Si Classmate (12)

74 0 0
                                    

Mia's POV

Mr. Dreads?? T___T Diba siya rin 'yung babae sa CR kanina? Malamang narinig niya ako. Malamang baka alam niya rin na si Roi 'yung tinutukoy ko. Hindi kaya girlfriend siya ni Roi? T____T WAAAAAAA!! Nililigawan? Ka-MU? Malibog na Ugnayan? Hahahaha! Eeeeeeh... Mia kasi! 'Wag assuming! Aalis na ba ako? Oo? Tignan mo naman kasi, bagay na bagay sila oh! Sus, porke't nakadreads lang silang dalawa bagay na agad? Pa dreads ako bigla eh.. Wahahahaha..

At, ayun nanaman, nag t-trance nanaman si Mia, nasa sariling mundo nanaman niya siya. Nakatitig lang siya dun sa kandila na nasa gitna nung table nila, malamang, nagtataka na si Roi kung napano na si Mia. Kakausapin na sana ni Roi si Mia, pero lumapit bigla 'yung babae sa kanilang dalawa.

"Oh, tapos na kayo?" Masungit na pagbati ni Roi doon sa babae. (naaaaks, ang lalim nun ah.. hahaha)

"Ummm, no, may solo si Marc eh.. :) So, I decided to go here muna." Sabay humila ng upuan tapos tumabi kay Roi.

Mia's POV

'Yung guitarista ba nila 'yung tinutukoy niya? To go here muna? To make gulo-gulo? To make palandakan na sa 'yo si Roi? T____T Ikaw na ang taglish... Ikaw na ang kikay... Ikaw na ang mahal ni Roi.. Sige.. T__T Magsama kayo.. Okey lang akoooo... Okeeeey lang akooooo.. (kinanta ni Mia sa isip niya 'yung Okey lang ako by PNE.. baliw lang eh... kung makadrama parang sila lang ni Roi. Hahahaha)

"Anyare sa kanya? Hahahaha!" Sabay turo nung babae kay Mia.

"Ahhh.. Ammmm... Trance stage? Laging ganyan 'yan eh... Haha"

"Parang kanina lang sa CR! She's like talking to herself! Hahahaha!"

"Umayos ka nga.."

"Oh, so pinagtatanggol mo siya? Hahahaha! I find it cute nga eh."

"Tssss..."

"No! Really! I'm serious! Kasi diba, she's so praning sa CR kanina, paglabas ko dun sa cubicle, she's like so nagulat, nag-sorry pa nga siya sa akin eh. and so nagtaka naman ako kung napano siya, tapos, sinundan ko siya palabas, tapos akalain mo 'yun! Kasama mo pala siya! At ayun! Alam na kaya siya nagkakaganun, kasi KASAMA KA NIYA! Hahahahaha! Kaya naman, naisip ko na kantahin 'yung song na 'yun kasi..."

"Oo.. alam ko.. Mapang-asar ka kasi talaga."

"Duh! I'm like helping you na nga to get her eh... :p"

"Tssss... Oh sige nga, anong sinabi niya sa CR kanina?"  Biglang nawala 'yung pagkasungit ni Roi.

"Hahahaha! Secret kuya! :p"

KUYA

K.U.Y.A

K   U   Y   A

(nag echo pa 'yan sa isip ni Mia eh..)

"KUYA?!?!" Biglang natauhan si Mia nung mga sandaling 'yon.

"Ah, oo.. Sa kasamaang palad..." Pang-aasar na sagot ni Roi.

"Grabe ka naman! Hmpf! ..... Hi! Ako pala si Kath, "little sister" ni Roi.  ^_^ And you are?" Inalok niya 'yung kamay niya para makipag shake hands kay Mia.

"Mia..." Tameme mode lang si Mia habang nakikipag shake hands kay Kath.

"MIA?!? MIA?? REALLY???" Napasigaw naman si Kath.

"Ah.. Oo.. "

"OH MY GOSH!! Ikaw pala si Mia! Good job kuya! Good job!! Hahahahaha! Alam mo si kuya kasi.."

Sinipa nalang ni Roi si Kath, kasi alam na niya 'yung mga susunod na sasabihin nito. Ganito kasi 'yung dapat na sasabihin ni Kath kay Mia kung hindi lang siya napigilan ni Roi:

OH MY GOSH!! Ikaw pala si Mia! Alam mo si kuya kasi CRUSH KA NIYA!!! 

Pero buti nalang, napigilan ni Roi. Ay, sana pala hindi nalang noh? Para magkaalaman na, ang tanga kasi nitong dalawang 'to eh. Pakiramdaman lang talaga ang trip.

"OUCH!!! Ish! Kuya I hate you! Ang sakit noon ah!"

"Bumalik ka nga doon, nanggugulo ka pa eh."

"Eh kuya naman kasi, you're so.. tor..."

"Sige, isa pa... Lagot ka lang sa akin mamaya.."

"Sungit mo talaga! :p Bye Mia! ^_^"

Umalis na nga si Kath at pumunta na doon sa gilid nung stage. Si Mia naman, nahihiya sa sarili kasi, kapatid pala ni Roi 'yun.

"Ang ganda naman nung kapatid mo. Hahaha!" 

"Ay 'yun? Tssss.."

"Buti ayos lang sa parents niyo na naka-dreads kayong dalawa. Haha"

"Hahaha! Oo ayos lang sa kanila, si papa kasi noon, nakadreads din eh.. Haha"

 "Astig naman! Hahaha!"

AWKWARD SILENCE ULIT

Sa kalagitnaan ng katahimikan, biglang nag ring ang phone ni Mia. Nagulat 'yung dalawa kasi, 'yung ringtone ni Mia, pang rockers.. haha.. Kung alam niyo 'yung Bodies by Drowning Pool... 'yun un...

"ATE CALLING"

"Ate? Haha"

"Ayy! Oo.. hahaha! Sagutin ko lang 'to..."

Habang lumabas muna saglit si Mia, napaisip si Roi. Paano kaya kung ngayon nalang niya aminin? Kasi kung hindi pa ngayon, kailan pa, diba? Magpapaka torpe nanaman ba siya? Paano kung hindi na dumating ang ganitong pagkakataon? 

Habang nagpapalakas ng loob si Roi sa loob, nandun naman si Mia, sobrang stressed sa habang kinakausap 'yung ate niya. Paano ba naman kasi, nag surprise visit, at pinapauwi na siya ngayon din. MISMO! So, madali namang pumasok si Mia sa loob nung kopi shop, at nagpaalam na kay Roi. Nag-insist si Roi na sabay na sila ni Mia, kaso si Mia, tumanggi. Okey lang daw siya, at mas kailangan siya ni Kath dun ngayon (chosera. parang di lang pinagselosan kanina eh). Habang kinukuha ni Mia 'yung planner niya, biglang nahulog nanaman ito. Oo, nanaman. Hahahahaha. At sakto, nagbukas 'yun dun sa page kung saan may bookmark at kung saan may drawing si Mia na pinakealaman ni Roi.

Nagulat nalang si Roi kasi, doon pa talaga saktong bumukas eh, dali-dali naman siyang yumuko para pulutin 'yun, pero nagkasabay sila ni Mia na yumuko tapos nagkauntugan pa sila! nyahahahahahaha. na-iimagine niyo ba?? lol

Nang makuha na ni Mia 'yung planner niya, nakita niya 'yung nakasulat doon sa planner niya. Kung tutuusin, wala naman talagang idea si Mia kung sino 'yung sumulat nun, kaso si Roi biglang sabi na.

"Ay! Hahahaha! Wa..wala lang 'yan.. pasensya na.."

Sabi ko nga diba, kung hindi pa ngayon, kailan pa? Ayan, gumawa tuloy si tadhana ng paraan.. nyahahahaha..

===========================

MARAMING SALAMAT PO ULIT SA MGA NAGBABASA NITO!! Salamat po sa suporta ninyo.. :)

oo nga pala, happy 420 po sa mga nakakaalam kung ano un! ahahahahah ;)

 ang ikli lang po nung update, busy busyhan din kasi eh.. hahaha.. pero ayun po.. maraming maraming salamat po talaga, 'wag po sana kayong magsawa... ^_^

(hoy kayet, lol, ito na po ang update... nakita ko ulit siya kanina.. sa picture nga lang.. wahahahahaha)

Si ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon