Kung anu-anong pananakot at pang-uuto ang sinasabi,tumino lang ang bata.Sino ba sa atin ang hindi tinuruang matakot sa "mamaw"?at sino ba sa atin ang hindi pinagbawalang bumili ng junk foods sa sari-sari store?Pag bumili ka sa tindahan,gamnito ang sasabihin sayo ng nanay mo:
-Limabas ka na naman,di ba pinapatulog kita?!
Pag sinabi mong natulog ka na,sasabihin sayo:
-saan ka na naman nakakuha ng pera?!
Pag sinabi mong bigay ni tatay:
-bakit hindi mo na lang inipon,ano ang binili mo?!
Pag sinabi mong laruan,sasabihin niya:
-laruan nanaman.wala ka namang makukuhang sustansya diyan!
Pag sinabi mong chichiria,sasabihin niya:-chichiria nanaman,di naman nakakabusog yan!
Pag sinabi mong prutas,o masustansyang merienda,sasabihin niya:
-Lumabas ka pa,may pagkain naman sa kusina!
Kitams?wag ka nang humirit,wala kang lusot kay nanay.
----------------
Sorry kung maikli :D bawi ako next chapter :)
BINABASA MO ANG
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?(By BOB-ONG)*ON HOLD*
RandomPara sa: Mga Pilipino Half-Pilipino Ex-Pilipino Part Time Pilipino At illegal aliens na may pambili ng libro. Itong kasulatang ito ay isunulat ng magaling na author na si Bob-Ong Hindi ko pa ninanakaw ito,shineshare ko lang po sa inyo para sa mga wa...