//
"Babe. You ready?" tanong niya habang inaayos ang magkabilang sleeves ng soot na kulay blue na polo.
Lumingon ako sakanya nang nakangiti. Excited na kong malaman kung anong kalalabasan mamaya. Ganito pala ang feeling. Sobrang saya sa pakiramdam.
"Yup. Let's go." sagot ko.
Humawak ako sa kamay niyang nag-aabang na kuhanin ko. Ipinagsaklop niya ang mga daliri namin habang nagsisimulang maglakad palabas ng pinto. I'm so happy with him. With Zion. Para kasing bumalik talaga kami sa dati. Ginawa niya ang ipinangako niya. And I'm really glad na pinatunayan niya ang sarili niya hanggang sa makuha ulit ang buong tiwala ko.
Bago pa man niya mapihit ang door knob ay tumunog bigla ang door bell. Napatingin pa siya sakin na ikinakibit-balikat ko lang. Hindi ko lang kung sino ang pupunta dahil wala namang nasabi ang kaibigan ko na dadalaw siya. Then who else should it be?
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang binuksan ni Zion ang pintuan at bumungad sakin ang walang ekspresyong mukha niya. Gustuhin ko mang tumakbo papasok sa loob ay hindi ko magawa dahil sa higpit ng hawak ni Zion sa kamay ko. Oh my god. Bakit hindi ko naisip 'to? Bakit hindi ko naisip na baka siya yun? Hindi ko na siya naisip. Ibig sabihin ba nun..
"What are you doing here, Kyle?" mariing tanong ni Zion.
Hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mata niyang nakatoon lang rin sakin. Unti-unti iyong bumaba hanggang matigil sa kamay kong nakahawak ng mahigpit sa kamay ng boyfriend ko. Gusto ko siyang tanungin kung anong nararamdaman niya. Gusto ko siyang tawanan kung nasasaktan man siya sa nakikita niya. Pero wala na talaga kong maramdaman. Wala na kong maramdaman pag dating sakanya.
"Ako dapat ang nagtatanong sayo nyan, Zion." Humigpit ang bagang niya pagtapos magsalita. "Anong ginagawa mo dito?" Matigas ang pagkakabigkas niya sa bawat salitang binaggit niya. Wth? Galit ba siya?
Hinigit ko nang kaunti ang kamay ni Zion para iparating na wag nang patulan ang kung ano mang namumuo sa pagitan nilang dalawa. Sht. Kailangan na naming umalis. May appointment pa ako!
Tumikhim ako at dalawang beses pang lumunok bago nagawang magsalita. "U-uhm.. Kyle." Hindi ko alam kung bakit napatigil ako nang banggitin ko ang pangalan niya. Ilang buwan ko na ba 'yong hindi nababanggit? Damn!
Ipinilig ko nalang ang ulo ko sa direksyon ni Zion bago nagpatuloy. "Kailangan na naming umalis. May importante pa kaming pupuntahan."
Ilang segundo pang katahimikan ang lumipas pero wala ni isang nagsalita o gumalaw man lang. Napatingin ako sakanya na hanggang ngayon ay nakatingin sakin bago lumilipat ng tingin sa magkahawak naming kamay ni Zion. Ano bang kailangan niya? Ugh!
"Pre, hindi naman sa pambabastos. Pero kailangan na talaga naming umalis dahil mahuhuli kami sa appointment niya sa OB. Kung gusto mo bumalik ka na lang mamaya." Tuloy-tuloy na pahayag ni Zion.
Nakita ko ang pamumutla sa mukha ni Kyle at halatang nagulat sa mga sinabi ng boyfriend ko. Yes. I'm 2 months pregnant. At kay Zion iyon.
BINABASA MO ANG
It could have been.. Us. (SHORT-STORY)
RomanceCOMPLETED. Mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya na kahit dalawa kaming mahal niya.. Eh ayos lang sakin. Kahit pa ako lang talaga ang nakikihati.. At yung isa ang totoong nagmamay-ari.