V.I.P Treatment
Familiar ba kayo sa Bigbang?
Ito ay isang theory na pinag-aaralan sa Science
at Ito ay isang TV sitcom sa America.
Pero sa mga KPOPPERS, ito ay isang boy group.
Nakilala ko ang Bigbang noong 2010 dahil sa isang epi. ng 2NE1 TV. Nung nagpakilala sila, ang unang tumatak sa utak ko ay si Seungri at si Taeyang. Tsaka na-coconfuse pa ako sa mga faces nila. Nalilito nga ako dati kina Daesung at Taeyang eh. Pano ba naman kasi ang cute ng mga eyesmiles nila :)
Noong March 2012 nang tuluyan kong makilala ang Bigbang. Grade 5 ako nun. Kasi nag-kwekwentuhan kami nung kaklase ko tapos sabi 'nya "Uy Pauline! Panoorin mo yung Fantastic Baby yung sa Bigbang! Napanuod ko sya sa MYX. Ganda nun!". Tapos inabangan ko rin sya sa MYX. Ang astig ng Vid! Tapos na-LSS ako. Nung kinabukasan, laman ng utak ko ay 'Dance, whooo-oo,I wanna dance dance dance dance!'. Tsaka ang 'Fantastic Baby' ang una kong napakinggan na kanta nila.
Nung naman na nagka-cellphone na ako noong October 2013, napanuod ko sa Youtube yung 'Haru Haru' kasi nandun si Park Min Young tapos dinownload ko yung kanta agad-agad. Tapos naging curious ako dun sa mga 'the best' songs nila. Ang dinownload ko naman ay yung 'Blue'.
Naging V.I.P ako last January lang. Ang Bias ko ay si T.O.P . Dati talaga wala pa talaga akong pake sa ibang members pero nung summer, naging hardcore V.I.P na ako, alam nyo ba na may 82 songs ako na BIGBANG sa cellphone ko? XD Yung halos 50% ng kanta ko sa cellphone ay halos sila ang laman :) Naniniwala talaga ako sa kasabihan na "Once you become a Blackjack, you're already a V.I.P or vice-versa.".
Marami akong natutunan sa kanila. Sa buong grupo, natutunan kong maging matatag sa mga pagsubok. Kada member may mga natutunan akong lesson.
Kay G-Dragon, natutunan kong maging ako at maging 'One of a Kind' Kay Seungri, natutunan ko ang pagiging confident, kay TOP, natutunan ko maging different at wag maging 'go with the flow' lang,kay Taeyang naman natutunan kong maging dedicated sa mga ginagawa ko at lastly with Daesung, natutunan kong maging masaya sa mga ginagawa ko.
Proud V.I.P! We are V.I.P Bigbang is V.I.P!
A/N: Guys, ilang linggo nalang pala, birthday na ni GD at 8th Debut Anniversary na ng Bigbang! Yoohoo! Kelan kaya comeback nila? Abang-abang nalang! Basta ngayong taon! At pag-pray nyo na sana pag nag-world tour sila next year kasama ang Pilipinas! That's all for now!

BINABASA MO ANG
Being A KPOP Fan
No FicciónA personal diary to share. Dito ho ako naglalabas ng feels, hahaha.