CHAPTER 15

310 11 0
                                    

YUI'S POV:



"Maaari ba kaming makipaglaro sa inyo ngayon? Ha Miyagi?"



Naloko na.



"Sandali! Baka pwedeng tanggalin niyo ang sapatos niyo" Dali-daling bilin ni Kogure at tinuro pa ang sapatos ng mga bagong dating.



Nakita kong may maliit at kulot na lalaki ang lumapit sa kaniya para pigilan siya. Sino naman ang tao na yun? Bago bang player ng Shohoku?



"Kogure"



"ANO!" sigaw ni Kogure dun sa kanila.



"Pwede kaming makipaglaro sa inyo di'ba? Miyagi?" mapaglarong saad nong lalaking may mahaba ang buhok.



"Teka sino yan?" Tanong ni Kuwata.



"Yan si Mitsui, yung may mahaba ang buhok" sagot ni Kakuta.



"Yan si Mitsui? Sigurado ka? Ibig sabihin siya yung naka-away ni Miyagi." Sasaoka.



Lumapit ako kay Ayako at saka siya hinila.



"YUI!" gulat pang sabi niya. Mas Lalo pa siyang nagulat ng makita ang taong nasa likod ko.



"SENDOH!?" dahil sa sigaw ni Ayako. Napunta na ang atensyon nilang lahat sa'min. Kumaway naman si Sendoh pagkatapos ay nag-hi pa.



"TEKA YUI?? BAKIT MO KASAMA ANG UNGGOY NA IYAN?" sigaw at turo ni Hanamichi kay Sendoh.



"Akalain mo nga naman kung suswertihin. Nandito ka din pala pareng Sendoh" Tama nga ako. Siya ang lalalking humarang noon kay Sendoh. Si Hotta.



"Mukhang wala na naman kayong magawa ah. Ano Hotta" Preskong saad ni Sendoh at nginisian pa si Hotta.



"Teka lang teka lang. Unang una anong ginagawa mo sa school ng Shohoku ha Sendoh? Bawal ka dito" saad ni Kogure.



Hinarap ko si Kogure at itinuro ang mga lalaking hanggang ngayon ay may mapaglarong ngiti sa mga labi.




"Wag mo muna kaming intindihin Kogure."




Dahil sa sinabi ko muling bumalik ang takot at kaba sa mga player ng Shohoku Lalo pa kaming naging seryoso lahat ng walang pakialam na itapon nung lalaki sa gitna ang puspos ng sigarilyo sa sahig ng gym.




"ANO BA ANG HIRAP MAGLINIS NG SAHIG AH" sigaw ni Hanamichi at balak na atang sumugod kung hindi lang siya pigilan nung lalaking nagngangalang Ryota.




"Hanamichi, huminahon ka."




"Nakakatuwa naman pala itong basketball team niyo. Meron pa kayong clown" saad ng lalaking hindi naka-uniporme.




"Anong ibig mong sabihin ha?" Hanamichi.




"Nagpa-practice ang team ng Shohoku ngayon. Baka naman pwedeng umalis na muna kayo dito Mitsui. Sige na" pakiusap ni Miyagi.




"Magpa-practice! Baka naman ayaw mo lang ipakita sa mga kasama mo kung paano ka namin lulumpuhin. Ha, magsalita ka Miyagi" pang-aasar pa ni Hotta.




"Hindi. Ayoko na sanang gawin niyo pa yun kung pwede lang ayoko na sang mapasok pa ulit sa ospital. Maaari mo ba silang isama at umalis na kayo dito Mitsui. Mahalag sa'min ang lugar na ito." Buong mapagpakumbabang sambit ni Miyagi.





Order On The Court (Akira Sendoh)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon