ANOTHER LEE MIN HO FANMEET EXPERIENCE
Sorry 'ha, matagal 'di naka-update eh.
Alam nyo naman yung fanmeet niya kahapon sa Greenhills 'noh? Feb. 24, 2015 Geh, Ike-ikwento ko sainyo ang experience ko. :)
It started when Kyochon (para sa mga hindi nakakaalam, ito po'y restaurant which chicken ang most na sine-serve at si Lee Min Ho ang endorser) posted a photo regarding sa pagbabalik ni Lee Min Ho sa Pinas at may contest para mameet and greet siya. Sabi, it is a private event only at exclusive lang sa winners.
Ang mechanics daw ay kailangan mong pumunta/kumain sa branches nila sa SM Megamall, SM Fairview, Greenhills at soon to open na Eastwood branch. Syempre kailangan may mga picture ka na patunay at icocollage mo. Ang 10 winners ay ibabase sa dami ng likes or sa creativity.
Maraming sumali pero marami din ang umapela, isa na rin ako dun. Kasi naman, hindi worth yung pagpunta niya dito kung sampung fans lang yung mamee-meet niya 'diba? Ang unfair lang.
Tapos naman limited din yung chance mong manalo kasi sa dami ba naman ng sumali at kapag natalo ka, sayang effort mo.
Sa una rin, sabi raw ang date ng fanmeet ay Feb. 24, Tuesday. Nag-aalangan din ako kasi may school ako that day at hindi ko siya masulyapan, sayang naman.
Natuwa nga ako nang malaman kong possible venues ay sa Megamall or Greenhills, at sa huli Greenhills na rin. :)
Nagulat nalang ako nung inannounce nang open yung event. Siguro na rin ay gusto talaga ng fans na makita siya. Good news din na free entrance yun. :) Kaso nga lang yung mga winners mas malapit at ang free entrance ay hanggang barikada lang.
May chance pa naman para makapunta sa Lee Min Ho Zone. (tawag doon sa parteng mas makikita si Lee Min Ho ng malapitan.)
Kailangan mo lang ng resibo/pinagsama-samang resibo worth 3k sa pag-kain sa Kyochon from Feb 3-23 at may mga masuswerteng makakakuha ng poster from Lee Min Ho himself.
Di ko pa rin afford yung chance so sabi ko sa sarili ko na makikita ko pa rin si oppa, tiwala lang.
Nung D-Day na, nawo-worry talaga ako kung makakakuha pa ako ng tamang pwesto sa Greenhills.
May pasok kasi ako nun, hindi namang pwede umabsent baka mapagalitan pa.
6pm pa naman ang start ng event.
Nagmadali ako pumunta ng event, as in. Sabi pa nga ng mama ko sa akin, "Baka magka-stampede, mag-ingat ka 'nak". Eto naman ako, buo ang loob na makita si Lee Min Ho.
(BTW, minor pa lang ako. 13 years old. :) )
Nakakainis nga lang, traffic papunta.
30 minutes ang inabot imbis na 20 lang.
Ayun, nung nasa Greenhills na ako nagpapapila pa lang doon sa loob ng barricade. Syempre unahan na ng pwesto at hintay-hintay na lang. Ang lapit lang nung stage, yung feeling mo nasa patron ka lang sa Araneta.
May bigscreen, good deal yun at 1 hour pa ako nun maghihintay.
6PM that time na nang nagsisigawan na ang mga tao sa sobrang excited. Wala pa nga lang ang hinihintay.
After 20 minutes, lumabas na yung host/interpreter na si Sam Oh. Then kinamusta nya yung Minoz.
Pagkatapos, nagsalita yung Vice Mayor ng San Juan (Idk the name sarreh) tapos pinakilala si Lee Min Ho.
Sumigaw na ako nun sa abot ng aking makakaya. Yung tipong walang hiya na. Nayanig na ang Theatre Mall ng Greenhills sa kapogian ni oppa nung lumabas siya.
He wore a dark and sky blue polo, printed black pants and leather shoes.
Binanggit niya ang Filipino words na "Mabuhay, magandang gabi.... Namiss ko kayo."
Nanginginig na naman ang buong katawan ko by that time, parang sabi ko sa sarili ko, "Medic, medic!" Hahahaha.
They had a little conversation. About visiting Philippines, upcoming movie Gangnam Blues and endorsing Kyochon.
Pinagtitinginan ng ako ng tao kasi para akong tangang sigaw ng sigaw.
After the convo, pumunta siya sa katabi lang ng stage na restaurant ng Kyochon para sa Ribbon-cutting ceremony dun.
Pagkatapos, nagbigay na ng posters si oppa at nag-sign ng signature sa table na ginamit nya.
Sabi ni Sam, kakaiba daw yung signature nya!
Kitang-kita ko yung pogi niyang muka kahit may mga harang na gadgets, maraming salamat din sa telescope na dala ko. Yun nga lang wala akong pic at vid man lang habang nasa stage siya, lowbat na kasi cellphone ko at dahil na rin sa mga harang.
Pagkatapos, nameet na nya yung winners. May hug at photo pa, ayos.
Tapos, nagbye-bye na siya at sabay-sabay kaming nag-sabi ng "Saranghae!".
Nag-fireworks bigla sa likod na nagulat ako, ang saya ng gabi na yun.
Nung palabas na ako sa loob ng barricade, nakapulot ako ng malaking poster ni Lee Min Ho. Okay pa naman ang condition. Thank you nalang sa nakaiwan. May nakakita nung pagkuha ko tapos nagpapicture pa sa poster.
Tapos after the event diretso uwi na ako, traffic nga lang kalaban.
This experience will be treasured in my fangirl heart kahit bitin kasi nga halos 30-40 mins lang ang tinagal niya. ♥ At ang next goal ko, makapunta sa BIGBANG con. Kaya #iponing time na.
50 pesos lang po ang dala kong pera noong fanmeet including pamasahe papunta o pauwi. Won't you believe it?
BINABASA MO ANG
Being A KPOP Fan
غير روائيA personal diary to share. Dito ho ako naglalabas ng feels, hahaha.
