E.

338 14 3
                                    

Marahan kong iminulat ang dalawang mata ko. Nasilaw pa ko sa sinag ng araw na nanggagaling sa malaking bintana na nasa bandang gilid ko.


Isang beses pa kong pumikit ng mariin bago tuluyang buksan ang mga ito. Naaninag ko kaagad ang puting telang nakabalot sa kalahati ng katawan ko. Oo nga pala. Nahilo ako kanina habang nag-uusap kami nila Kyle.


Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ang nakayukong ulo sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Marahan kong iniabot ang mga nakatayong buhok niya at sinuklay ito.


Napapitlag siya at agad na tumayo mula sa pagkakayuko. Tinitigan niya kong mabuti kahit na namumula-mula pa yung mga mata niya dahil siguro sa pag tulog.


Napangiti ako. Ito ang lalaking totoong nagmamahal sakin. Simula palang noong una. Kahit na may nangyaring hindi maganda samin noon, bawing-bawi naman na lahat yun ngayon.


Zion is my true love. I guess. And as of Kyle.. I don't know.. Alam kong minahal ko siya. Totoong minahal ko siya. Dahil kung hindi totoo yun, hindi naman siguro ako masasaktan kapag lagi niyang pinipili ang girlfriend niya kesa sakin.


At siguro, hanggang dun na lang talaga kami. We've learned enough from our mistake. Sa maling relasyon na namagitan samin. Tama nga siguro yung kasabihan na, 'Experience is the best teacher in life.' We've been there once, kaya hindi na dapat maulit pa.


"Hey, are you okay? May nararamdaman ka ba? Nahihilo ka pa? Tell me, Tiff." Nag-aalalang tanong ng boyfriend ko.


Ngumiti ako't bahagyang umiling. "I feel fine, Zion. Pero, anong sinabi nung doctor? Yung baby? Kamusta?"


Umiling siya at nagpakita ng isang nakakatanggal takot na ngiti. "Our baby's strong, babe. There's nothing to worry. Nahilo ka lang daw talaga dahil sa stress na naramdaman mo kanina. And we should avoid that to happen again."


Humalik siya sa noo ko habang sinusuklay ang buhok ko. Then everything seems so fine. Parang wala nang nangyari. Ganito nalang sana lagi. Yung kami lang. Yung masaya lang kami. Pati nang magiging baby namin.


Lumingon ako sakanya dahil sa malalim niyang paghinga.


"What's bothering you? May problema ba?"


Umiling lang siya at kinuha ang kamay kong walang nakasaksak na dextrose. Hinalikan niya ito't sinalikop sa isang kamay niya. Tumitig siya sakin at bahagyang ngumiti.


"Babe, we'll get married." aniya sa seryosong tono.


Agad nanlaki ang magkabilang mata ko. Oh my gosh. He's not proposing but telling me that we'll get married! I am fxcking surprised!


Bumitiw ang isang kamay niya habang nanatiling hawak nang isa ang kamay ko. May dinukot iyon sa loob ng bulsa niya't naglabas ng isang itim at maliit na box.


"I'm not gonna let that man touch you again. I'll be giving you and my child everything, Tiff. My name, my protection, my shelter, and of course, my unconditional love." Binuksan niya ng marahan ang itim na box at kinuha mula roon ang isang kumikinang at napakagandang singsing.

It could have been.. Us. (SHORT-STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon