Si Classmate (04)

77 1 0
                                    

Haaaaay! Ito nanaman ako, LATE. -.- Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, wala pa atang araw na maaga akong nakarating sa school. Sakto pang nakalimutan ko ung id ko ngayon. Badtrip! Ang habang proseso nanamam nito.

Ito na. Palapit na ako sa main gate. Sisitahin nanaman ako nung guard. Noong isang beses nga muntikan na akong hindi pinapasok eh. 'Yung ayos ko daw kasi. Tang ina lang!

Tuluyan na sana akong mababadtrip nang biglang may dumaang babae sa harap ko. Ang bilis ng takbo niya. Sabay natapilok, hahaha.. Laughtrip nga eh! Kaso 'di nalang ako tumawa. Mahirap na. Baka maasar sa akin eh.

Si Mia. 'Yung astigin na babae. Siya 'yung natapilok. hahaha. 'Yung babaeng tawa ng tawa. Naalala ko noon, basta dumaan ako sa harap nilang magkaibigan tatawa na 'yan. Ewan ko nga kung bakit eh. Noong una naiirita ako, pakiramdam ko kasi pinagtatawanan nila ako. Minsan nga na co-conscious ako eh. Di kaya dahil sa porma ko? hahahaha..

Ang bading pare.. hahahaha..

Meron nga 'yung isang beses na tinitigan ko siya eh. Para tumahimik, kairita na kasi. Hahaha.  Effiective naman, tumahimik nga. Pero 'yun 'yung unang pagkakataon na nakita ko siya ng harap harapan. Ewan ko kung anong nangyari nung mga oras na 'yun. Napangiti nalang ako bigla sa kanya.

Lumipas ang ilang araw at doon ko nlng napansin na sa tuwing nakikita ko siya napapangiti nlng ako. Noong una, inisip ko lang na baka nakakahawa  'yung good vibes niya. Kaso, hindi eh. Nahulog na pala ako sa kanya. Hahahahaha. Tangina! Ang baduy! hahaha..

Ngayon, nakalimutan din ata niya ID niya. At himala, late ata 'to ngayon.

Hindi ata niya alam nasa likod niya ako eh. Tumingin ka nga dito. hahaha.. Hindi kita nakita noong parade eh. hahaha..

♪Di ko man lang napansin ang iyong pagdating

Daig mo pa ang isang bagyong namuo sa malayo

Ihim ng hangin biglang nag-iba

Sinundan pa ng kulog at kidlat

Sa biglang buhos ng iyo sa akin

Ako'y napakanta♪

O.o

♪Lintik na pag-ibig

Parang kidlat

PUSO KONG TAHIMIK NA NAGHIHINTAY

BIGLA MONG GINULAT♪ 

Tangina!!!!! Nagkatotoo nga!! Tumingin nga siya! Muntikan ko na siyang mahalikan. SAYANG!! ahahahaha. Gago Roi umayos ka.. Gago, konti nalang 'yun ah. Hahaha..

"Uy, ayos ka lang?" Tinanong ko siya. Mamaya kasi mas lalo akong di pansinin nito. Mamaya aklain niyang manyak ako. Di pa nga ako umaamin, basted na agad. Hahaha..

"Ah, hahahaha.. Oo" Chill niyang sagot sa akin. Astig talaga 'tong babaeng 'to.

"Ah, buti naman.. hahaha" Akala ko nagalit eh. Buti nalang tumawa. Hahaha. Tutal nakausap ko na rin siya sa waks, bakit di ko pa sulitin? haha

"Sa tingin mo, aabot ba kaya tayo?"

Ang tagal niya bago sumagot. Naisip ko baka nga na weweirdohan na sa akin 'to eh. Tapos may narinig nalang akong tawa.. sabay sabi ng,

"Hindi ko nga alam eh.. Bagal nilang kumilos oh!"

Wow... Di ko akalain ma mag-uusap kami. hahahaha.. Akala ko hanggang tingin nalang ako.. hahaha.. Mia, kung alam mo lang...

Di rin nagtagal, nagkaroon ng AWKWARD SILENCE.

“ehem”

Ahahahahaha… Loko talaga ‘tong babaeng ‘to. Style nga naman. hahaha. Roi, bilis! Topic… Mag-isip ng topic…

“Ammm, kamusta pala ‘yung ano, parade niyo noong isang araw?”

Ano ba ‘to… Ang bulok naman ng naisip ko… -.-

“Ayy, hindi ka ba nanood? Haha!”

Nanood ako… -.- Ang aga ko kaya doon… Edi, hindi niya ako nakita doon? Ang tangkad ko hindi niya ako nakita? Hahahaha… Eh bakit nga ba niya ako hahanapin? Sino ba naman ako? Hahaha.. Gago ang drama…

“Nanood ako… May inaabangan kasi ako eh..“

“Talaga? Sino naman ‘yun? Uuuuy!”

“Ah… Basta… Haha…”

“Sino? Crush mo ‘yun noh?”

Galing manghula nito ah! Hahahaha.. OO! Pero kilala mo ba ‘yun Mia? Malamang hindi… Wala naman akong pinapakitang motibo sa ‘yo eh… -.-

“Ah… Secret… Hahahaha”

Hindi ko kasi kayang aminin sa ‘yo eh…

“Sus, echosero… Hahaha”

Okey na sana ‘yung kwentuhan namin, kaso, bigla naman siyang tinawag nung student assistant… sayang… wrong timing… tsk...

“Uy, Mia, ikaw na ‘yung next.” ‘Yun nalang ‘yung nasabi ko… Pre occupied ata ‘tong babaeng ‘to.. Hindi nakikinig… Hahaha.. Di kaya nag-enjoy masyadong kausapin ako? Hahahaha.. Libre lang namang mangarap eh.. haha..

Nasa panig ko ata ung tadhana ngayon. Hahaha. Akalain mo magkatapat pa kami ng upuan.. hahaha..

"Akin na 'yung student pass mo"

Ang ganda talaga niya. Haha

"Oist! Student pass mo.."

Uy! Ngumiti siya sa akin! Yihee! Ahahahaha

"GAGO NAMAN ROI!!! Akin na ung #$% student pass mo!" Pasigaw na sinabi nung student assistant...

Di ko napansin, kinakausap na pala ako nung kabarkada ko.

"Gago ka rin ah! Oh saksak mo sa baga mo!!" Sabay inabot ko sa kanya ung pesteng student pass..

"Sus.. nanjn lng si Maria Kristina eh.. bwahahahaha"

"Tssss.. Marinig ka nyan eh.."

"Bakit? Ayaw mo siyang magalit? hahaha"

"Ulol.. Bilisan mo ngang kumilos!"

"Sa ‘yo ko ata dapat sabihin ‘yan gago! Isang taon na Roi, torpe ka pa rin"

“Tssss.. Bilis na!! Ayusin mo ‘yang trabaho  mo… Di ka pinag-aaral ng libre ng school para mang gago”

“Napikon ang loko… Oh.. Student pass mo! Saksak mo sa baga mo!”

“Gago…”

Ah, si Elyon pala ‘yun… Kabarkada ko… Gago talaga ‘yun eh…

Oo, Maria Kristina ‘yung buong pangalan ni Mia… Hahahaha… Naalala ko nung sinabi niya sa “introduce yourself” portion noong first day of classes na ayaw niyang tawagin siyang, Maria o Kristina… Masyado daw kasing pang dalagang pilipina ‘yung dating.. di daw bagay sa kanya.. hahaha.. Kaya Mia nalang daw… Oo, natandaan ko pa ‘yun…

Teka, nasaan na siya? Ang bilis namang maglakad nun? Tae mo Elyon… Kapag di ko nahanap si Mia, sisisihin kita ng sobra sobra…

YES! Ayun siya!!! Mia! Saglit! Ayoko ng palagpasin 'tong pagkakataon na 'to. Susulitin ko na talaga.

“Tara, sabay na tayo Mia… ^_^”

 ===================================

:D Maraming maraming maraming salamat po sa pagbabasa!!!

Sorry po sa mga typo at wrong grammar.

Si ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon