Si Classmate (11)

81 0 3
                                    

Sa hindi inaasahang pangyayari, bigla nalang naramdaman ni Mia na naiihi siya. Okey na sana 'yung moment nilang dalawa ni crush eh, kaso ayun, na-eewan nanaman siya. Tumayo nalang siya bigla tapos ang careless lang ng mga kilos niya. 'Yung tipong pahalatang pinipigilan 'yung kakiligan tapos dinidivert nalang sa ibang bagay 'yung kakiligan? Hahaha.. Ang gulo..  Pero at least, maiiwasan niya 'yung awkward silence. Pero kahit na, sayang pa rin.

"Saan 'yung CR? Hahaha!" Parang ewan lang si Mia nung tinanong niya si Roi eh. Natatawa siya tapos pulang-pula. Pa-obvious talaga. 

"Doon lang.. " Sabay turo naman si Roi, napaisip siya, na baka, na-weirduhan si Mia sa sinabi niya kaya nag change topic nalang bigla.

"Sa..salamat.." Sabay takbo naman si Mia sa CR. Hindi na rin niya napansin na nalaglag 'yung planner niya. Actually, tinawag pa siya ni Roi para ipaalam na nahulog 'yung planner niya, pero ayun si Mia, deadma lang.

Malulungkot na sana ng tuluyan si Roi , kasi nga akala niya, naiilang na sa kanya si Mia. Napaisip siya na baka, mali 'yung ginawa niya. Sana tumahimik nalang siya at hindi nalang nagsalita. Sana hindi nalang niya hinabol si Mia at niyayang magkape. Pero bigla nalang siyang... Hmmmm... Ganito kasi 'yun.. Nung nahulog ni Mia 'yung planner niya, bumukas 'yung planner doon sa part na may bookmark. May nakadrawing doon, tapos may nakasulat sa gilid. Noong una, mejo na-slow pa si Roi, pero, ayun, bigla nalang siyang napangiti. Pinulot niya 'yung planner tapos, kinalkal niya 'yung bag niya para humanap ng ballpen, tapos, may sinulat din siya doon sa gilid nung drawing.

Habang si Roi, enjoy sa pangengealam sa planner ni Mia, ayun naman si Mia sa CR, nababaliw na ata. Kinakausap niya 'yung sarili niya sa salamin. At habang pinapakalma niya 'yung sarili niya, bigla nalang siyang may naalala...

"Matagal na kitang gusto Roi... ^_^"

"MATAGAL NA KITANG GUSTO, Roi"

"MATAGAL NA"

"M.A.T.A.G.A.L"

Kung kelan nga naman akala mong okey na ang lahat, bigla ka nalang may maaalala na mga bagay-bagay. 'Yun nga pala 'yung main reason kung bakit siya napadpad sa ibang tambayan, 'yun din 'yung rason kung bakit niya nakita 'yung ex niya na matagal na niyang kinalimutan, at 'yun din ang rason, kung bakit sila magkasama ni Roi ngayon.  Nag-effort si Mia na iwasan si Roi, pero anyare? Magkasama naman sila ngayon. hahahaha... Tadhana nga naman. Kahit anong gawin mong takas, wala kang kawala.

Mia's POV

WAAAAAAAAAAAAAAA!!!! MIA!!! Paano ka na lalabas ngayon? Dito nalang kaya tumira? Wahahaha.. Bakit naman kasi ngayon mo pa naalala 'yun eh! UGHSSSSSSSSS!! Tignan mo, todo effort kang iwasan siya, pero nasaan ka ngayon? Nagkakape ka kasama siya! T_____T Ano ng tingin niya sa akiiiiiiiin??? Ano 'yung sinabi niya kanina?? Hint ba 'yun na 'wag na akong umasa sa kanya??? T_________T NAKAKAHIYAAAAAAAA...

Dahil nga, walang pake si Mia sa paligid niya kapag na-eewan siya, nagulat nalang siya nung may lumabas doon sa isang cubicle. Maganda 'yung girl, mahaba 'yung buhok, may dreads din, parang si Roi.

"So...sorry... Hahahaha!" Hiyang-hiya na nagsorry si Mia tapos, sabay labas nalang ng CR. Walk of shame nanaman. Tsk. Hahahaha.

Sakto naman na natapos na ni Roi 'yung dinrawing/sinulat/pangengealam niya sa planner ni Mia. Saktong pagdating ni Mia, nakalapag na sa table ung planner niya.

"Nahulog mo 'yung planner mo kanina... :)"

"Ayyy.. ganun ba? haha.. sa..salamat.."

"Walang anuman! ^___^"

"Ba..bakit ang saya mo ata?? Haha"

"Wala lang.. hahaha"

Si ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon