Conyo namn ang kabaligtaran ng mga jologs.Eto yung mga kabataang may sinabi sa buhay,di nagsusuot ng mga damit na peke,di nanonood ng mga pelikulang tagalog,at di alam kung ano ang"Champoy".sinasabing sila ang mga conyo,ang nagpauso ng salitang jologs.para tukuyin ang mga taong laging nakiki-in pero out parin! Ngayon,kung saan naman nanggaling ang salitang conyo at kung bakit ganito ang tawag sa kanila,hindi ko na alam.Napakabilis ng wikang Pilipino mamunga ang mga bagong saLita,dahil na rin siguro sa likas nating pagkamalikhain.Isipin mo na lang ,meron pala tayong natatagong scientific terms,hindi natin alam. Eto,Subukan mong tagalugin ang mga sumusunod:
1.Effective
2.Handicraft
3.Multiplication
4.Bone
5.Seed
6.Radiation
7.Soil
8.Land
9.Chemical Reduction
10.Oxidation
11.Nimbus cloud
12.High tide
13.Fog
14.Cloud
15.Electricity
16.Electromagnet
17.Electroflow
18.ElectricField
Hirap' no?
Siguro hindi mo pa nababalitaan yung tungkol sa librong "Pangkabataang Ensayklopedya Agham at Teknolohiya".Tinutukoy dito na ang salitang "effective" ay hindi na kailangang tukuyin bilang "epektibo"Sa wika natin ang " effective" ay "Mabisa".
Ganon din, ang handicraft e hindi "Handikrap" kundi "gawang kamay".ang multiplication ay hindi "multiplikasyon" kundi "Pagpaparami.
BINABASA MO ANG
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?(By BOB-ONG)*ON HOLD*
RandomPara sa: Mga Pilipino Half-Pilipino Ex-Pilipino Part Time Pilipino At illegal aliens na may pambili ng libro. Itong kasulatang ito ay isunulat ng magaling na author na si Bob-Ong Hindi ko pa ninanakaw ito,shineshare ko lang po sa inyo para sa mga wa...