Bob-Ong#2

3.8K 9 0
                                    


Wala sa likod,wala sa harap,pagkabilang kong ng tatlo nakatago na kayo
Isa...

Dalawa...

Tatlo...............

.......Game?

(Sisigaw naman ang isang tanga: "Game!" ---siya kadalasan ang laging unang nakikita.

Hindi rin maalis sa mga bata ang away at pikunan pag naglalaro.Normal lang sa kanila ang mapikon at hindi matanggap ng pagkatalo.At dahil alam ng bata ang kahinaan ng kapwa niya bata,dito nya ito tinitira.

Dawang batang naglalaro ng pitik bulag:

Bata 1:hahaha,Burot!

Bata2: E,ano ngayon?

Bata 1:(kakanta )nama-maga yung ka-may mo sa pi-tik!

Bata 2:(kakanta)hin-di na-man-ma-sakit!(sabay palo sa kalaban)

Bata 1:aray ko! Bat nakapalo ka? (Gaanti nang mas malakas pang palo,sabay takbo)

Bata 2:(kakanta)hin-di na-man-ma-sakit!hindi-naman-ma-sakit!

Bata 1:iiyak na! iiyak na!

Bata 2:(kakanta) Hin-di-naman-ma-sakit!Hin-di-naman-ma-sakit!(pipiliting ngumiti)

Bata 1:(kakanta ng malakas)IIYAK NA!IIYAK NA!

Bata 2:kakanta pa rin)HIN-DI-NAMAN-MA-SAKIT!(himihikbi na)HINDI-NAMAN-MA-SAKIT! (Sabay hagulgol) HOOO-HOOO....KALA MO,SUSUMBONG KITA SA NANAY KO!,(sisinok sinok)HINDI KA NA MAKAKAPUNTA SA AMIN,HOOOO-HOOOO.... (Uubo-ubo pa...)

"Yan ang problema.pag meron nang iyakan,dyan na papasok ang matatanda.Tapos na ang kaligayahan.Umpisa ng ang sermon.Walang katapusang paluan at pangaral.Gumagawa ng batas ang mga magulang pa ra sa mga anal.Sari-Saring kaparusahan ang ipinapataw sa pagdidisiplina.

-----------------------------------

Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?(By BOB-ONG)*ON HOLD*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon