C.

290 9 0
                                    

---------------------------

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa pisngi ko. Ugh. I can feel pain all over my body. Ano bang nangyari..

"Hey. Good morning."

Iminulat ko ang mga mata ko nang narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Agad akong napabalikwas ng kama at hinarap ang lalaking nakahiga rin sa kama ko. Oh god, he's topless! No, no.. This can't be..

"Sht." Napamura nalang ako ng nakitang wala rin akong kahit anong saplot sa katawan. Natatakpan lang ako ng comforter ko. Ipinikit ko ng mariin ang dalawang mata ko at pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi..

"Babe, are you okay? Does it hurt?" Umupo na rin siya sa kama at marahang hinimas ang balikat ko. Umiling lang ako at unti-unting minulat ang mga mata pagtapos kong maalala ang lahat. I need to face this.. Ginusto ko rin ito kagabi. Pero sht! Dala lang ng alak yon!

Hinalikan niya ang balikat ko habang iniaayos ang buhok kong nakaharang dito. No.. Tama na yung nangyari kagabi..

Agad akong tumayo habang hatak-hatak ang comforter. Pero mali pala ang ginawa kong iyon. Napaiwas agad ako ng tingin sakanya. Naalala ko, parehas pala kaming walang saplot sa katawan..

"S-sorry.. Kukuhanin ko lang yung robe ko." Mabilis akong nagpunta sa may cabinet at kinuha ang nakasampay kong robe. Tinanggal ko ng marahan ang nakabalot saking comforter at isinuot ang robe.

"Are we okay?" Narinig ko ang mga yapak niyang papalapit sakin. Naramdaman ko kaagad ang yakap niya mula sa likod. Ipinagsaklop pa niya ang mga kamay namin ng sobrang higpit. "I missed you.. I missed this. I missed us.."

Pinaulanan niya ko ng mabibilis na halik sa balikat ko habang nakayakap siya sakin. Marahan ko siyang inilayo saakin at hinarap. Tinitigan ko ang mga mata niyang nagpapakita ng saya. Yung maninipis niyang labi.. Yung mga pilikmata niyang nakakurba.. Yung ilong niyang katamtaman ang tangos.

Huminga ako ng malalim dahil sa naramdaman ko. He's my first love and my first super heartache. Posible bang mahal ko parin siya kaya nangyari yung kagabi? O dahil lang talaga sa alak na nainom ko kaya malakas ang loob kong gawin yun?

"I love you.. I still do, Tiff. And i'm sorry for being an ass. I'm sorry for taking you for granted. I'm sorry for everything.. Please let's make this work. Just this chance.. Just this one." Hinimas niya ang pisngi ko at bingyan ako ng malambot at puno ng respetong halik. Naguguluhan ako.. Hindi ko alam ang nararamdaman ko..

Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakadampi ang mga labi niya sa akin. Do I still love him? Pero.. Paano si.. Oh no.. Si Kyle! Magagalit si Kyle!

Agad akong napaatras at umiling ng ilang beses. Hindi pwede. Si Kyle ang mahal ko. Si Kyle ang nagmamay-ari sakin. No, hindi pwede. Sinaktan na ko ni Zion dati. Baka ulitin lang niya iyon pag pinagbigyan ko siya ulit.

"Hey. Babe.. Masyado ba kong mabilis? Okay, we'll take this one slow.. Sorry kung minadali kita-"

It could have been.. Us. (SHORT-STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon