Si Classmate (06)

89 1 3
                                    

Buong araw na nakangiti si Mia. Buong araw na good vibes kahit anong kabadtripan ang sumalubong sa kanya, wala siyang pake, basta MASAYA SIYA AT WALANG KAHIT ANO MANG BAGAY O PANGYAYARI O TAO ANG MAKAKAPAG-CHANGE NG MOOD NIYA. 

Pero Joke lang pala 'yun.

Pauwi na si Mia nang mga hapon na 'yon. Palabas na siya ng main gate ng school nila. Kahit ilang oras na 'yung nakalipas mula noong makipag kwentuhan siya kay Crush, nakangiti pa rin siya. Todo kilig pa rin. Inuulit-ulit niya 'yung kwentuhan nila sa isip niya. 

Okey na sana ang lahat, kaso may nakita siya. 'Yung tipong masakit sa mata at masakit din sa puso. 'Yung nakangiting muka ni Mia, napalitan ng "WTF look". 

Paano ba naman kasi, saktong paglingon ni Mia, nakita niya si Roi na may kasamang babae. Okey lang naman 'yung msgkasama eh. Malay mo friends lang talaga, kaso, ang saya saya nilang dalawa eh. Kung makatawa si Roi wagas. Mas malakas 'yung tawa niya ngayon, kesa nung kakwentuhan niya si Mia kaninang umaga.

MIA'S POV

Shet! Sige tumawa kayong dalawa! Mabilaukan sana kayo. -.- Ay, joke, 'yung girl lang sana 'yung mabilaukan, 'wag si Crush. Tssssss. Eh Mia, bakit ka ba nagseselos? Crush mo lang naman si Roi ah. Hindi naman kayo. At isa pa, wala kang pag-asa diyan noh. Langit siya, center of the earth ka. 'Yung kaninang usapan niyo, 'yung kaninang "date" hahaha.. gaga.. 'Yung kaninang kwentuhan niyo, isa lamang friendly gesture 'yun. Kasi, diba, muntikan ko na siyang mahalikan. Kaya naman.... Waaaaaaaaaaaaaaa.. MUNTIKAN KO NA PALA SIYANG MAHALIKAN KANINA!! #$%^

ROI'S POV

Si Mia ba 'yun? Oo nga! Teka... Hindi 'to pwede.. Narinig kaya niya 'yung solid kong tawa? Tengene... Baka mamaya kung anong isipin niya! Sheeeet!

"Uy! Una na ako."

"Saan ka naman pupunta?"

"Malamang uuwi na."

"Sus, parang kanina lang lakas ng tawa mo eh, tas uuwi na agad?"

Habang kausap ko 'yung ka-group ko, saktong dumaan si Mia sa harap namin. Ni hindi man lang namansin. Imposible namang hindi ako nakita nito. T_T Ang bilis pang maglakad. Selos kaya 'to? hehe.. Asa ka naman Roi -.- Pero bakit, gusto ko siyang habulin? Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Kaso, para saan naman 'yun?

Mia's POV

Wew! Buti nalang magaling akong magpigil! Kundi baka nakaskas ko na sa semento 'yung muka nung babaeng 'yun! Bwahahahahaha! Haaaaay... Sana habulin ako ni Roi noh... Nyahahahaha.. 'Yung tipong "Wait, let me explain. It's not what you think." Ahahahahaha! Mia, umayos ka nga! Sa panaginip lang 'yan mangyayare. Pasalamat ka nalang na naka-usap mo siya kanina. :D Matutong makuntento. ^_^

Malapit na si Mia sa dorm niya nang biglang may humila sa kanya. Napasigaw siya ng sobra, at muntikan na rin niyang masapak 'yung humila sa kanya.

"Teh! Kalma lang!" Sabi nung humila sa kanya.

"Gaga ka talaga!"

"Hahaha! Sorry!"

"Sapakin kaya kita..."

"Sige nga!"

"Joke lang! Haha. Oo pala, kanina sa first subject, wala pala tayong pasok?"

"Ay meron!"

"Tsss..."

"Kaya nga dinretso ka na 'yung pag-absent diba? Hehe"

"..."

"Teka. Wahahahahaha! Pumasok ka noh?"

"Malay ko ba kasi. :p"

"Mia, ilang beses 'yun sinabi ni ma'am! 'Di talaga 'to nakikinig! Palibhasa kasi, distracted ka masyado kay Roi! Wahahahahahaha!"

"Gaga! May ikkwento pa naman ako, pero 'wag nalang. :p"

"Sows! Ano naman 'yung teh?"

"Eeeeh!!! Si Crush!!! <3"

"Oh? Bakit si crush?"

"Kinausap niya ako kanina!!!!"

Nagtilian 'yung dalawa with matching talon at holding hands. 'Yung kinikilig lang. Hahahaha. Naiimagine niyo ba? lol Kinwento ni Mia ang lahat lahat ng nangyari noong araw na 'yun. Hampasan nalang silang magkaibigan. Matapos ang ilang minutong kwentuhan, natapos din ni Mia ang kwento niya.

"Ikaw na teh! May napapala rin pala 'yang pagiging aanga-anga mo minsan."

"Ang sakit naman niyang term mo! :p"

"Sus, joke lang naman!"

 "Pero may point ka... Wahahahaha!"

Hindi rin nagtagal, nagpaalam na rin sa isa't-isa.

Lumipas ang ilang linggo, walang pansinan si Mia at Roi. Tambak na kasi ng school works at projects. Kung magkakasalubong man si Roi at Mia, hindi sila nagpapansinan. Ewan ko kung bakit, nagkakahiyaan ata. Nagkabistuhan na kaya? Malay ko. Pwedeng oo, pwede ring hindi.

=========================

Ang ikli lang, tas ang corny pa nung update.. hahahaha.. Ang tagal pa bago nag update.. patawad po!! ang dami po kasing ginagawa sa school eh... At ang dami ring nangyari sa buhay ko.. wahahahahaha..

SALAMAT PO SA PAGBABASA!! 'Wag po sana kayong magsawa... :)

Sorry po sa mga typo at wrong grammar... 

Si ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon