CHAPTER 46

190 10 29
                                    

YUI'S POV:


Sabay-sabay kaming pumasok sa elevator. At nung sinabi kong kami kasama iyong babae na yumakap kay Sendoh.




"So you didn't answer my question, who is she?" sa wakas ay nabasag din ang katahimikan. 




Pinindot ni Sendoh ang ika 25 elevator call buttons at saka bumalik sa tabi ko. Agad niyang ipinulupot ang braso sa bewang ko at kinuha ang bitbit kong bag. Rinig ko ang mahinang asik ng babae lalo pa ng makita iyon kaya pahaklit niyang kinuha ang maleta na hawak ng bodyguard. Inirapan niya ako bago sumara ang elevator at saka sa gilid tumayo. Problema ng isang ito?




"Huwag mo siyang pansinin." Biglang sabi ni Sendoh ng makitang magkatitigan kami ng babae. Inilapit niya lalo ang katawan niya sa'kin kaya napabuntong hininga na lang ako. 




Nagtataka talaga ako sa babaeng ito. Kanina pa masama ang tingin sa'kin, siguro ay may gusto ito kay Sendoh. Akala naman niya ay may pag-asa siya. Hindi ko mapigilang mapangisi. 




"Ano ba Akirah, sumagot ka nga. Parang hindi ka kinakausap ha" asik ng babae kaya hindi na napigilang mapalingon sa kaniya si Sendoh.




"Bakit ka ba kasi nandito Kotone? At paano mo nalamang andito ako?"




Mayabang na finlip ng Kotone ang kaniyang buhok. "Minamaliit mo ba ang kakayahan ko? Nang marinig ko na hindi na tuloy ang engagement mo kay Rin ay syempre lumipad agad ako papunta dito galing Amerika. Hindi ka ba natutuwa na makita ako?"




Nilingon ko si Sendoh at hinintay ang kaniyang magiging sagot. Gusto ko sanang tanungin siya kung sino ba talaga ang kaharap namin pero ayokong iparinig iyon kay Kotone.




"Kung tinatanong mo kung okay lang ako, nakikita mo naman masaya ako habang kasama ko ang girlfriend ko."




Palihim na nanlaki ang mata ko at tahimik na umubo. Hindi pa namin napag-uusapan ni Sendoh ang tungkol sa bagay na iyon. 




Suminghap si Kotone at binitawan ang maleta. Agad siya naglakad patungo sa'min at masama na naman akong tignan. Napansin iyon ni Sendoh kaya agad niyang hinawi si Kotone kaya napagilid ito. Gusto kong mapailing dahil kung nakamamatay lang ang tingin ay siguradong kanina pa ako dito bumulagta. Namumuro na sa'kin ang isang 'to. Kanina pa masama ang tingin niya, pasalamat siya at nakapagtitimpi ako kung hindi naku.




Buti na lamang ay pag-akyat namin ng ika 17th floor ay may isang lalaki na pumasok sa elevator. Hindi na tuloy nakapagsalita si Kotone na ipinagpasalamat ko. Napatingin tuloy ako kay Kotone dahil nakita ko siyang yumuko at pilit na itinatago ang mukha sa buhok lalo pa ng sulyapan siya ng lalaking kakapasok lang. 




Hindi naman iyon napansin ni Sendoh dahil  pinaglalaruan na nito ang kamay ko na hinahayaan ko na lang. Napakunot ang noo ko lalo pa ng tumalikod si Kotone doon sa lalaki at parang ewan na nagmuni-muni sa likod. Nilingon ako ng lalaki at ginawadan ako ng isang ngiti, mas lalo tuloy sumingkit ang mata ko. 




"Sino ba kasi ang isang 'yan? Paano kayo nagkakilala" bulong ko na lang kay Sendoh.




Inilapit niya ang kaniyang bibig sa tenga ko at mahina ding bumulong. "Mamaya ko na lang sasabihin. Baka kasi nilalamig ka na, hindi ka nagdala ng jacket, paggabi pa naman" 




Napangiti ako ng halikan nito ang noo ko hanggang sa makarating kami sa floor na pinindot niya. Nauna kaming lumabas ni Sendoh habang ginigiya niya ako. 




Order On The Court (Akira Sendoh)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon