Si Classmate (08)

74 0 0
                                    

Alam mo 'yung pakiramdam na, 'yung sikretong pinaghirapan mong itago, eh sa isang idlap, lahat ng effort mo, wala na? 'Yung sikretong pinagka-ingat ingatan mo eh, alam na nung taong involved, at ang masaklap pa dito ay, ikaw pa mismo 'yung umamin sa harap niya. Ang tanga lang noh? Hahaha. Parang yourself is your own enemy na rin ang dating.

"Waaaaaaa! Ayokoooo naaaaa!! T__T"

"Ang o.a mo lang teh? Kalma lang!"

"Eh paano ako kakalma? How? Tell me! Alam na niyaaa tol! Alam na niya! Hindi na niya ako papansinin forever! T__T"

"Eh kasalanan mo rin naman noh! haha :p"

"Ako? Kasalanan ko? Well.. In a way.. Hahaha! Eh ikaw? Ni hindi mo man lang ako pinigilan! T_T NAKAKAHIYAAAAAA!!!"

"Excuse me, ang layo layo ko po sa inyo, pasalamat ka nga binigyan ko kayo na 'quality time' eh, at isa pa, Mia, hindi na uso ang "hiya-hiya" kay crush noh! 'Yang pangyayari na 'yan, ang dami daming gustong umamin diyan sa tabi-tabi, ang dami-daming gustong dumating 'yang panahon na 'yan, tas ikaw? Reklamo reklamo ka pa?" (pagpasensyahan niyo na po, may pinaghuhgutan ako eh.. lol)

Habang natitimang si Mia, at nagpaplano ng mag-suicide, hahahaha, joke lang, ayun si Roi, parang nakalutang sa ere, daig pa 'yung nakahithit ng weed... sa sobrang saya niya... lol joke.. v^_^ JOKE LANG PO! Bad 'yun mga bata. Hintayin niyo nalang ma legalize sa ating bansa.. Hahahahaha! Hala, JOKE LANG TALGA 'YUN! BAD TALAGA 'YUN! Kaya nga rated pg-13 ung part na 'to diba? parents strongly cautioned.. ahahahahahaha! sorry... babalik na po tayo sa story... 

Ayun nga, si Roi, sobrang saya lang niya, paano ba naman kasi, hindi siya makapaniwala si sinabi ni Mia, kaso nagdadalawang isip siya. Paano kaya kung sobrang lasing lang talaga ni Mia kaya niya nasabi 'yun? Pero naisip din niya, kapag nga lasing 'yung isang tao, doon lumalabas 'yung mga totoo niyang nararamdaman, kasi lumalakas 'yung loob niya. Imposible rin naman na hindi mo alam 'yung ginagawa mo sa mga oras na 'yun, siguro, may mga part na may makakalimutan ka, pero kapag pinaalala sa 'yo, maaalala mo rin. Pero, para kay Roi, bahala nalang, bahala nalang kung ano 'yung mga susunod na pangyayari.

Lumipas ang ilang araw at may pasok na sila Mia. Hindi kaklase ni Mia si Roi sa araw na 'to, kaya naman medyo kalmado siya at bukas nalang siya magpapaka-stress. Pero hindi pa rin siya maka get-over sa mga pangyayari noong isang gabi.

Habang naghihintay si Mia ng next class niya, naisip niya na sa ibang lugar muna siya tumambay. Paano ba naman kasi, naalala niya, na kaharap lang ng next room nila 'yung room nila Roi, mahirap na eh, baka makita niya si Roi tas kung ano pa 'yung gawin niya. Baka mapatalon siya sa building ng di oras. Hahahaha! 

Pagdating ni Roi sa classroom nila, naka-lock ang pinto, ibig sabihin noon, walang instructor, at wala ring Mia na nakatambay sa tapat ng room nila. Nalungkot naman daw siya. :( Kaya naman, naisip nalang niya na umuwi nalang, pero, sa ibang daan siya dumaan, hindi doon sa usual na dinadaanan niya. Ewan niya pero, parang may force na humihila sa kanya papunta doon. Hindi kaya 'yun 'yung force ni Mia? (haha. Ang corny ko..)

Dahil nga malakas din ang trip ni tadhana, malakas mang-asar, ayun, ang napiling pag-tripan ay sina... Oo, tama kayo... Ang galing niyo ah! APIR! hahaha..

Roi's POV

Nasan kaya 'yung babaeng 'yun? Absent kaya? Sayang... Hahahaaaaaaay... Te..teka.. Siya ba 'yun? Tangina, oo nga siya nga!! Nice one... Gago, pagkakataon mo na 'to... Umamin ka na... Ito, malapit na kami sa isa't-isa.. Kaya mo 'to...

Mia's POV

Siguro kapag nandito ako, hindi ko siya makikita... Hehehehe... *dramatic pause* Ay #$%^! Si Roi ba 'yun? T___T Ay shet, siya nga!! Kalma lang teh.. Kalma, ngitian mo hah! Ngiti! Hahahaha! Ay $%^& hindi ko 'to kayaaaaa...

Tama, hindi nga niya kayang harapin si Roi, umiwas siya ng daan, 'yung pa-obvious pa. Biglang liko lang teh? 'Yung nagkatitigan na nga sila ni Roi, tas biglang umiwas? Anong drama 'yun?? Kaasar noh? Sampalin niyo na 'yung author nito. Game.

"Te...teka..." 'Yan nalang 'yung nabulong ni Roi. Bakit biglang umiwas si Mia sa kanya? Kung kelan handa na siyang umamin, kung kelan pinagtagpo na sila ng tadhana, tsaka naman doon umiwas 'yung isa.

"Teh, ang bobo mo! Tanga! Ayun na oh! Nakangiti na sa 'yo 'yung tao eh! Umiwas ka paaaaa!! Pinalagpas mo nanaman 'yung pagkakataon!!!! BADTRIP!!!" Hindi po 'yan monologue, pasigaw pong sinabi ni Mia 'yan. Natauhan nalang siya noong naramdaman niyang nasa tapat pala siya ng bukas na pintuan ng isang classroom at nakatitig sa kanya 'yung mga students at 'yung instructor. Wahahahaha! Wala nalang siyang nagawa kundi gawin ang "walk of shame."

Habang nagmamadaling maglakad si Mia...

Natapilok siya...

EH KADI JOKE LANG!! Hahahahahaha!

May humawak sa balikat niya...

'Yung instructor nung klaseng binulabog niya, pinapapunta siya sa deans office...

EH KADI! JOKE LANG ULIT! Hahahahahaha!

Habang nagmamadaling maglakad si Mia, may humawak sa balikat niya. Sabay sabi ng,

"Mia, saglit..."

====================

Sinipag akong mag-upload ngayon eh! Hahahaha! Ano ba kasing meron ngayon? (Feb 14) Thursday lang naman diba? What is so special about this day? Ahahahahaha.. Ang bitter...

Salamat po sa mga nagbabasa ng story ko! 'Wag po sana kayong magsawa! Ipagpatawad niyo na rin po na, malakas ang trip ko kaya kung ano-anong bagay 'yung mga nilalagay ko... Pero, salamat salamat po talaga.. :)

Sorry po sa mga typo at wrong grammar... 

Si ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon