Kabanata 4

32 8 0
                                    

Savina

Lumabas ako ng aking kwarto nang matapos mag-impake ng ilan kong damit at kakailanganin sa condo. Kinakaladkad ko pababa sa hagdan ang dalawang maleta nang mapahinto ako sa huling baitang dahil ang nagmamaganda at nagmamabait kong madrastra ay nakahalukipkip habang nakangising pinapanuod akong nahihirapan.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kahit ano pa'ng gawin mo, hindi mo ako mapipigilang umalis."

Uminit ang ulo ko nang takpan niya ang bibig saka mahinang tumawa, feeling niya yata ay siya si Maria Clara, pero ang totoo si Doña Victorina ang kahawig at kaugali niya—mapagpanggap. "Sino ba'ng may sabing pipigilan kita? Masaya nga ako na aalis ka, dahil sa wakas ay masosolo ko na itong mansyon." Humawak siya sa kaniyang tiyan at marahang hinimas ito. "Magsisimula kami ng bagong pamilya... at hindi ka kasama."

Pasimple kong ikinuyom ang aking mga palad. Ayokong ipakita sa kaniya na naaapektuhan ako sa sinabi niya. "This is all yours. Hindi na ako makikipag-agawan sa katulad mong"—pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa—"puta, na kailangan pang lumandi sa mayaman para umangat sa kahirapan." Nginisian ko siya saka tumingin sa kaniyang tiyan. "Magsisimula ng bagong pamilya, my ass! Five years na kayong nagsasama ng Daddy ko na asawa ng Mommy ko, pero wala pa rin kayong nabubuo. You wanna know why?" Hindi siya sumagot, masama lang ang titig sa akin. "Because you are a barren woman," may diin kong sabi, saka ginaya ang tawa niya kanina. "Adios, mi madrastra." Pinaseryoso ko ang tingin sa kaniya, at umirap pa bago siya talikuran.

Nang makarating sa garahe, basta ko na lang inihagis sa backseat ng Everest ang mga maleta saka sumakay. Napamura ako nang hindi ako pagbuksan ng gate ng guard, gusto ko man itong banggain na lang ngunit alam kong hindi kakayanin ng sasakyan sapagkat gawa sa bakal at matibay na materyales ito; Kaya sunod-sunod at malakas na lang akong bumusina—patibayan kami ng eardrums.

Mayamaya pa'y napansin kong kinuha ng guard ang wireless telephone na nakasabit sa pader, pagkasagot ay lumingon siya sa gawi ko at panay ang tango. Nang matapos siyang makipag-usap, wala pang limang minuto nang buksan niya ang gate. Napangisi at napailing na lang ako nang mapagtanto kung sino ang tumawag.

That fucking bwitch really wants me to leave.

Pakiramdam ko ay may nagliliyab na apoy na bumabalot sa akin dahil sa sobrang inis, huminto muna ako sa convenience store na madalas kong puntahan upang magpahupa ng galit.

Isinuot ko ang hood ng beige kong jacket at clubmaster sunglasses saka pumasok sa loob. Dumeretso ako sa dulo upang kumuha ng kahit anong malalamig na inumin refrigerator. Nang maubos ko ang isang beer in can, isinunod ko naman ang soft drinks, energy drink, at tubig. Inilagay ko ang mga ito sa basket saka dumampot ng kung ano'ng makita sa shelf: breads, junk food, instant noodles, shampoo, at kung ano-ano pa.

Habang naghihintay sa pila, nakatanggap ako ng text galing kay Daddy. As usual, alam na niya ang nangyari, naisumbong na ako agad—at sigurado akong dagdag-bawas na naman ang kwentong dumating sa kaniya.

     "Seven hundred and eighty-six pesos po, ma'am." Walang lingong nag-abot ako ng isang libo sa cashier dahil nire-reply-an ko ang sermon ni Daddy. Imbes na makipagtalo ay tinaggap ko na lang ang kasinungaling sinabi sa kaniya. Itinulak ko raw ang 'asawa' niya. Hindi ko na ipinagtanggol ang aking sarili, wala rin namang magbabago kahit sabihin ko ang totoo—hindi niya rin ako paniniwalaan.

Lumabas na ako sa store nang mai-send ang text, at nang makasakay ay mabilis kong pinaandar ang kotse. Gusto ko nang makarating agad sa condo upang itulog na lang itong naghalo-halong nararamdaman ko.

     "Nasa'n 'yung mga binili ko?" Mabilis kong nilingon ang back seat mula sa rearview mirror, at ang passenger seat. "Oh, mierda." Napahampas ako sa manibela. Nasa cellphone ang atensyon ko kanina kaya hindi ko napansing naiwan ko roon sa convenience store. Kaya siguro may naririnig akong sumisigaw kanina, ako yata ang tinatawag. Pero kung balak niya talagang ibigay sa akin, sana hinabol niya ako bago pa ako makaalis.

PIS #3: His Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon