CHAPTER 47

121 12 11
                                    

YUI'S POV:

"Salamat Lord! natapos na din ang exam ngayon sem" bulalas ng isa kong kaklase.




"Teka Yui pupunta ka bang gym ngayon? Nonood ka ng practice sama kami ha gusto naming manood kung pano mag-practice ang Shohoku eh"




Nagkumpulan ang mga kaklase kong lalaki sa table ko. Iinisa-isa ko namang isalansan ang aking libro na nireview bago ang exam namin.




Buti na lang at nakapag review ako ng matino kahit na napakadaming nangyari nitong mga nakaraang Linggo. Sinulyapan ko ang phone ko at naghintay ng text galing kay Sendoh. Hindi ko alam kong nakabalik na ba siya dito sa Kanagawa dahil sa marami siyang inaasikaso. Iniisip din niya ang kakadating niyang pinsan dito sa Japan. Ang tinutukoy ko ay si Kotone.




Tatawagan ko na lang siguro siya pag-uwi kaya sana naman ay wala na siyang ginagawa ng mga oras na iyon.




"Naku Saki pinopormahan mo lang ata itong si Yui eh. Ginagawa mo lang atang dahilan iyong panonood ng basketball para makasama siya"




Agad kong nilingon si Saki at tinaasan ng kilay. Nagtawanan ang mga kaklase ko na nakarinig at ultimo si Matsui ay naki-join na din sa pang-aasar.



"Tigilan mo ko Saki ha baka masapak ka ng kuya ko"




Nag-woah ang mga kaklase ko at tinukso-tukso pa si Saki na ngayon ay todo deny pero ang pisngi ay kasing kulay na ng kamatis. Humalakhak tuloy ako.




"Tara na Matsui, hoy kayo diyan kung sasama kayong manood sa'min bilisan niyo na para may pwesto tayo sa gym"




Agad naman silang nagsi-alisan sa table ko at mabilis na nag-asikaso ng mga gamit. Siniko ako ni Matsui at mapang-asar na nagtaas-baba ng kilay. Ngumiwi ako at hinampas siya ng isang libro.




"Loko ka, ishi-ship mo pa ako sa iba eh no" siya naman ngayon ang humalakhak.




Malapit na ang laban ng Ryonan at Shohoku High. Wala na lang dalawang Linggo  kaya buong school ay nagbibigay ng suporta sa aming basketball club. Kahit na ang ibang sports club ay nakikinood na sa gym para makita kung paano sila mag-practice.




Patagal ng patagal din ay pagaling ng pagaling si Hanamichi. Napangiti ako, naku hindi ko talaga sasabihin sa kaniyang proud ako dahil siguradong lalaki na parang pakwan ang ulo noon.




"Teka ano yon reporter? Ganyan na ba kasikat ang basketball club natin?" Takang tanong ni Aoi na siyang isa sa kaklase ko at makikisamang manood.




Malapit na kami sa gym ng makita nga namin ang isang babae habang may hawak na mic at sa harap nito ay isang lalaking may sukbit sa balikat na malaking camera.




"Hindi ata, naka uniform eh baka club lang din" ani ko.




Mabilis kaming magkaklase na naglakad papunta doon upang maki-usyoso. Nang makalapit ay doon namin nakita at narinig ang sinasabi ng babae.




"At ito na nga po ang nag-iingay sa distrito ng Kanagawa. Ang Shohoku Basketball High, ngayon ay susubukan nating alamin kung ano ang nasa isip ng bawat player ng team na ito. Teka ikaw na lalaking matangkad pwede ka bang ma-interview?"




Nagkatinginan kami ni Matsui at sabay na napangiwi. Sa lahat pa talaga ng tanungin niya ay si Rukawa pa talaga.




Hindi na nga ako nagulat ng snob-in siya ni Rukawa at parang hangin na dinaanan lang ito.




Order On The Court (Akira Sendoh)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon