Pagkagaling sa eskwelahan,libre na ang mga bata para maglaro buong araw.Hindi tulad ngayo,mas stressed our pa sila sa matatanda dahil sa mga nakaschedule na academin subjects review,piano lesson,computer tutorial,ballet class,basketball training,painting session at marami pang iba
Simple lang ang buhay noong araw.Simple lang ang konsepto ng mga bata sa salitang "paglilibang".Solb na sila sa traditional games.
Naalala mo pa ba ang tumbang preso?e yung taguang bato?agawang panyo?,takip silip,luksong lubid,hilahing lubid,chinese garter,jackstones,trumpo,saranggola,softball,siyatong piko,at sungka? Lahat ng mga larong to 'e nangangailangan ng equipments o materials.pero no problemo,mga mura lang 'to,at karamihan e bagay na pwede mong makita sa basuahan o bodega n'yo.
Meron ding mga mas matipid na alternatives,talagang wala nang gastos.Eto yung patintero,taguan,pung,habulang daga,doctor kwak-kwak,open the basket,touch the color,luksong baka,luksong tinik,pitik bulag,jack en poy (na tinatawag ngayong bato bato-pik),sawsaw-suka,at yung mataya taya--isang uri ng larong habulan para sa mga batang gustong tumakbo nang tumakbo hanggang hikain sila.
Bukod sa tanching,anduan din yung mga larong pwedeng tawaging Sugal For Kids,gaya ng goma,tex at play cards,at marbles na to.Ang totoo,hindi mo na kailangan bumili sa tindahan para maranasan ang thrill ng pusahan.Dahil pwede mong ilaban sa kalog ang mga bagay na tulad ng balat ng sigarilyo balat ng candy,at tansan ng mga bote ng beer,softdrinks,toyo,at patis (tip:magandang pamato ang mga tansan ng patis!
--------------------
Cut....
BINABASA MO ANG
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?(By BOB-ONG)*ON HOLD*
RandomPara sa: Mga Pilipino Half-Pilipino Ex-Pilipino Part Time Pilipino At illegal aliens na may pambili ng libro. Itong kasulatang ito ay isunulat ng magaling na author na si Bob-Ong Hindi ko pa ninanakaw ito,shineshare ko lang po sa inyo para sa mga wa...