BONUS CHAPTER • MY LEE MIN HO FANMEET EXPERIENCE

46 0 0
                                        

BONUS CHAPTER!!

As I've said in my 'In Love With Lee Min Ho' chapter, iku-kwento ko sa bonus chapter yung experience ko noong fanmeet ni Lee Min Ho. :)

Noong February 2014 nung nagpost yung Bench sa Twitter account nila na mag-kakaroon ulit si Lee Min Ho ng fanmeet for the second time pero wala pang date. Para akong baliw at wala sa sarili XD DI ko ma-explain ang feels ko that time. Umiiyak ako at nagtatatalon sa kama. Sabi ko sa sarili ko na pupunta talaga ako at yun ang unang beses na makikita ko ang bias ko. Tapos nung dumating na yung mama ko from work, agad kong sinabi na pupunta si Lee Min Ho dito sa 'Pinas at magkakafan-meet sya. Sabi ni mama sa akin,kapag wala akong bagsak at mataas akong grade,makakapunta daw ako. Sabi ko kay mama kahit yun nalang yung birthday gift ko! 

Tapos nung nag-announce na nung ticket price,sabi ni mama, hanggang Upper Box B lang daw ang kaya nya,pero okay na yun atlis makikita ng dalawang mata mo ang bias mo! Nakabili ako ng invites 5 days before the fanmeet. Pero bago ka makakuha ng invites, kelangan mong bumili sa Bench ng worth P500(Yung sa UpperBoxB Lang) para makakuha ng one invite. Hindi 'pa yun yung actual ticket kasi ipapa-palit pa the day before the fanmeet which is March 20.  Pinilit ko talaga si Mama na bilhan ako ng invites XD Mangiyak-ngiyak na nga ako nun 'eh. 2 yung binili ni Mama . Isa sa akin,isa sa older pinsan ko. Sabi ko nga, Dapat ako nalang mag-isa, eh kaso lang 12 pa lang ako that time.Masyado pa 'daw bata para pumunta ng Araneta ng mag-isa. Nung nahawakan ko na ang invite, naiimagine ko si Lee Min Ho na kumakaway sa buong Araneta tapos ako yung isa dun </3 Basta ang saya-saya ko nung araw na yun.

Noong March 20, the day before the event, pumunta kami ng Araneta kasama nung Tito at kapatid ko para ipapalit ng actual ticket ang invites para sa Upper Boxes A&B. Hanggang 6PM lang yung pagpapa-palit nung invites tapos umalis kami sa bahay, mga 5PM. Mabuti nga't naka-abot pa kami at wala nang pila. 15 minutes before the cut-off kasi namin nakuha yung ticket.

 March 21. Ang araw ng fanmeet. Buti nga't tapos na rin ang SY 2013-2014 ng pagiging Grade 7 student ko at wala na akong pasok.  Nung kinaumagahan, nag-online ako tapos halos laman ng newsfeed ko sa FB ay si Lee Min Ho at ang laman ng tweets sa Twitter ko ay si Lee Min Ho rin.

Dun sa group page naming mga PH Minoz sa FB, may mga nagpost na 5-6 AM may mga nakapila nang tao sa Araneta para sa exchanging of invites sa Patron at Lower Box at para sa Fanmeet kahit 5PM pa magbubukas yung gates ng coliseum.

'Nung umalis na si Lee Min Ho from Seoul, tumataas na ang balahibo ko sa sobrang excitement. Tapos ung pagdating nya sa Pilipinas na supposed to be 11AM, dumating sya 12NN.  Nagtrend pa nga sa Twitter yung pagdating 'nya sa Pilipinas e.

Umalis kami nung older pinsan ko, mga 2PM. 3 hours before. Grabe yung excitement na nadarama ko habang papalapit yung oras.

Nung nakarating na kami, maraming mga Minoz na siguro 18-25 ang age. Feeling ko nga, ako ang pinakabata.

Naalala ko lang na may nagtanong sa'ming magpinsan na mga nakatatanda samin habang nakapila kami sa labas ng Araneta. Sabi nung old guy1 "Sino magcoconcert diyan?"

"Lee Min Ho po. Fanmeet lang" -kami

"Sino. Le Min Hu? Di ko kilala yun Anu ba yun?"-sabi nung lolo

"Koreano po. Si Lee Min Ho po. Di nyo po kilala?" -kami

"Ay. bahala na."

Tapos after 2 or 3 minutes, may nagtanong naman saamin, siguro kasing tanda lang nung papa ko.(43+)

"Miss, may laro ba ng PBA?"-sabi dun sa pinsan ko.

"Lee Min Ho po..Fanmeet."-sagot nya

"Kala ko naman PBA na talaga. Maraming tao eh."

Nagtawanan kami ng pinsan ko pagka-alis nya .

Tapos yung huling nagtanong saamin.

May nakilala din kaming mga Minoz kahit yung pinsan ko hindi fan XD Nung papasok na nga kami sa entrance, sabi nung guard, bawal daw ang pagkain kaya kinain na namin yung mga junk food na binili namin xD Nagshare-share na kami ng pagkain together with other Minoz =) Inubos ko nga yung isang litrong c2 tapos pagkatapos nun sumakit na yung tyan ko!

Nasa 20 minutes din kaming naghintay dun sa entrance, kasi hininto yung pagpapa-pasok. Tapos nung nakapasok na kami, binigyan kami ng tag-isang Lee Min Ho poster.

Sa second floor ung gate nung Upper Box at sakto nung nasa second floor na kami, open na yung gate. Nung pumasok na kami sa loob, mga 5:30 PM yun,may stage dun na may hagdanan, tapos Lee Minho yung nakasulat sa gilid. Ambilis dumami nung tao. Tapos nung naghihintay kami, nagpa-play yung mga kanta na KPOP. Habang naghihintay,napapasing-along ako dun sa kanta!

May natanaw nga ako dun sa may parteng patron na look-alike ni Lee Min Ho eh, kala ko sa una, siya na talaga kasi maraming nagpapa-picture!

Tapos nung mga 6:45, pinababa kami sa Upper Box A  nung mga sekyu, tuwang-tuwa ako syempre! Di ko rin alam kung bakit XD

At 7:00.nasa stage na si Sam Oh, yung MC ng fanmeet pero wala pa si Lee Min Ho. Namili siya ng 10 lucky fans na mula sa patron kasi may game sya na kung ano yung magiging ekspresyon mo kung nandito na si Lee Min Ho,

Nung 7:30, nag-dance number yung Philippine All Stars tapos sumayaw sila ng mga KPOP songs, like 'I Am The Best','Growl' etc.. 

Nagkaroon ng elimination round yung game ni Sam,lima lang yung maswerteng makakayakap at makakaselfie ni Lee Min Ho. 

After ilang minutes, lumabas yung video ni Lee Min Ho nung concert niya last year tsaka yung photoshoot niya. Tumataas na 'talaga yung balahibo ko nun. Pagkatapos ipalabas yung vid,may countdown na 10 seconds.

After 10 seconds, nakita ko na rin ang pinaka-pinaka Ultimate crush ko! Grabe! Tili talaga ako ng tili, samantalang yung pinsan ko, nakangiti lang. Di ko talaga ma-explain yung feels ko 'nun! 

First,tinanong muna siya ng mga tanong, di ko na alam yung mga tanong, wala kasi ako sa sarili ko nun!

Nagsabi sya ng maraming Filipino phrases and words! Kagaya ng, "Gusto ko, akin ka lang!","Namiss ko kayo!","Mahal ko kayo!","Papakasalan mo ba ako?" and many-many more! May mga video ako nung nagsalita siya ng tagalog kaso ang layo nya saakin! Nagturo din sya ng famous line niya sa The Heirs na 'Do I like you' in Korean tapos nagturo naman si Sam nung tagalog nun.

Ang swerte nung nakayakap at nakaselfie sa kanya! Uwaaaaah! Kapag ako yun, feeling ko lutang na ako. Masaya ako sa kanila!-- They're lucky ones!!

After nun, kumanta siya ng 'Painful Love' , OST ng The Heirs, pagkatapos niya mag-perform, kumaway siya dun sa part namin! Grabiiiiii! Sabi ko sa sarili ko, "Panaginip ba ito?"

Nag-announce din si Sam Oh na magkakamall-tour si Lee Min Ho sa Trinoma,Glorietta at MOA. Sa palagay ko naman na hindi na ako papayagan kasi sigurado 'nyan crowded ang mall! Okay lang naman saakin na hindi ako makapunta ng mall-tour.

Tapos na yung fanmeet. Kahit mabilis lang yung fanmeet, naku nag-enjoy ako! 

Pag-labas namin ng Araneta, sabi nung pinsan ko,muka daw bading si Lee Min Ho sa personal,depensa ko naman na ganun 'talaga ang mga Koreano,mapuputi tsaka mukang babae!

Pag-uwi namin,bigla akong nag-online, tapos trending si Lee Min Ho Worldwide at Nationwide. Grabe, umuwi ako ng full of joy and happiness <3

Masaya lang sa aking feeling na nakapunta ako sa fanmeet ni Lee MIn Ho, inaasahang magkaka-world tour sya in the end of the year starting September. Di pa 'man nasasabi na kasama ang Pilipinas na pupuntahan niya, na-eexcite  pa rin ako kasi baka pumunta siya dito! Mag-aaral talaga ako ng mabuti this year para magka-top ako at bigyan ako ng VIP ticket ni eomma :3

 

Being A KPOP FanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon