KPOP Merchandise
Sino bang KPOP fan ang hindi gustong magkaroon ng KPOP Merchandise,diba wala?
Sa ngayon, marami-rami naman yung sakin. Let's enumerate.
• 7 posters (P60 nagastos ko,yung iba kasi buy-one take-one.)
• 1 Personalized nametag (P25)
• 2 pins (P40 in total)
• 1 ID Lace (P50)
• 1 tumbler (P100;exchange gift kasi sakin)
• 1 baller (P18)
• 1 t-shirt (P150;binili ni mama)
Marami na rin 'noh? Lahat yan galing sa baon ko. Except with tumbler and t-shirt. Mahirap din maghanap ng merch pero siguro maswerte ako kasi may KPOP store na malapit sa school namin.
Pero ang hinahangad ko pa rin ay isang album. Kasi minsan naglalaman yun ng mga chenes na photobook, polaroid pic,etc.
As a student, kay hirap pa yung mahangad! Siguro rich kids makukuha nila agad-agad o kaya yung mga adults.
Ang kailangan lang naman ay mag-ipon nang may disiplina. Kunwari P50 ang baon mo each day, itabi mo yung P10-15 pesos as ipon mo. Hindi mo namamalayan na kada linggo, may P50-75 ka na! In 3 mos, mayroon ka nang P600-900. Kung EXO-L ka, makakabili ka na ng Overdose album. (P800)
Pero ako, nag-iipon naman pero ayaw ako payagan ng parents ko na bumili ng album.
Kuntento na rin naman ako kasi kahit papano, yung binibili ko may muka naman ni bias o ng bias group.
But I promise if I have my own work, I'll buy albums! (Kung may comeback pa kaya ang bias group after 10 years XD)
A/N: Short update muna, promise babawi talaga ako!
BINABASA MO ANG
Being A KPOP Fan
Non-FictionA personal diary to share. Dito ho ako naglalabas ng feels, hahaha.