitipuhan iyon," depensa ko. Tumayo ako at pumitas ng bunga ng gintong Alitiris at sinubo ito dahil nakakasuka ng kaunti ang tanong ni Aleng Indang. Hindi ko maisip na aasawahin si Kelly. Kutusan ko pa iyon e.

"Oh bakit napasubo ka ng prutas? May nasabi ba akong hindi maganda?" pag-aalala nito.

Nilunok ko muna ang prutas bago sumagot. "Naku, wala po Nay. Nakalasa lang po ako ng pait sa lalamunan ko kaya ako pumitas ng prutas."

"Ah...akala ko ay kung na pano kaya na diyan," saad nito. Sana ay hindi niya mahalata ang pagiging malambot nelie ko. Ay ano ba iyan, nilalamon na talaga ako ng espiritu ng kabaklaan pero ayos lang naman sa akin iyon.

The Insectia WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon