THIS IS JUST A SHORT-STORY. PURONG IMAHINASYON LAMANG ANG LAHAT NG NAKAPALOOB SA STORYANG ITO.
----------------------
"Hi baby. I missed you."
Sinalubong niya ko ng halik sa noo. I hugged him so tight. Sobrang namiss ko siya. Tatlong araw siyang walang paramdam at walang pakita. Pero naiintindihan ko naman. I'll always understand him. Always.
"I missed you, too. How are you?" Sabik na pagtatanong ko habang nakayakap ako sakanya. Hinimas niya ang kanang pisngi ko. Yung mga titig niya.. Para niyang kinakabisa ang bawat parte at hugis ng mukha ko.
"I'm fine. Ikaw? Kamusta ang makulit na baby ko?" Kinurot pa niya ng mahina ang pisngi ko. I missed his touch. God, I missed him so much..
Umalis ako sa pagkakayakap niya at hinila siya upang maupo sa couch. Tumabi siya sakin at iniakbay ang isang braso niya sa balikat ko. Ipinilig ko naman ang ulo ko sa balikat niya at niyakap siya gamit ang isang braso ko. I'm so happy he's already here.. "Okay lang ako. But damn, my days are so not complete without you."
Naramdaman ko nanaman ang paghalik niya sa buhok ko. Ganito lang kami lagi. Sinusulit ang bawat oras na magkasama kami.
"Hm.. Kyle." Seryosong tawag ko sakanya.
"Hm?" Inilayo ko ang pagkakasandal ng ulo ko sa balikat niya at hinarap siya.
"How is she?"
Matagal na katahimikan ang bumalot saming dalawa. Nakatitig siya sa mga mata ko na tila nagtatanong kung bakit gusto ko iyong malaman.
Humugot na lang ako ng malalim na hininga. "Okay.. Sorry. Hindi ko na dapat tinanong."
Tatayo na sana ako nang hilahin niya ang kamay ko kaya napaupo ako sa mga hita niya. Niyakap niya ko ng mahigpit habang ramdam na ramdam ko ang malalalim niyang hininga sa batok ko. "She's fine.. Everything's fine, Tiff."
Napapikit ako ng mariin sa sinabi niya. Everything's fine? Bakit? Paano? Paano naging okay ang lahat?
Iniayos ko ang upo ko at humarap sakanya. Pinatong ko ang magkabilang braso ko sa malalapad na balikat niya. "I love you."
Ngumiti siya at hinalikan ako ng mabilis sa labi. "I love you too, baby."
Yumakap ako sakanya ng tuluyan. Hinigpitan ko pa lalo nang gumanti siya. I love this man. I love him so much that it breaks my poor heart, knowing he's not mine. Yes.. He's not mine. And that's the damn truth which hurts me the most.
"But you love her more.." bulong ko. Ofcourse, yun ang mas mahal niya. Dahil kung mas mahal niya ko, ako na dapat ngayon ang nagmamay-ari sakanya.
"I'm sorry.." Mahinang sagot niya na ikinadurog nanaman ng puso ko. F*ck, that hurts!
BINABASA MO ANG
It could have been.. Us. (SHORT-STORY)
RomantikCOMPLETED. Mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya na kahit dalawa kaming mahal niya.. Eh ayos lang sakin. Kahit pa ako lang talaga ang nakikihati.. At yung isa ang totoong nagmamay-ari.