Kabanata 28

42 7 1
                                    

Savina

And I chose to stay. But I don't know if I made the right decision. I chose to stay here rather than come home and solve my problem. I just... I don't know. I'm not yet ready. I still don't know what I'm going to do. I still don't know what to say to Daddy. And one more thing—I don't want to leave. Not yet.

Nag-e-enjoy akong manatili rito. Ang sarap sa pakiramdam, para akong nagbabakasyon. Masaya kahit na nakakapagod. Si Bryan kasi panay utos. Sanay na ako sa mga pinapagawa niya pero hindi ko pa ring maiwasang hindi mainis sa tuwing uutusan niya ako. Tulad kanina, balak kong bumalik sa pagtulog nang pagkatapos mag-almusal, pero pinaghugas niya ako ng pinggan; pinagdilig ng mga halaman; nagpatulong mag-harvest ng mga gulay na ititinda ni Nanang sa palengke; at nang pagsapit ng hapon, nag-igib ng tubig. Hindi man ako ang nagbuhat ng mga timba, ngalay na ngalay naman ang braso ko kapa-pump.

     "¡Mierda!" Parang huminto ang tibok ng puso ko nang may humila ng inuupuan kong rocking chair mula sa likod. Akala ko tuluyan na akong babagsak. "Siraulo ka ba? Pa'no kung malaglag ako?" naiinis kong tanong nang makita si Bryan na nasa likuran ko at mapang-asar na nakangiti.

     "Sa tingin mo hahayaan ko 'yon?"

Ibinalik ko ang tingin sa harapan. ¿Que es esto? Ano na naman 'tong nararamdaman ko? Bakit nitong mga nakaraang araw, tuwing napapatitig ako sa kaniya o may sinasabi siya, bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko? Don't tell me— God! No, it's not. Please, Savina, no. Pumikit ako saglit, saka umiling para maalis ang lahat ng iniisip ko.

     "Sav..." Bryan smiled when I looked at him, and the way he called my name sends a jolt through me. Tinawag niya lang ang pangalan ko, ngumiti—pero ang lakas na ng epekto. Simula noon at ngayon, siya pa lang ang nakapagpaparamdam nito sa akin. Tanging siya lang. "Ba't di ka pa tulog?" tanong niya sabay abot ng mug na may lamang kape.

Pabirong Inirapan ko siya, kinuha ang kaniyang ibinigay saka humigop. Muy rico. It's a dark coffee with sugar but it's so tasty. Bakit kaya hindi nila gawing business ito? Pwedeng-pwede makipagsabayan sa big brands coffee shop.

Pinahid ko ang labi gamit ang likod ng palad saka sinagot ang tanong niya. "Pa'no ako makakatulog kung pinainom mo 'ko nito?" Iniiangat ko ang aking hawak.

Aalis kami bukas. Mag-swi-swimming sa falls na nasa kabilang bayan para i-celebrate ang pagka-graduate ng mga bata  (kinder to senior high); mga kapitbahay at kapatid ni Bryan.

Tumaas ang kilay ko nang tusukin niya ang kanan kong pisngi, hinila ang mono block chair at naupo sa tabi ko. "Hindi ka naman tinatablan n'yan."

Mahina akong natawa at sumang-ayon sa sinabi niya. Nasobrahan na yata ako sa pag-inom ng kape kaya wala ng epekto sa akin. Paano naman kasi, simula noon, halos araw-araw akong umiinom nito; limang beses pa sa isang araw. Pero ngayon, hindi na masyado, binawasan ko na dahil sabi nga nila: masama ang sobra. Gusto ko pang mabuhay. Marami pa akong gustong gawin.

I hold the mug with my both hands, sipping while glancing at Bryan. Bigla siyang tumahimik, hindi na nasundan ang sinabi niya kanina at nakatingin na lang sa aming harapan, sa madilim na taniman. Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa katahimikan naming dalawa kahit pa may maririnig na mga kuliglig, mahinang ihip ng hangin na humahampas sa puno't halaman. Ayoko ng ganito. Habang tumatagal na walang nagsasalita, na-aw-awkward-an ako. Ano kayang iniisip niya? Balak ko palang siyang tanungin pero naunahan na niya akong magsalita.

     "Kumusta ka?"

     "Huh?" magkasalubong ang kilay na sabi ko.

May ngiti sa labing humarap siya sa akin. "Halos dalawang taon din tayong 'di nagkita, 'no? Dalawa ba?" Malumanay ang kaniyang boses. "Kumusta ka na?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PIS #3: His Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon